KURT
Nakatayo lang ako sa harap ng dingding na salamin habang pinapanood si Ara at Kinz na nakaupo sa buhanginan at seryosong nag uusap.
Maayos na ang pakiramdam ni Kinz kesa kahapon at nung isang araw pero hindi nababawasan ang pag aalala ko sa kalagayan niya.
Nakita ko ang pagsandal ni Ara sa balikat niya. Napayuko na lamang ako at umalis sa kinatatayuan ko.
Wala akong gusto kundi maging maayos si Kinz at kung si Ara ang magpapasaya sa kanya ngayon ay ayos lang sa 'kin.
Tanga ba ako?
Tss...
Matagal naman na.
Dumiretso na lamang ako sa kusina upang magtimpla ng kape.
Narinig ko naman ang mahihinang patak ng ulan sa bubong kaya agad akong tumayo muli upang silipin sina Kinz.
Nakita ko siyang nagmamadaling naglalakad papasok ng bahay. Agad akong tumakbo palabas dala ang payong upang salubungin silang dalawa.
"Here!" Agad kong iniabot ang payong sa kanila.
"Paano ka?" Tanong niya.
"Don't mind me. Bilisan niyo na." Agad na kaming naglakad ng mabilis papasok ng bahay.
Pagkapasok ay agad akong kumuha ng tuwalya upang mapunasan ang ulo niya.
"Tsk. Baka lagnatin ka na naman neto eh." Sabi ko habang pinapatuyo ang ulo niya na bahagyang nabasa ng ulan.
Tumakbo din ako sa kusina upang ikuha siya ng tubig.
Ewan ko. 'Yon kasi ang ginagawa sa 'kin ni Mommy dati kapag nababasa ako ng ulan eh.
Agad niya akong pinapainom ng tubig.
Bakit nga kaya?
Inabutan ko rin si Ara na ngumiti lang sabay tanggap sa baso ng tubig. Siya na rin ang nagbalik nito sa kusina.
"Magpalit ka muna ng damit." Sabi ko sa kanya.
Nakatingin siya sa direksyon ni Ara sabay baling sa 'kin bago tumango.
Dahan-dahan siyang umakyat patungo sa taas upang magpalit siguro ng damit.
Sumunod naman ako sa kanya.
Nilingon niya ako pagkapasok ko sa loob ng kwarto.
Patungo na siya sa closet.
Ako na ang nagbukas nito at tinanong ko na lamang kung anong susuotin niya. Itinuro niya ang shirt ko at hoody jacket na agad ko ring kinuha at ibinigay sa kanya.
Agad siyang naghubad kahit alam niyang nasa harapan niya pa ako saka isinuot ang mga damit na pagmamay-ari ko.
Hindi rin naman ako nag-iwas ng tingin.
Nakakasanayan na rin siguro namin ang isa't-isa.
Pagkatapos ay naupo siya sa kama, inayos ang mga unan at nahiga.
"Ayos ka lang ba?" Tumango lang siya at bahagyang ngumiti. "Nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin?"
"Pwede bang....pwede bang makatabi ko si Ara?" Napalunok ako sabay iwas ng tingin sa kanya.
Ayoko lang na makita niyang hindi ako natuwa sa hiling niya. Ayoko lang makita niya ang nga mata kong nainis sa narinig mula sa kanya.
"Tatawagin ko lang siya." Agad na akong umalis at pinuntahan si Ara.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko nang makita si Ara na bitbit ang mga gamit niya pagbaba ko.
"I'm going home."
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...