KURT
Sinag ng liwanag mula sa labas ang gumising sa 'kin ngayong umaga.
Unti-unti akong nagmulat at nang masilayan ko muli ang mundo ay ang mga mata niya ang nakita ko na nakatitig sa 'kin.
Ang mga mata niya na siyang karagatan ng isla.
Ang mga mata niya na siyang tahanan ko.
"Good morning." Bati ko saka ako lumapit sa kanya at hinalikan siya sa noo.
Wala siyang imik.
"Kumusta naman ang umaga ni Baby ko?" Sa tiyan niya ako nakatitig ngayon at hinawakan ko pa ito.
"Magluluto muna ako." Tumayo siya at walang imik na lumabas ng pinto.
Napanguso na lang ako at kumakamot na bumangon.
Inayos ko muna ang higaan naming dalawa bago ako bumaba.
Diretso ako sa banyo pagkatapos ay lumabas muna ako para linisin ang sasakyan at nagdilig na rin ng mga halaman.
Wala nga kasi kaming katulong hindi ba? Ayoko naman na si Kinz pa ang gumawa ng lahat ng ito.
Nang matapos ako ay dumiretso na ako sa kusina at naabutan ko siya nag hahain na sa mesa.
Mukhang naglinis na rin siya sa buong kusina.
"Kain na." Seryoso lang ang mukha niya sabay talikod para hiwain ang mansanas na ibinabad niya sa tubig na may asin ata.
Napabuntoblng hininga naman ako sabay lapit sa likuran niya.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya na hindi siya magugulat kasi baka mahiwa ang kamay niya eh.
Huminto siya sa paghihiwa ng mansanas.
"Galit ka ba sa 'kin?"
"Bakit naman?" Malamig na tanong niya saka muling nagpatuloy sa ginagawa.
Bumitaw ako sa kanya saka umikot paharap para sumandal sa sink. Bale magkaharap na kami ngayon.
Tahimik lang ako na tinititigan siya na ngayon ay salubong na salubong ang mga kilay at nakanguso pa.
"Sasama ba ako kay Cassy mamaya?" Hindi niya ako tinitignan.
"Bahala ka. Desisyon mo 'yan." Tinalikuran na niya ako dahil tapos na siya sa ginagawa niya.
Oranges naman ang isinunod niya na hiniwa niya rin upang gawing juice.
"Kailangan kong magpaalam sa'yo. Asawa kita Kinz at bilang asawa kailangan ko ang suhestiyon mo kahit sa maliliit na bagay." Patuloy lang siya sa ginagawa niya. "Kinz, sabihin mo naman sa 'kin kung bakit ka naiinis ngayon oh?" Bumuntong hininga siya saka naghugas ng kamay.
"Squeeze mo." Utos niya sabay talikod.
Sinunod ko na lamang ang gusto niya. Isa-isa kong inisqueeze ang mga oranges na hiniwa niya.
Nang matapos ako ay pinangunahan niya na ang pagdarasal at nagsimula na kaming kumain.
Tahimik pa rin siya.
"Hindi na lang ako sasama kay Cassy." Buntong hininga lang ulit siya sabay baba ng hawak niyang mga kubyertos.
"I'm sorry." Apologetic na sabi niya habang nakatingin sa 'kin.
Kumunot lang noo ko kasi hindi ko alam kung para sa'n ang sorry niya.
"I don't know kung anong kadramahan 'tong ginagawa ko ngayon. Maybe....yah. Nagseselos nga yata ako." Gusto kong ngumiti pero hindi yata angkop sa eksena. "Pasensya na."
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...