KURT
Pumili ako....
Pinili ko siya....
Pinili ko ang taong tinitignan ko ngayon.
Nakabantay lang ako sa bawat paggalaw ng dibdib niya senyales ng buhay. Senyales ng pagtibok ng puso.
At habang tinititigan ko siya nakikita ko....nakikita ko ang pagmamahal namin ng ina niya na bumuo sa kanya.
Buhay ang anak ko.
Hindi ko man siya pwedeng mahawakan. Lapitan. Ayos lang.
Basta buhay siya at maghihintay ako kung kelan pwede kong hawakan ang maliit niyang mga kamay at yakapin ang malambit niyang katawan.
Napakuyom ako at mariin na namang umiyak.
"Pangako Kinz, aalagaan ko ang anak natin at mamahalin ng sobra-sobra." Pinilit kong ngumiti sa gitna ng bawat hikbi.
Magiging maayos din ang lahat.
7 months later....
Malakas na hangin ang gumugulo sa buhok ko ngayon habang pinagmamasdan ang malawak na karagatan.
Bumabyahe kami ngayon patungo sa isla. Na sa loob ng pitong buwan ay muli kaming babalik rito.
"Papa!" Tawag niya sa 'kin bitbit si Kenzly------anak ko.
Nakangiti akong sumalubong sa kanila at kinuha ko ang bata mula sa kanya.
"Kanina ko pa pinapatulog pero ayaw naman matulog. Naubos ko na nga lahat ng pwede kong kantahin eh." Napangiti ako sa sentimento niya.
"Baby...pinahirapan mo naman si Mommy." Nakatitig lang ang anak ko sa 'kin.
Malamang. Ano bang naiintindihan ng pitong buwang sanggol?
"Kumain ka na ba?" Baling ko sa kanya habang bahagyang isinasayaw si Kenzly na papungay-pungay na ang mga mata.
Inaantok na siguro.
"Di pa. Sa bahay na lang sa isla pagdating natin." Sabi niya sabay halik kay Kenzly at nagpaalam para ayusin ang mga gamit ni Baby.
Natatanaw ko na ang isla....
Napangiti ako.
"Nak, diyan sa lugar na 'yan ka nagkaron ng buhay ba nabuo ng pagmamahal kaya gusto kong maging tahanan mo rin 'yan. Na maramdaman mo kung anong tahanan ang ibinigay sa 'min ng isla. Gusto kong bawat parte at bawat sulok ng lugar na 'yan ay mahalin mo ng sobra-sobra." Hinalikan ko sya sa noo.
Payapa na siyang natutulog sa bisig ko.
Nang makarating kami sa isla ay tinulungan pa kami ng mga kasama namin na magbaba ng mga gamit ni Baby.
May mga kasama pa kaming mag-aayos ng mga gamit ni Kenzly sa bagong room niya.
"Akin na. Padededehen ko na muna." Kinuha niya sa 'kin ang bata at dinala sa kwarto.
Ako naman ay naging abala kasama ang dalawang binayaran ko upang maging maayos ang pagkakalagay ng mga gamit ng bata
Pasado ala una na ng hapon ng matapos kami sa pag aayos sa room ni Baby.
May mga tao rin kaming isinama para naman ayusin ang labas ng bahay kung saan naglagay kami ng mini playground ni Bunso na kahit hindi pa siya nakakalakad ay malaya siyang makakagapang habang nakikita ang ganda ng tanawin sa labas.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang pinagmamasdan ang ganda ng naging itsura ng playground.
"Ang ganda naman neto." Sabi niya sabay sandal sa balikat ko habang nakatingin din sa pagkakagawa ng palaruan.
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...