Veinte

301 11 1
                                    

KURT

Naisipan kong sumama kay Kinz ngayon sa resto bar nilang magkakaibigan. Wala si Zaldy na ipinagpapasalamat ko ng sobra dahil wala na kasing ginawa ang taong 'yon kundi asarin ako. Asarin kay Kinz dahil mukhang amoy na amoy niya ang nararamdaman ko para sa asawa ko. Tss...

Maraming tao ngayon kaya medyo abala ang magkakaibigan sa pag-iistima ng mga customers nila. Ako naman ay nagkasya na lang sa isang gilid na medyo malayo sa karamihan.

"Ayos ka lang?" Napalingon naman ako sa isang gilid kung saan nakatayo si Kinz at palapit na sa 'kin. "Pasenya na ha? Hindi kita maasikaso. Ang daming tao eh." Umupo siya sa tabi ko.

"Okay lang." Ngumiti ako para ipaalam na okay lang talaga.

"Ah---"

"Kurt." Napahinto siya sa pagsasalita at sabay kaming tumingin sa harapan para tignan ang taong tumawag sa 'kin and there....the goddess.

"Cassy." Walang emosyon kong tawag sa pangalan niya.

Isang seductive na ngiti naman nakaplaster sa mga labi niya.

Nilingon ko naman si Kinz na ngayon ay titig na titig kay Cassy at may pagbaba pa ng tingin sa kabuuan nito.

Hindi ko nga alam kung maiinis o matatawa ako sa ginawa niya eh.

"Pwede ba akong umupo?" Kay Kinz siya nakatingin.

Hindi sumagot si Kinz pero umusog siya at naglagay ng espasyo sa pagitan naming dalawa.

"Kin--" magpoprotesta pa sana ako sa ginawa niya pero mabilis nang nakaupo si Cassy sa pagitan namin na pinagpatong pa ang mga hita kung saan mas nakita ang mahaba at makinis nitong mga hita dahil sa ikli ng suot nito.

Narinig ko naman ang pag-ubo ni Kinz kaya sinilip ko siya at nakita ko siyang palihim na nagpipigil ng tawa.

What's up with her?

Hindi ko na naman ma-gets ang kaweirduhan niya.

"So, ikaw si Kinz 'di ba?" Tumango lang siya. "I'm Cassy. Cassy Miranda. Your husband's girlfriend." Ngumiti lang si Kinz. "Okay lang ba sayo? Na girlfriend ako ng asawa mo?"

"As long as he's happy, okay lang." Napalingon naman si Cassy sa 'kin na may paglaki pa ng mata na mukhang hindi din ata inaasahan ang magiging sagot ni Kinz sa kanya.

"Ang swerte mo naman sa naging asawa mo." Napa smirk ako. Alam kong iniinis niya ako at ipinamumukha niya sa 'kin ngayon na hindi talaga ako gusto ni Kinz.

"Hindi rin." Nagpapakatotoo lang. Nawaglit naman ang ngiti niya. "Nakakainis kasing ipinamimigay niya ako sa iba samantalaang kontento naman ako sa kanya." Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko na agad na bumura sa mapang-asar na ngiti nito kanina.

'Yong MANHID ko namang asawa na sana siyang nakikinig sa mga sentimento ko eh tulala----tulala sa.....

Sinundan ko ang direksyong tinitignan niya at nakita ang isang babaeng nakatingin din sa kanya.

Kulay pula ang buhok ng babae.

"Ow. Looks like your wife---" hindi na itinuloy ni Cassy ang sasabihin niya ng mapansin sigurong hindi talaga ako matutuwa sa lalabas na salita sa bibig kanya.

Ilang saglit pa silang nagtitigan ng babae bago siya mabilis na tumayo at nagmamadaling umalis.

Hindi ko na siya nagawang sundan dahil nanghihina ako sa nakita ko sa mga mata niya...

Pangungulila...

'Yon ang damdaming nakita ko sa mga mata niya habang nakatingin sa babaeng 'yon kanina.

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon