KURT
Inilipat si Kinz sa pribadong ospital dito sa Maynila.
Payo kasi ng doktor na mas makabubuting sa ospital na siya manatili hanggang sa manganak. Hindi daw kasi namin matatansya kung kelan ulit siya pwedeng makaranas ng pagdurugo. Masyadong mahina ang kapit ng bata at mahina rin ang katawan ni Kinz na ipinagtaka ng mga doktor kasi wala naman siyang sakit pero labis ang paghina ng katawan niya.
Sabi ni Nanay, nasa lahi daw talaga nila.
Kaya marami sa mga babaeng kamag anakan ay hindi na nag aasawa at ang iba ay nag aampon na lamang. Hindi naman daw sa lahat ng babae, pili lang. Ang sabi ng mga katandaan nila ay sumpa daw ito sa pamilya nila noong panahon pa ng mga Kastila. Hindi naniniwala si Nanay pero dahil ilan na sa pinsan niya ang nawala at nakakaranas ng labis na sakit sa pagdadalang tao ay unti-unti naniniwala na siya.
Hindi naman akalain ni Nanay at Tatay na mangyayari din kay Kinz ang lahat ng ito. Minsan nga sinisisi ko na rin ang sarili ko eh. Parang ako kasi ang may kasalanan. Hindi ko naman kasi alam.
Sinigurado na lamang namin na bawat araw ng asawa ko, masaya siya. Pinaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal hanggat kaya ko. At ilang luha ang pinigil ko sa harapan niya sa tuwing nakikita kong nasasaktan siya kasi ayokong makita niya na mahina ako. Gusto ko na kapitan niya ako. Na magtiwala siya sa 'kin.
Araw-araw akong lumuluhod sa simbahan, nananalangin para sa mag ina ko.
Humihiling ng marami pang pagkakataon na makasama sila.
Sa ospital na nag birthday si Kinz at ako. Parehong buwan kasi kami. Bawat ngiti niya at halakhak....hindi ko pinapalagpas. Ganun din ang mga kaibigan namin.
Ikapitong buwan niya.
Dalawang buwan na lang.
Dalawa na lang.
Nagmulat ako ng mata dahil sa naramdaman kong malamig na bagay sa mukha ko.
Kamay pala ni Kinz na hinahaplos ako.
Nakaidlip kasi ako.
"May kailangan ka ba?" Umupo ako upang magpantay kaming dalawa dahil nakaupo din kasi siya.
"Wala. Ang gwapo mo lang tignan habang natutulog." At ngumiti siya.
Ganun na rin ako.
"Pinagnanasaan mo naman ako." Bahagya siyang natawa na agad na napangiwi dahil sa mga cracks niya sa labi.
"Salamat ha?" Sabi sabay basa ng nanunuyong labi. "Salamat sa lahat. Sa bawat araw. Sa bawat segundo. Sobrang saya ko." Nangingilid na ang mga luha niya agad.
Tinanggal ko naman ang mahaba na niyang buhok na nakaharang sa mukha niya.
Humaba ang buhok niya pero naging manipis naman ito na hindi niya na nga sinusuklay kasi grabe ito kung maglagas.
"Sa tingin mo...karma ko 'to?" Hinawakan ko agad ang kamay niya.
"What do you mean? Of course not."
"Kasi alam mo na? Nakipagrelasyon ako sa babae, nagkagusto ako sa babae at nakipagtalik sa mga babae. Sa tingin mo nagalit siya?"
"Kinz, mabuti kang tao at nagpapakatao at sa tingin ko---'yon ang mahalaga. Hindi naman nagiging batayan ang kasarian eh. Kasi ako nga...ako nga minahal kita kahit alam ko noon na pareho naman tayo ng gusto. Diyos pa kaya? Siya pa kaya na mismong lumikha sa'yo?" Hindi ko siya masisisi kung nagkakaroon man siya ng pangunguwestiyon sa lahat ng nangyayari ngayon.
Tao lang ang asawa ko.
"Inihihingi ko ng tawad sa kanya ang mga nagawa ko sa ibang babae, na nainsulto at nasaktan ko sila pero hindi ko kayang ihingi ng tawad na nagmahal ako ng babae at naging ganito. Kasi pakiramdam ko kinutya ko na rin ang sarili ko."
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...