Dieci Ciete

272 13 0
                                    

KURT

Nagtungo nga kami sa bahay ng mga magulang ko at dalawang araw din kaming nanatili sa doon na sobrang ikinatuwa ni Mommy dahil gustong-gusto kasi nito si Kinz kahit noong mga bata pa lamang kami. Isa pa sa gusto ni Mommy ay ang sarap ng mga pagkaing niluluto niya.

Ayaw niya pa nga kaming pauwiin kaso may kailangan pang gawin si Kinz sa resto bar nila at pupunta din kami sa birthday party ng anak ni Xander kaya wala na ring nagawa si Mommy na halos ayaw pang bitawan ang kamay ni Kinz nung papaalis na kami.

Si Mommy talaga...










"Andito ka lang pala." Mukhang kanina pa ako hinahanap ng Misis ko.

Gaya nga ng nasabi kong birthday party ng anak ni Xander, andito kami ngayon sa private resort niya. Dito ipinagdiwang ang kaarawan ng pangalawang anak niya na isang taon na ngayong araw. Hindi ko akalaing may sarili na pala itong pamilya. Si Anton naman ay may balak na ring magpakasal at si Aaron, ewan. Si tawa lang kasi 'yong taong 'yon eh. Torpe daw ayon sa mga kaibigan niya.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Kinz nang mapansin siguro ang pagiging tahimik ko.

Nilingon ko naman siya at napailing na lang ako sa itsura niya ngayon.

As usual na white shirt ang suot niya na ginagawa niya yatang uniform dahil sa araw-araw ay ganun lagi ang suot niya. White, black at grey lang ang madalas kong makitang kulay ng mga sinusuot niya. Kadalasan ay plain pa. Simpleng shorts na itim lang ang suot niya, hindi short shorts ha? Kelan ba nagsuot ng mga ganung damit 'tong babaeng 'to? At ito na naman siya oh! Kung makasuklay sa maikli niyang buhok akala mo lalaking nagmomodelo at nang-aakit ng mga babae.

Grabe... daig na daig niya talaga ako sa kaastigan. Mas lalaki pa nga siyang kumilos kesa sa 'kin eh.

Tsk. Speaking of akit...

Ayan na ang mga babaeng naka bikini na 'di kalayuan ang distansya sa 'min at nakatingin sila sa direksyon naming dalawa.

Napasimangot naman ako habang tinitignan ang itsura ng asawa ko ngayon. Tss... ngiting-ngiti habang tinitignan ang mga babaeng 'yon. Ay, talaga naman.

Grabe lang.

Grabe lang talaga.

Gusto kong pagtawanan ang sarili ko ngayon dahil hindi ko akalaing darating ako sa punto ng buhay ko na ang mga babaeng dati ay sinasamba ko ang mga katawan, ngayon ay pinagseselosan ko na.

Selos?

Pwede ko pa bang bawiin 'yon? Tss... 'wag na lang dahil 'yon naman ang katotohanan sa nararamdamn ko. Siguro pinagtatawanan niyo na rin ako ngayon, ano?

Ngayon ko lang nalaman na nasa bokabularyo ko pala ang selos. Tss..

At nakakainis lang dahil sa mga babae ko pa naramdaman. Nakakalalaki lang na nakakabakla? Ewan. Pati ako yata naco-confused na rin sa nararamdaman ko eh.

"Masyado bang maganda ang tanawin, ha?" Hindi ko na naitago ang inis ko.

Hindi niya ako nililingon pero kitang-kita ko ang paglapad lalo ng ngiti niya at nakakagat-labi pa.

Tukneneng talaga!

"Nag-eenjoy ka nga." Nakakainis!

"Yah." Amp naman 'to! Sarap kutungan eh. "Sobrang nag-eenjoy ako kasi---"

"Kasi ang gaganda ng mga babaeng 'yon." Iniiwas ko na ang mata ko sa kanya dahil naiirita lang ako.

"Huh? Nag-eenjoy ako dahil kasama kita." Automatic na napabalik ulit ang titig ko sa kanya.

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon