KURT
Tahimik lang ako habang tinitignan si Kinz ngayon na nakaupo sa couch habang nakasandal at nakatingala. Nakapikit lang siya habang mariing hinahaplos ang ibabang labi niya gamit ang tatlong daliri.
Maya-maya'y tumayo siya at nagpalakad-lakad habang humahaplos sa batok. Nagsimula siyang maging balisa simula nang mabasa niya ang sulat na pinadala sa kanya ng parents niya. May kung ano siyang nararamdaman pero hindi niya mailabas.
"Kinz. Ayos ka lang ba?" Kanina pa kasi akong nahihilo sa paglalakad-lakad niya.
"Ahm... labas...lalabas muna ako." Pagkasabi niya nun ay mabilis niyang tinungo ang pinto at lumabas. Napasunod na lang ako ng tingin sa kanya.
Parang may mali?
Lumabas din ako para sundan siya.
Nakatayo siya sa lilim ng isang puno habang blangkong nakatanaw sa malawak na karagatan.
Napahinto naman ako sa paghakbang palapit sa kanya nang makita ko ang pagtulo ng luha niya na agad niya naman pinahid gamit ang likurang bahagi ng kamay niya. Kahit pagpahid ng luha ay hindi pambabaeng asta.
Muli pang nasundan ang luhang pumatak na agad niya ring pinapahid.
Nagdadalawang isip tuloy ako kung lalapit ba ako o hahayaan ko muna siyang magisa. Baka kasi hindi niya magustuhan kapag nilapitan ko siya. Pero...
Pero asawa ko siya. Asawa niya ako.
Bahala na nga...
"Kinz..." Hindi siya lumingon. "Pwede ba akong lumapit sa'yo?" Dun na niya ako nilingon at dun ko lang napansin ang pamumugto ng mga mata niya. "W-Why?" Humakbang siya palapit sa 'kin at hindi ko inaasahan ang mahigpit na pagyakap niya sa 'kin.
Napalunok ako bigla ng maramdaman ang pagwawala ng puso ko.
Marahan ko na lang na hinagod ang likuran niya.
"Kurt..." Bigkas niya sa pangalan ko at mas hinigpitan niya pa ang yakap niya na parang humihingi ng saklolo sa sakit na nararamdaman niya.
Nakaramdam ako ng tiwala mula sa kanya. Na hindi siya nag alinlangang ipakita sa 'kin ang weak side niya.
At gaya ng kakaibang tawang meron siya ganun din ang pagiyak niya. Hindi siya tahimik umiyak, talagang inilalabas niya kung ano mang iyak ang gusto niya. Na para siyang bata na gustong iparinig sa buong mundo na umiiyak siya.
"Ehuhugh! Eehuhuhuhugh!!!!" Mas humigpit pa ang yakap niya sa 'kin.
Marahan kong hinaplos ang buhok at likod niya para maiparamdam ko sa kanyang hindi siya nag-iisa.
Ngayong nakita ko ang side na 'to ng pagkatao niya, nakaramdam ako ng lungkot. Ayokong makita na nagkakaganito siya, siguro dahil kaibigan ko na din siya kaya may epekto na sa 'kin kapag alam kong nakakaramdam siya ng sakit.
Ang nakakainis lang....hindi ko alam ang pwedeng gawin upang kahit na papano'y maibsan ang sakit na nararamdaman niya.
Ayoko ng side niyang 'to...pero...Gaya nga ng sinabi niya noon, magsasama kami habambuhay kaya dapat handa kami sa mga ganitong parte ng buhay namin.
Ano kaya ang bagay na nagpaiyak sa kanya ng ganito?
"Ano bang nangyari?" Nakaupo na kami ngayon sa pinong buhangin habang pinagmamasdan ang paghampas ng alon mula sa dagat.
Medyo kalmado na siya ngayon kesa kanina.
"H-He's dead." Nakaramdam ako ng kaba at napatitig sa kanya na nakayuko lang ngayon habang nilalaro ang buhangin.
"S-Sino?"
Nakita ko ang pagpatak ng luha niya sa buhangin. Agad niya namang pinupunasan ang mga ito pero hindi pa rin tumitigil ang pagpatak nun. Para siyang bata na tahimik na umiiyak sa isang gilid habang nakayuko dahil ayaw na ulit mapagalitan dahil sa malakas na pag iyak niya kanina.
Hinihintay ko lang siyang sumagot.
"M-My....M-My Alec....my Alexandehuhuhuhur." Dun na siya nagsimulang humagulhol ulit. "Ehuhuhuergh..."
Alexander?
So hindi na niya kinaya ang sakit niya. Kaya pala ganito umiyak si Kinz ngayon. Kahit hindi ko alam ang buong kwento tungkol sa kanilang dalawa, alam ko kung gaano kamahal ng asawa ko si Alexander. Nakikita ko 'yong kislap sa mga mata niya sa tuwing mabibigkas niya ang pangalan ni Alexander at kitang-kitang ko ang pighati sa mga mata niya ngayong wala na ito.
Patuloy lang siya sa pagiyak habang nakayuko pa rin at panay ang pahid sa luha niya.
"Huhuhu....kainis naman eh." Nanggigigil niyang pinahid ang mga mata niya. "Bakit ba ayaw nitong huminto?" Alam kong wala sa lugar pero gusto kong matawa sa kacutan niya ngayon. Para kasing batang naiinis na dahil ayaw huminto sa pagpatak ang luha niya.
Hinagod ko na lang ang likuran niya na medyo nagpakalma sa kanya.
"Bukas....buk..." Huminto muna siya upang pahupain muna ang mga hikbi niya. "Bukas may susundo sa 'kin dito...eherm!" Sabay punas ulit sa luha niya. "Uuw...Uuwi muna ako." Suminghot muna siya saka tumingala para tumingin sa 'kin. "Sama ka." Hindi siya humihingi ng permiso, hindi siya nagtatanong. Sa sinabi niya, para siyang musmos na nangangailangan ng kaibigan, ng karamay na sasama sa kanya.
"Oo naman. Sasamahan kita." sagot ko habang tinatanggal ang mga buhok na nakadikit sa basang mukha niya dahil sa luha.
"Talaga?"
"Asawa kita, 'di ba?" Ngumiti naman siya sabay singhot.
Kahit ikinasal kami ni Kinz ng hindi nagmamahalan, ng labag sa aming kalooban, asawa ko pa rin siya. Asawa ko na dapat kong protektahan at alagaan.
Pero 'di ba si Alexander ang dahilan ng pagpayag niya sa marriage na 'to? So ano ng mangyayari ngayong wala na ang dahilan ng pagpapakasal niya sa 'kin? Ibig sabihin ba nun wala na ring KAMI?
KAMI? Wala nga pala talagang kami.
"Hindi kita iiwan." 'yon ang mga katagang sinabi ni Kinz sa 'kin. Nangako siya.
Ewan ko ba? Hindi ba dapat masaya ako kapag umayaw na si Kinz sa sitwasyong 'to? Dapat matuwa ako na magiging malaya na ulit ako. Pero hindi 'yon ang nararamdaman ko.
Ayokong maghiwalay kami..
Siguro dahil nae-enjoy ko na ring kasama siya. Siguro dahil gusto ko ang pag-aalaga niya. Siguro dahil...
Asawa ko siya.
Siguro dahil nakasanayan ko na ring kasama siya. Na sa kunting panahon naming magkasama nasanay na ako sa presensya niya. Nasanay na akong nasa tabi ko siya.
Panghahawakan ko ang vow namin. Lalo na ang ''till death do us part'". Alam kong hindi ako iiwan ni Kinz gaya ng ipinangako niya.
Tumingin ulit ako sa kanya. Naghuhukay siya ngayon ng buhangin gamit ang mga daliri niya sa paa. Sinisinok din siya dahil siguro sa pagiyak niya kanina. Humihikbi din siya na parang batang unti-unti ng kumakalma.
Isa pa sa nakasanayan ko? Nakasanayan kong panoorin ang bawat galaw niya, ang bawat pagsasalita niya at ang bawat kibot niya.
Kay Kinz ko lang naranasan ang mga bagay na naranasan ko sa mga panahong magkasama kami.
Ang dating pagka weirdo niya na ikinaiinis ko ay ikinatutuwa ko na ngayon. Na nagiging cute na ang bagay na 'yon sa paningin ko.
"Okay ka na ba?" Mahinahon kong tanong.
Tumango lang siya saka ngumiti pero di niya ako nililingon.
"Uwi na tayo?" Tanong ko ulit.
"Sige." Nauna naman akong tumayo at inalahad ko ang kamay ko sa kanya. Inabot niya naman iyon. "Salamat." nakatingin na siya sa 'kin.
Ngumiti lang ako at sabay na kaming naglakad pauwi sa bahay naming mag asawa.
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...