KURT
"Ayos ka lang?" Nilingon ko si Mommy na nasa likuran ko.
Naisipan kong pumunta sa bahay ngayon para dalawin siya.
"Opo." Ngumiti ako pero alam ko na ramdam ni Mommy na hindi ako okay.
"May problema ba kayo ni Kinz?" Lumapit siya sa 'kin at dahan-dahang naupo sa tabi ko.
"Mom, bakit niyo kami ipinakasal ni Kinz?" hindi ko ito naitatanong dahil alam ko naman na dahil sa mga lolo namin pero naniniwala pa rin akong may ibang dahilan.
Bumuntong-hininga naman siya.
"Siguro alam mo na ang tungkol kay Kinz?" Tinutukoy niya siguro ang sexuality ng asawa ko.
Tumango lang ako bilang sagot.
"Matalik naming kaibigan ang mga Laurente. Hindi na sana namin gagawin noon ang ipagkasundo kayong dalawa pero nang malaman nang mag-asawa ang tungkol sa pagkatao ng unica ija nila ay hindi nila iyon matanggap kaya itinuloy na lang namin ang napagkasunduan na ng mga lolo niyo dati." Binasa ko muna ang mga labi ko.
"Mom, bakit hindi niyo agad sinabi sa 'kin?" Tinitigan ko ang mukha niya para ipakita sa kanya ang sinasabi rin ng mga mata ko. "Alam niyo ang tungkol sa kanya pero hindi niyo man lang ako inabisuhan patungkol sa pagkatao ng taong pakakasalan ko." 'Di sana una pa lang naihanda ko na ang sarili ko.
Naprotektahan ko na sana agad ang puso ko.
"Dahil nangako ako sa mga magulang ni Kinz. At gusto ko na siya mismo ang magsabi sa'yo dahil gusto ko na siya ang kusang magtiwala sa'yo ng mga importanteng detalye sa buhay niya."
"Mom..." Hinging saklolo ko sa kanya. "Sana po sinabi niyo eh. Ma, mahal ko na siya. Mahal na mahal ko na ang asawa ko Mom." Tuluyan nang kumawala ang mga luha kong kanina ko pang pinipigil.
Kailangan ko ng saklolo sa babaeng hindi ako huhusgahan kahit na ilang balde pa ng luha ang ibuhos ko sa harap niya.
Hindi ko na halos matandaan kung kelan ako umiyak sa harapan niya.
Mahigpit niyang ikinulong ang mga kamay ko sa palad niya.
"Alam mo ba? Natutuwa akong marinig mula sa'yo 'yan." Dinala niya sa mga labi niya ang kamay ko. "Pero bilang ina mo, nasasaktan ako na makita kang umiiyak ngayon. Na may parte sa 'kin na nakokonsensya dahil alam kong ako ang naghatid ss'yo ng sakit na 'yan..." At kumawala na rin ang mga luha niya.
"M-mom." Agad kong pinunasan ang mga luha niya at pinakalma ko na rin ang sarili ko para wag na siyang mag-alala pa.
"Wag kang mag-alala. Ako na kakausap sa mga magulang ni Kinz, ako na ang makikiusap na palayain na kayong dalawa sa kasal na i---"
"No Mom." Nagtataka niya akong tinignan. "Please wag mong gagawin 'yan. Ayokong magalit sila kay Kinz. Hintayin na lang natin na si Kinz mismo ang tumapos ng lahat."
"Paano ka?"
"Okay lang po ako. Kasi hindi ko rin po kayang mawala sa 'kin ang asawa ko eh." Lalong nahikbi si Mommy kaya agad kong hinawakan ang magkabilang balikat niya at banayad na hinaplos. "Mom...Ma, I'm okay. I'm okay. Okay lang kahit may gusto po siyang iba, ang mahalaga nakikita at nakakasama ko po siya bilang asawa ko." Muling hinawakan ni Mommy ang kamay kong nasa magkabilang balikat niya.
"Anak, I'm sorry ha? Alam kong pumayag ka lang dahil sa 'kin. Patawarin mo ako anak."
"Ayos lang po, Mom." Umakbay ako sa kanya at isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko. "Dahil sa nangyari natutunan ko kung paano magmahal at siyempre masaktan. Wag na kayo masyadong mag-isip ng kung anu-ano pa. Ayos lang po talaga ako." Hinawakan ko ang buhok niya at sinuklay iyon gamit ang mga daliri ko.
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...