KURT
Parang nung una lang naming lapag dito sa isla.....
Pareho kaming nakatayo sa harapan ng bahay. Nakatitig rito at naghihintay na may maunang magsalita.
Parang kelan lang, nakasama ko siya dito na hindi ko siya gusto.
Nakasama ko siya at dito unti-unti nahulog ako.
Nakasama ko siya dito at......nagmahal ako.
Nakasama ko siya dito at.........nadurog ako.
At ngayon.....
Makakasama ko siyang muli para muling umikot sa mga damdaming 'yon at madurog muli sa huli.
Hay....
"Ipapasok ko lang ang mga gamit natin sa kwarto." Tumango lang siya.
Iisang kwarto pa rin kami dahil nga hindi siya nakakatulog ng hindi ako katabi.
Naipagtanong na namin kung bakit ganun at yon nga ay dahil daw sa pagbubuntis niya. May kanya-kanya daw gusto ang mga nagbubuntis na hindi minsan maintindihan.
Nakita ko naman siyang dumiretso sa kusina para siguro magluto na.
Inayos ko muna ang kama na pinapalitan namin ng mas malaki para komportable ang mag ina ko sa paghiga. Ang kwarto naman ni Kinz ay kasalukuyang inaayos para kung sakali ay maging silid ni Baby.
Nakakatawa 'di ba? Ang gulo ng meron sa ming dalawa pero nagpaplano kami ng mga bagay na ginagawa ng matinong pamilya. Ang weird lang.
Parang gaya ng dati. Ayaw naming maikasal sa isa't-isa pero kung tutuusin ay inihahanda naman namin ang sarili namin para sa panahong mangyari man ito. Weird talaga ang meron sa pagitan naming dalawa.
Pagkatapos kong ayusin ang silid ay saka pa lang ako bumaba para ayusin naman ang mga gamit ko sa likod ng bahay na naiwan kong nakatambak nung huling stay ko rito.
Baka kasi lamukin eh.
"Kurt." Huminto ako sa pagpasan ng mga tools ko at tumingin sa kanya. "Luto na. Kain na tayo." Ngumiti ako at tumango.
Inilapag ko muna ang mga gamit ko saka ko kinuha ang shirt ko na nakasabit sa isang tabi at isinuot iyon.
Pumasok na agad ako sa loob dahil ayoko rin kasing pinaghihintay ang pagkain.
"Ang baho mo." Nilingon ko siya na nakatayo sa gilid ng cabinet malapit sa sink kung saan ako naghuhugas ng kamay.
Napaamoy tuloy ako sa sarili ko. Sigurado naman akong wala akong amoy eh. Pawis siguro oo.
"Pasensya na. Ang baho mo talaga." Hay....yah....buntis eh.
"Magpapalit na lang ako ng damit." Tumango lang siya sabay atras at inipit ang ilong niya. Natawa naman ako. "Grabe ka. Sobra ka na ah?" Seryoso lang mukha niya kaya winisikan ko na lang siya ng tubig sa mukha.
Pinikit niya lang ang isang mata niya pero wala pa rin siyang reaksyon o imik na nakaipit pa rin ang mga daliri sa ilong. Sama niya.
Natawa ulit ako.
Dali-dali na nga akong umakyat sa kwarto at nagbihis.
Lahat kaya ng shirt ko wala nang amoy kasi kahit fabcon ayaw niya eh.
Matiyaga siyang naghihintay sa lamesa nang matapos ako sa pagbibihis kasi sabay kaming magdadasal na dalawa.
"Iniinom mo ba 'yong mga vitamins mo?" Tanong ko habang kumakain kaming dalawa.
Mukhang madadagdagan na naman ang timbang ko sa loob ng isang buwan kapag si Kinz 'yong kasama ko. Hindi ko na naman mapigilan ang paglamon eh.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit tumataba ang mga lalaki kapag nagkakaasawa. Ahahaha!
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...