KURT
Agad akong nagmulat ng mata ng maramdaman ang paglulumikot ni Kinz.
Alas cuatro ng madaling araw.
Namimilipit ang asawa ko sa sakit.
Napabalikwas ako ng bangon at natatarantang tumayo.
Umikot ako sa kabilang direksyon ng kama kung nasan siya nakaupo.
Alam niyo naman kung gaano kalawak ang kamang meron si Kinz dito sa room niya hindi ba? Halos hindi ko nga naramdaman ang paggalaw niya at mukhang sinadya niyang lumayo para hindi ko talaga mapansin ang paglulumikot niya.
"Kinz..." Kalmado lang ako dahil ayokong maunahan ng pagkataranta kahit na ang totoo ay parang lalabas na ang puso ko mula sa katawan ko.
Nasusuka nga ako eh.
Nakaupo siya sa kama habang nakayuko. Nakakapit ng mahigpit ang dalawang kamay niya sa bed sheet. Mahigpit na mahigpit na halos mapunit na ito.
Lumuhod ako sa harapan niya para masilip ko ang mukha niya.
Hinawakan ko ang magkabilang tuhod niya.
"Asawa ko....sabihin mo naman ang nangyayari please?" Maligamgam na likido mula sa mga mata niya ang naging sagot na pumapatak sa kamay kong nakahawak sa mga tuhod niya.
Umiiyak siya at nakita ko ang napakaputla niyang itsura.
"Ang sakit." Maikli lang.
Mga salitang 'yon lang pero binaliw ang kaluluwa ko sa takot.
Agad akong tumayo saka siya dahan-dahang binuhat at saka ko pa nakita ang kunting dugo na dumikit sa bedsheet ng kama nang maiangat ko na siya.
At hindi ko nga nakontrol ang takot ko.
Takot na takot ako na ramdam ko ang bawat parte ko na nanginginig ngayon.
"Tulong!" Sumisigaw ako habang sinisigurado ang bawat hakbang ko na hindi ko mabibitawan si Kinz.
Namumuo ang pawis niya at halos wala ng kulay ang labi at mukha niya.
"Guys!" Iilang ilaw lang ang nakabukas pero sapat na upang makita ko ang paligid ng bahay. "TULONG PLEASE?!" Sumisigaw na ako at umiiyak.
Umiiyak ako na parang bata ngayon dahil takot na takot ako.
Nanginginig ako....
"TULONG PLEASE?!" Wala na akong paki kong marinig din nila ang hagulhol ko.
"LAURA!" Nataranta agad si Zaldy nang makita kami na naunang magising sa pagsigaw ko.
Nagising na rin ang iba pa.
Nataranta ang bawat isa nang makita ang itsura ng asawa ko.
Dali-daling inilabas ni Xander ang sasakyan.
Tahimik lang na umiiyak si Kinz na nakasubsob sa dibdib ko at paminsan-minsan ay dumidiin ang kuko sa balikat ko sensyales na may kung anong umaatakeng masakit sa kanya.
Sa lahat ng mga kaibigan namin ay kami lamang nina Rod at Xander ang kalmado dahil nataranta na nga ang iba.
Pinipilit kong maging kalmado kahit na sukang-suka na ako sa takot.
"Malapit na tayo, Asawa ko." Good thing may malapit na ospital sa hacienda.
Sinadya daw ito ng Grandparents nila dati para daw malapit sila sa ospital.
Nang makarating kami ay agad naman kaming inasikaso ng mga doktor.
Hindi na nila ako pinapasok sa loob ng ER at hindi na rin ako nagpumilit pa dahil ayokong masayang ang bawat segundo sa mag-ina ko.
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...