Treinta y Nueve

222 7 0
                                    

KURT

Hatinggabi na...

Walang tigil pa rin ang ulan. Nakatayo lang ako sa malawak na salamin habang pinagmamasdan ang malakas na kulog.

Nakapatay ang ilaw ko at tanging talim lamang ng kidlat ang nagbibigay ng liwanag sa silid ko. Wala akong pantaas na suot.

Ewan.

Trip ko lang mag moment. Saya eh. Ang saya.

Gusto ko lang maramdaman ang lamig ng gabi. Gusto ko lang palamigin ang puso ko baka sakaling kapag nalamigan eh mamanhid at hindi makaramdam. Gaya ng puso ni Kinz.

Nakatitig lang ako sa ulang bumabasa sa salamin ngayon. Para nga akong baliw kung makapag senti ngayon. Ang OA. Ako yata talaga ang nagbubuntis. Lakas ko kasing magdrama.

Lumingon naman ako sa pinto ng tumunog iyon at bumukas.

"H-Hi!" Keme siyang nakangiti. "Pwede ba akong makitulog dito?" Mahigpit ang bawat paghaplos niya sa batok niya. "H-Hindi kasi ako makatulog sa room ko eh. Pasensya na." Hindi siya makatingin sa 'kin ng diretso. Para siyang batang hiyang-hiyang magsabi ng kasalanan sa magulang.

Hay....ang cute niya.

Naglakad ako palapit sa kama kung saan naroon ang shirt ko at dagli kong isinuot iyon.

Inayos ko rin ang kama para komportable siyang makahiga.

"Sige na. Mauna ka nang matulog."
Nakatingin lang siya sa 'kin na parang may gustong sabihin na kung ano.

Nakatitig lang siya sa 'kin.......

Nakatitig lang.....

Titig na titig.....

"Sige." Walang emosyong sabi niya sabay higa sa kama.

Napakunot noo naman ako habang nagtataka sa kanya.

Hinayaan ko na lamang na walang nakaharang sa malawak na glass wall ko upang makita ko ang nangangalit na ulan sa labas.

Dahan-dahan akong umupo sa kama, nagtanggal ng tsinelas at humiga. Magkabilang dulo ang pwesto namin ngayon ni Kinz.

Pumikit na ako pero alam kong hindi naman talaga ako makakatulog. Nilingon ko siya na ngayon ay nakaharap na sa 'kin at nakatitig na naman.

Kung kanina cute siya ngayon ang creepy na niyang tignan.

"May kailangan ka ba?" Naitanong ko na kasi kanina pa siyang ganyan at nakakatakot na.

Wala siyang imik. Kumilos siya patihaya habang hinihimas ang tiyan niya. Nakatitig na siya ngayon sa kisame.

"Masakit ba ang tiyan mo?" Huminto siya sa paghimas sa tiyan niya.

Nilingon ako.

Tumitig.

Parang gustong bumuka ng bibig niya at sabihin ang gusto nito pero hindi niya magawa.

"Ano ba 'yon?"

"Kasi......" walang kurap siyang nakatitig sa 'kin.

"What?"

Bumuntong hininga siya.

Muling tumihaya.

Tumitig sa kisame.

Hinimas ang tiyan.

"Gusto ko lang........sabihing goodnight. Goodnight, Kurt." At kumilos siya patalikod sa 'kin.

Napabuntong hininga na rin ako.

Malakas ang dagundong sa labas. Nagliliwanag ang buong silid sa tuwing gumuguhit ang matatalim na kidlat sa labas ng bahay.

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon