Treinta y Seis

257 7 0
                                    

KURT

Flashback...

Sorry...

not

sorry.

Alam kong ikagagalit niya pero itinuloy ko pa rin.

Ramdam ko ang pagkadisgusto niya sa ginagawa ko kaya agad din akong huminto.

Ayoko naman siyang bastusin at maramdaman niyang hindi ko na talaga siya nirerespeto.

Pareho kaming hinihingal na dalawa habang nakatukod pa rin ang mga kamay ko sa magkabilang gilid niya at siya naman ay matalim na nakatitig sa 'kin.

Namamasa ang mga mata niya at medyo namumula ito. Nakaramdam tuloy ako ng inis sa sarili ko dahil ipinagpilitan ko ang isang bagay na ayaw niyang mangyari.

"I'm sorry...I'm sorry..." Habol ko pa rin ang paghinga ko dahil parang sasabog ang puso ko ngayon.

"Don't do that again. Baka hindi ko na makontrol ang sarili ko." Napatitig ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya at nakita ko rin ang nagliliyab na damdamin sa loob niya.

Hinapit ko siya sa bewang at inangkin muli ang labi niya.

Ramdam ko ang mahigpit na kapit niya sa braso ko at naramdaman ko rin ang pagtugon niya sa halik ko kaya lalong nagwala ang mga dugo sa loob ko.

Hindi pa rin ako makapaniwalang kayang makapagbigay ng halik ng ganitong saya sa kaluluwa ko.

Inangat ko siya sa sink na hindi pa rin pinuputol ang halik ko sa kanya.

Ayokong bitiwan ang mga labi niya. Ayoko.

Nangyari nga ang bagay na akala ko ay hindi naman talaga mangyayari sa totoong buhay.

Lalo akong humanga sa kagandahan ng asawa ko at sinigurado kong ramdam niya ang bawat pagmamahal ko sa mga haplos ko sa kanya. Sinigurado kong dama niya ang respeto sa bawat pagdikit ng katawan naming dalawa.

Napakaganda niya.

Sa bawat patak ng pawis niya, pagbigat ng hinga niya at ungol na nagmumula sa kanya ay kabisadong-kabisado ng pandama ko. Bawat pagliyad niya, bawat pagsabunot sa buhok ko at pagpatak ng luha niya sa kakaibang hapding naramdaman niya ay kinabisa ng kaluluwa ko na hinding-hindi ko malilimutan.

Mahal na mahal ko siya.

Pakiramdam ko first time kong ginawa ang bagay na 'to dahil ngayon lang ako nakaramdam ng labis na tuwa at pagmamahal habang ginagawa ito. Iba pala talaga kapag ang taong kayakap at kaisa mo ay ang taong mahal na mahal mo. Swear. Iba sa pakiramdam. Maniniwala ka talaga na may langit sa mundong ito. Hindi ko alam kung nagiging exag lang ako pero alam kong ganun ang nararamdaman ng puso ko.

Isang eksperyensyang alam kong tatatak sa buong pagkatao ko habambuhay.

Pangyayaring bawat himaymay ay mananatili sa alaala ko habambuhay.





Tanghali na ng magising ako mula sa masarap na pagkatulog at agad akong napangiti ng makita ang asawa ko na magulo ang maikling buhok at himbing na himbing pang natutulog sa braso ko.

Nakaka overwhelm na magising sa piling ng babaeng mahal ko at....napakagatlabi ako ng maramdaman ang kahubdan niya sa ilalim ng kumot na nakadikit sa hubad ko ring katawan ngayon.

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon