KURT
"Hm..." Inabot ko kay Cassy ang tissue para mapunasan niya ang sauce na nalaglag sa pants niya.
"So? Kumusta ang party ni Alex?" Tanong niya habang pilit na tinatanggal ang kunting patak ng sauce.
Kasalukuyan kasi kaming kumakaing dalawa nitong pagkaing inorder ni Hazel na nauna pang makarating dito sa bahay kesa sa sekretarya ko.
"Ayos lang."
"Tss..." Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya dahil sa reaksyon niya. "Sino si Ellie?" Nakasimangot niyang tanong. "Wag ka magsisinungaling. Nag ano kayo 'no? Inano mo siya 'di b--" natatawa kong isinubo ang isang kutsarang pagkain sa kanya.
"Kumain ka na lang." Naiirita naman niyang nginuya ang kanin sa bibig niya.
"Tss... bakit kasi kailangan mo pang lumandi sa iba ha? Hindi ka ba kuntento sa 'kin?" Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Puro talaga kalokohan.
Naagaw naman ang atensiyon namin sa pagbukas ng pinto.
"Miss...kasi---" napakunot noo ako sa dalawang babaeng kapapasok lang.
Si Hazel na sa wakas ay dumating na rin at ang babaeng pinipigilan niyang pumasok.
"Ellie." Buti naalala ko ang pangalan niya.
Nilingon ko si Cassy na patuloy pa rin sa pagkain at walang pakialam sa bagong dating.
"What are you doing here?" Baling ko ulit kay Ellie.
"Hi Kurt! Hindi kasi kita makontak kaya naisipan kong puntahan ka na lang dito sa bahay niyo. Sinabi kasi ni Alex ang address mo." Humakbang siya palapit sa 'kin. "Are you free tonight? Gusto ko lang kasi mag-apologize dun sa mga nasabi ko kagabi eh." Sabay lipbite.
Apology ba talaga ang gagawin niya?
Mukhang hindi.
"I'm sure mag-eenjoy ka sa pagsosorry ko dahil luluhod pa ako sa harapan mo." Sabi niya sabay tingin sa ibaba ko. Oh gosh...
Sabi ko na nga ba?
Hindi naman na ako magugulat pa dahil mas marami pang malalang babae sa kanya.
"Kakain ka pa ba?" Pareho kaming lumingon kay Cassy.
"No. I'm good." Nawalan na kasi ako ng gana eh.
Kung anu-ano kasing pinagsasasabi ng babaeng 'to. Tss...nakakahiya man pero pati yata 'yong pagiging sexually attracted ko sa isang babae---nawala. Baka bakla na ako. Ewan.
Bakit ba kasi ibinigay pa ni Alex ang address ko sa isang 'to? Tss...
"Hazel, umupo ka na at kumain ng agahan. " Utos ni Cassy.
Hindi niya pinapansin si Ellie.
"Kumain na po ako bago magtungo dito. Sa may sala na lang po muna ako. Excuse po." Kibit balikat na lang siya saka nagpatuloy muli sa paglantak sa pagkain.
"I'm really sorry sa mga nasabi ko kagabi. I know na naging insensitive ako masy---"
"Ibigay mo sa 'kin ang number nang resto na pinagkukunan mo ng pagkain ha?" Napahinto si Ellie sa sinasabi dahil sa pag-e-interrupt ni Cassy.
"Kunin mo na lang kay Hazel. Wala din akong ideya kung saan niya kinukuha ang mga 'yan eh." Sagot ko sabay baling ulit kay Ellie na bagamat nakangiti halata pa ring nauubos na ang pasensya nito. "It's okay, Ellie. You don't have to apologize." Ngumiti siya.
"No, no,no. I have to, Kurt. Hindi talaga ako matatahimik hangg---"
"Ang swerte mo sa secretary mo." Napaangat na ang kilay ni Ellie sa muling pag-interrupt ni Cassy at mukhang nasasagad na talaga ang pasensya nito.
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...