KURT
Pagkatapos kung ipagtapat ang totoong nararamdaman ko sa kanya ay hindi naman siya umalis, hindi niya ako iniwan pero may nagbago.
Kinakausap niya ako pero hindi na katulad ng dati. Ilag na siya sa 'kin kumbaga.
"Kumain ka na." Sabi niya pagbaba ko sa sala mula sa kwarto dahil nagbihis ako.
Hindi na ako natutulog sa kwarto dahil alam kung naiilang siyang makasama ako sa iisang lugar kaya sa sala na ako natutulog.
Umaakyat lang ako kapag magbibihis o may kukunin.
Hay....
Tahimik siyang nakaupo sa couch habang hinihimas ang lower lip gamit ang thumb niya.
At di gaya ng dati, hindi na niya ako sinasabayan ngayon sa mga bagay na sabay naming ginagawa noon gaya ng pagkain.
Umupo ako sa couch na kaharap niya at mataman ko siyang tinitigan.
"I missed you." Napahinto siya sa paghaplos sa labi niya pero hindi niya ako tinitignan. "Sana pala nakontento na lang ako. Sana hindi ko na lang sinabi ang totoong nararamdaman ko. Sana nakontento na lang ako sa kung anong meron tayo." Nakatitig lang ako sa mukha niya.
Sa mukha niya na kahit araw-araw ko namang nakikita ay namimis ko pa rin ng sobra.
"Sana naging kontento ako sa atensyon na kaya mong ibigay. Naghangad pa kasi ako ng higit pa eh." Hindi niya pa rin ako tinitignan. "Kung hindi ka komportable, kung ayaw mo na akong makasama, kung ayaw mo na----pwede ka namang umalis o ako." Kahit na 'yon ang pinakamasakit sa lahat.
Ang mawala siya sa 'kin. Ang hindi ko siya makita.
"I-I ca...can't." yumuko siya kaya hindi ko makita ang mga mata niya.
"Why? Dahil nangako ka? Nangako kang hindi mo ako iiwan?" Marahas akong nagpakawala ng hangin.
Para kasing laging may mabigat na nakadagan sa dibdib ko eh.
"Sometimes it's okay to break our promises, lalo na kapag nasasaktan na tayo. At 'yon naman talaga minsan hindi ba? Na promises are meant to be broken. Saka, I don't want you to stay because you've promised. I want you stay because YOU WANT TO STAY." Doon na niya siya tumingin sa mga mata ko at may kung ano na naman siyang pinipilit hanapin o unawain sa 'kin.
Nagulat naman ako sa pagpatak ng luha niya.
"K-Kinz..."
"I....I can't... I can't leave...." Tuloy-tuloy sa pagpatak ang mga luha niya. "I can't leave......cauze.....I don't know how." Pagkasabi niya ng mga salitang 'yon ay bigla siyang tumayo at mabilis na tumakbo palabas.
Sinundan ko naman agad siya.
"Kinz!" Huminto siya pero nakatalikod pa rin siya sa 'kin.
Pareho kaming nakapaa ngayon sa buhanginan kaya ramdam ko ang init nito sa talampakan ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Hindi siya sumagot at hindi niya rin ako hinaharap.
Nakakapuno na!
"Tangna, Kinz! Ano ba? Minsan naman bigyan mo ako ng kaliwanagan oh? Hindi sa lahat ng oras kaya kong hulaan ang mga gusto mong ipaintindi sa 'kin. Minsan naman magbigay ka ng eksplenasyon." Nanghihina kong sabi sa huling linya. "Please naman oh?"
Mas mahirap pa kasi siyang unawain kesa sa mga taong hindi nakakapagsalita eh. Atleast ang mga 'yon gumagamit ng sign language hindi gaya ng isang 'to na akala mo minsan ay dekorasyon lang sa isang tabi.
Hinarap niya ako at pinagkatitigan ang mukha ko. Ang mga mata ko.
"I'm not staying because I've promised. I'm staying because..... because...." Mariin niyang kinagat ang lower lip niya na parang nag-aalangan siyang sabihin kung ano mang gusto niyang sabihin. "Because.... I'm staying because I don't want to leave......I don't want to leave you." Tumalikod ulit siya sa 'kin pero mabilis akong lumapit sa kanya sabay hila sa braso niya paharap sa 'kin at hinawakan ko ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...