Ocho

315 13 0
                                    

KURT

Nakasakay na kami sa kotseng sumundo sa 'min mula sa pier. Binabagtas namin ang daan patungo sa hacienda ng mga Laurente ngayon.

Tahimik lang si Kinz mula pa kagabi hanggang sa buong byahe namin na tumagal din ng ilang oras kaya nakakaramdam na ako ng pagod.

Sabay kaming bumaba ni Kinz mula sa kotse nang marating namin ang mansiyon.

"Anak!" Salubong sa 'min ni Nanay Kiana, ang Mom ni Kinz.

"Napagod ba kayo?" Tanong naman ni Tatay Cero na kasunod lang ni Nanay.

Nanay at Tatay ang tawag sa kanila ni Kinz kaya ganun din ang tawag ko sa kanila.

"Medyo po, Tay." Ako na ang sumagot kasi mukhang wala namang balak na sumagot ang asawa ko na namumugto pa rin ang mga mata at medyo namamga ang ilong at labi dahil sa labis na pag iyak.

"Ah, sige. Kumain na muna kayo ng makapagpahin---"

"Where's Alexander?" Putol niya sa sasabihin ni Nanay. "Where is he?!"

Bumuntong-hininga si Tatay saka siya hinawakan sa balikat.

"Come." Yaya nito kaya sumunod na rin kami.

Medyo malayo ang nilakad namin mula sa likod-bahay ng mga Laurente. Mula sa makakapal na puno ay bumungad sa 'kin ang flat ground na libingan ng pamilya nila.

Sumusunod lang kami kay Tatay hanggang sa makarating kami sa isang lugar kung saan may malaking rebulto ng kabayo.

Talaga nga palang malapit siya kay Kinz dahil dito pa siya inilibing sa libingan ng angkan nila malapit pa sa Lolo ni Kinz.

Nanghihina namang umupo si Kinz sa tabi ng lapida at tahimik na umiyak. Iba sa naging iyak niya sa isla.

"Mahal na mahal niya kasi talaga si Alexander." Pagsasalita ni Nanay. "Seventeen pa lang si Kinz ng dalhin ni Papa si Alexander dito sa bahay. Alam mo kasi, madalas na hindi umuuwi ng bahay si Kinz pero nung dumating si Alexander halos hindi mo naman mapaalis." Pagkukwento nito habang nakatingin sa anak.

Dama ko naman ang umaapaw na pagmamahal ni Kinz kay Alexander na ikinaiinggit ko ng sobra. Hindi ko alam kung anong klaseng sakit ang nararamdaman niya ngayon kaya hindi ko alam kung paano ko siya iko-comfort at kung ano ang dapat kung sabihin. Wala akong magawa para mapagaan man lang ang nararamdaman niya.

"Wala po bang pamilya si Alexander?" Bakit dito siya nakalibing?

"Galing pa ng Texas si Alexander. Binili siya ni Papa dun para iregalo kay Kinz." Nagkabuhol-buhol naman ang kilay ko sa sinabi ni Nanay.

"Po?" humarap siya sa 'kin.

"Hindi ba siya ikinukwento ni Kinz sa'yo?"

"Naikwento po. Sabi niya, gwapo si Alexander, sexy, mahal niya at kabet niya." Medyo natawa ito.

"Ah, 'yon lang ang alam mo? Hindi mo alam na KABAYO SI ALEXANDER?"

KABAYO SI ALEXANDER

KABAYO SI ALEXANDER

KABAYO SI

ALEXANDER

KABAYO

KABAYO

Paulit-ulit na nag-echo sa utak ko ang sinabing 'yon ni Nanay. Na isang kabayo si Alexander.

Taina....

Nagselos ako sa isang kabayo?

Nagselos? HINDI AH!

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon