KURT
Nakatitig lang ako sa monitor na nasa harapan ko ngayon habang pinakikinggan ang nakakabinging tibok ng puso mula sa sanggol na nasa loob ng tiyan ni Kinz.
"Apat na buwan na lang at makikita na natin siya." Sabi ni Kinz naluluha pa habang nakatitig sa monitor.
Nakikita namin ang panganay namin ngayon na mahimbing na natutulog.
Lalaki ang panganay namin ni Kinz.
"Kinz." Banggit ni Doktora na siyang nagche-check palagi sa kalagayan niya.
Kinakabahan ako sa way ng titig niya.
"Kinz....Kurt....magiging totoo lang ako sa inyong dalawa." Para akong sinesentensyahan ng kamatayan ngayon. "Mahina ang heartbeat ng bata kaya kailangan mo ng dobleng pag-iingat." Sabay buntong hininga. "At tatapatin na kita." Nakatitig siya sa asawa ko ngayon. "Mas marami kang mararamdamang hirap sa mga susunod pang buwan. Nasabi ko na sa'yo 'yan noon pa. Maging handa ka palagi at doble ingat, hm?" Mapakla siyang ngumiti.
Napakuyom naman ako.
"Kurt..." Sa akin na ang atensiyon ni Doktora ngayon. "Alagaan mo siyang mabuti." Maikli lang ang sinabi niya pero ang karugtong ay isinisigaw naman ng mga mata niya. "Wag mong pababayaan ang mag ina m--" hinawakan niya ang kamay ni Doktora.
"Okay lang ako."
Nagkatinginan na lang kami ni Doktora at sabay na napabuntong hininga.
Okay?
Puwes ako hindi.
Hindi ako okay....
Nakaabang na ang lahat sa bahay. Kompleto ang barkada ni Kinz, naroon din si Ara, ang pamilya namin at ang ang mga kaibigan kong sina Alex at Ron.
Nasa labas ng bahay silang lahat at nag aabang ng balita.
Nag iihaw sina Alex at Xander habang nag aayos naman ng lamesang pagkakainan si Aaron at Hazel.
Sinalubong naman kami ng pamilya namin.
Dala ko ang kahon na naglalaman ng kulay ng lobo na magsasabi sa kanila kung anong gender ng anak namin ni Kinz.
Kinumusta nilang lahat ang kalagayan ni Kinz. Hindi pa alam ng mga magulang namin ang totoo. Tanging ang malalapit pa lang naming mga kaibigan.
Ayaw ni Kinz na malaman ng parents niya.
Kung bakit? Hindi ko rin alam.
At hindi ko nga gustong kuwestiyunin ang mga desisyon ni Kinz pagdating sa mga magulang niya.
Kung kelan siya handang sabihin sa mga ito ay andito lang din naman ako para samahan siya.
Hindi ko pa nga rin masabi sa mga magulang ko eh. Natatakot kasi ako sa pwedeng maging reaksyon ni Mommy.
Hay....
"Kumusta siya?" Tanong ni Zaldy nang maiwan kaming dalawa dito sa isang sulok.
Kami na kasi ang nagpatuloy sa pagiihaw ng mga karne.
"Hindi maganda ang kalagayan niya ngayon." Nanlumo ako bigla at itinigil ang pagpapaypay sa baga.
Para kasing hinigop bigla ang lakas ko.
Si Zaldy ang nagpatuloy.
"Itutuloy mo ba ang bata?" Marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko.
"Gusto ni Kinz."
"Ano bang gusto mo?" Tinignan niya ako.
"Gusto ko silang dalawa ang mabuhay pero kung papipiliin ako....patawarin na ako ng anak ko kung pipiliin ko ang ina niya. Mahal na mahal ko ang anak ko. Sobra. At hinihiling ko rin na makasama siya pero hindi ko rin kaya na mawala ang asawa ko sa 'kin." Pinipigilan kong maigi ang mga luha ko dahil baka mapansin ng mga magulang namin kapag umiyak ako rito.
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...