Cuarenta y Ocho

205 9 0
                                    

KURT

"Ikaw Alex ha? Napapansin kong panay ang banat mo sa 'kin. Baka mamaya niyan inlove ka na pala sa 'kin?" Nagtawanan kaming lahat sa sinabing 'yon ni Zaldy.

Magkakasama na naman kami dito sa hacienda nila Kinz.

"Di ako pumapatol sa impakto hoy!" Halata namang napikon agad ang isa.

Gago talaga 'tong si Alex. Walang preno ang bibig eh.

"Baka kapag hinalikan kita diyan hanap-hanapin mo ang impaktong 'to?" Tawanan ulit ang lahat kay Zaldy.

Kunwa ay nasuka naman si Alex.

Madalas talaga silang magbangayan na dalawa na kung minsan ay nabibigyan na rin tuloy naming lahat ng malisya. Ahahaha!

Si Xander at Kinz naman ay nasa isang gilid at may sariling mundo.

Hawak ni Xander ang gitara ni Kinz habang naghahum ang asawa ko. Mukhang bagong kanta ata na tinitipa pa nila ang tamang chords.

Nang makapaghanda ng hapunan ay agad na rin kaming nagsalo-salo pagkatapos ay kwentuhan ulit sa malaking kubo dito sa hacienda na intended para sa mga bisita.

"Ahhhh!" Napalingon kaming lahat sa labas ng kubo kung saan sumisigaw si Zaldy. "Rape! Rape!" Nakahawak siya sa dibdib niya habang mabagal na tumatakbo sa direksyon namin.

Siya lang ang gagahasain na gusto atang maabutan.

Nakasunod naman si Alex sa kanya na nakasubo ang kutsara sa bibig habang may bitbit na ice cream.

"Tulong! Gusto akong gahasain ni Alex!" Sabi nito paglapit sa 'min.

"Asa ka." Sabi ni Alex sabay lapag ng ice cream sa lamesang nasa gitna naming lahat.

"Asan na kutsara ko?" Tanong ni Zaldy.

"Andun sa tubuhan. Tinapon ko. Madumi eh." Hinampas naman siya ni Zaldy sa balikat.

Poker face lang siya.

Ang bakla ni Zaldy pero lalaking-lalaki naman ang get up. Ewan ko nga dito kay Alex eh, ang hilig kayang magbaklabaklaan niyan pero lately nagfefeeling macho sa harapan ni Zaldy. Muntanga.

"Ikuha mo ako ng kutsara ulit!" Parang batang atungal ni Z.

"Yoko nga." Hay...

"Alex! Hindi na talaga kita kakausapin!" Ano bang meron sa dalawang 'to?

Lahat nga kami nakatingin na sa kanila at itong asawa ko ay kakaiba ang ngiti. Hm?

May something mga ba sa dalawang 'to?

Wala namang problema sa 'kin kung lumihis ng landas itong si Alex eh. Siya pa rin naman ang Alex na kaibigan namin ni Rob at hindi 'yon mababago ng kasariang meron siya.

"Oh!" Binigay niya 'yong kutsarang nasa bibig niya.

"Ew!" Pandidiri naman ng isa na boses lalaki pa.

"Ew daw. Gusto mo ngang inumin laway ko eh."

"Yayk!" Reaksyon ng iba pa lalo na si Aaron na hindi maipinta ang mukha sa narinig mula kay Alex.

"Tigil niyo na 'yan. Daig niyo pa magjowa ah?" Singit ni Anton na kakarating lang mula sa bahay at may dalang maliliit na baso para sa ice cream at maliliit ring kutsara. "Iniwan niyo pa akong dalawa." Reklamo niya pa.

Si Aaron naman ang agad na tumayo para tulungan si Anton sa pagbababa sa lamesa ng mga hawak niyang gamit.

Nanahimik naman bigla ang dalawa na kanya-kanya na ng upo sa pwede pang pwestuhan.

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon