Veinti Tres

258 15 0
                                    

KURT

Tahimik kaming nakaupo ngayong tatlo dito sa sala---nagpapakiramdaman lang.

Naghihintay lang naman ako na may magsalita sa kanilang dalawa pero parang wala ata silang balak na kausapin ang isa't-isa at magtitigan lang maghapon.

"Ehermm!" Ako na ang bumasag sa katahimikan. "Ara right?" Tumango siya. "Bakit napadalaw ka?" Hindi naman rude ang dating ng tanong ko 'di ba?

"Nung isang araw ko pa sana gustong pumunta dito kaya lang napakalakas ng ulan. Nabanggit kasi ni Xander sa 'kin na may sakit si Kinz kaya nagpunta na agad ako dito nung humupa na ang baha. Buti na lang at okay na siya." Malambing at mahinhin ang tono ng boses niya.

Hindi siya sobrang maganda pero malakas ang dating niya. Makinis at maputi siya na lalong pinatingkad ng kulay pula niyang buhok. Pinaka asset niya siguro ang mga mata niya na una mong mapapansin kapag tinignan mo ang mukha niya. Medyo malaking singkit kasi ang mga mata niya. Basta ang ganda ng mga 'yon. Saka maganda ang katawan niya---like maganda.

Tahimik lang si Kinz na nakatingin lang sa babae, as in titig na titig siya sa mukha nito. Gusto kong basahin kung anong iniisip niya ngayon pero blangko masyado ang mga mata niya.

"Ahm, anong gusto mong inumin?" Bakit nga ba ngayon ko lang naisip na alukin siya?

Hindi kasi siya welcome dito eh.

Seryoso ako.

"Tubig na lang." Tumango lang ako saka nag-excuse sa kanilang dalawa.

Habang nasa kusina ay naisipan kong tawagan muna ang secretary ko para isend sa 'kin ang mga papers na hindi ko pa nagagawa dahil sa ilang araw na pag-ulan.

Pagkatapos kong ibaba ang phone ay siya namang pagtawag ni Alex. Iniimbitahan niya kami ni Kinz sa birthday niya.

Pagkatapos kong makipag usap kay Alex ay kumuha na ako ng tubig para kay Ara.

"I love you." Huminto ako sa paghakbang palapit sa kinaroroonan nilang dalawa dahil sa narinig kong sinabi ni Ara. "Mahal na mahal pa rin kita. Ang tanga-tanga ko lang na iniwan kita ng wala man lang dahilan at paalam. Akala ko kasi kaya ko pero hindi pala. Akala ko kaya kong mabuhay ng wala ka sa buhay ko, hindi pala." Umiiyak na ito.

Hindi naman siguro pag mamay-ari ni Kinz ang hangin ano? Huminga ka lang, mabubuhay ka.

"Nasasaktan kasi ako sa tuwing iisipin ko na magpapakasal ka sa iba. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang may ginagawa para sa marriage niyo. Na kahit araw-araw mong sabihin na ako ang mahal mo, hindi pa rin sapat kasi hindi naman ako ang magmamay-ari sa'yo." Mas lumalakas na ang pagiyak niya. "Nung mawala ka sa buhay ko malaking parte ko rin ang nawala. Parang laging may kulang." Bahagya siyang huminto para siguro pakalmahin ang sarili.

Wala akong naririnig na salita mula kay Kinz.

"K-Kinz... ikaw ba?" Rinig ko nga nginig sa boses ng babae. "Mahal mo pa rin ba ako?"

Katahimikan....

Matagal na naging tahimik si Kinz hanggang sa marinig ko ang sagot na dumurog sa puso ko.

"Yes." Sa maikling sagot na 'yon ni Kinz pakiramdam ko napaka bigat ng mga letra na 'yon na dumagan sa puso ko.

Tatlong letra.

Pinatay ako ng tatlong letrang 'yon.

Sigh....

Alam ko naman eh. Lagi ko namang sinasabi sa sarili ko na mahal ni Kinz si Ara pero masakit pala kapag narinig ko na mismo mula sa kanya ang katotohanan.

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon