KURT
Wala si Kinz sa kusina pagbaba ko. Usually kasi kapag nagigising ako madalas ko siyang naaabutan sa kusina.
Asan kaya siya nagpunta?
Wala akong ideya kung saan siya nagsuot kaya minabuti kong maligo na lang muna.
Kuskos-buhos ang ginawa ko para matanggal ang lahat ng libag sa katawan ko.
"Oy." Napalingon naman ako sa may pinto ng marinig ko ang boses niya at nakita ko ang mga mata niyang nakatitig sa 'kin pababa sa ano ko---
"OH SHIT!" Nasabi ko na lang sabay hila sa tuwalya na nasa sa isang gilid saka dali-daling itinakip sa harapan ko. "BAKIT HINDI KA MAN LANG KUMATOK? HA?!!" Naiinis kong tanong sa kanya at the same time---nahihiya.
"Bakit 'di ka naglock?" Balik tanong niya na parang natural lang ang makakita ng lalaking walang saplot. Tsk! Marami na siguro siyang nakitang ganito.
"Oh, ano? Labas na!" Nakatayo pa rin kasi siya at mukhang walang balak na lumayas sa pinto ng banyo eh.
"Iihi ako. Tumalikod ka." Tungnan mo 'tong isang 'to.
"Sisilipan kita, 'kala mo."
"Bahala ka. Baka magulat ka kapag nakita mo akong nakatayo pa ring umihi." Kinagat ko agad ang lower lip ko para hindi ako matawa sa sinabi niya. "Ano?" Tss... tumalikod na lang ako. "Seriously? Alam kong maputi ang puwet mo." Napatingin naman ako sa may likuran ko.
Ay, ang bobo ko naman. Harapan nga lang pala ang tinakpan ko at hindi ang puwetan ko. Tsk! Dali-dali ko na lang ibinalot ang BUONG IBABA KO ng tuwalya.
"Tapos na ako. " Maya-maya'y sabi niya kaya humarap na ako sa kanya. Ngingiti-ngiti naman siya habang papalabas.
Nakakaloko na naman ang ngiti niya.
"Kurt." Nilingon ko naman siya na ngayon ay nasa tapat ng pinto ng banyo. "Nice butt." sabay kindat at layas.
Kinz......
Kapag ako hindi nakapagpigil.... nakuuuu....
'Lam na!
Kaya pagalis ni Kinz ay inilock ko na agad ang pinto at dali-dali kong binasa ng malamig na tubig ang katawan ko. Ang init ng pakiramdam ko.
Tss... si Kinz kasi eh.
"Tsshh.." napangiti na lang ako na may kasamang mahinang tawa. Ewan. Basta natatawa ako.
Naghahain siya ngayon ng almusal. Ako naman ay tahimik lang na nakaupo. Medyo nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina.
Kainis! Bakit ba ako nahihiya? Eh ano naman ngayon kung nakita niya? Maipagmamalaki ko naman ito, ah?! Sigurado naman akong hindi ito maliit. At sa kanya na rin mismo nanggaling na maputi ang puwetan ko. Kaya wala akong dapat na ikahiya.
Napahalumbaba na lang ako habang pinapanood pa rin siya. Nakakaloko kasi 'yong reaksyon niya kanina. Base kasi sa mga napapanood ko o nakikita, napapasigaw ang mga babae kapag nakakita ng ano, ni hindi nga sila makatingin eh. Pero itong si Kinz, wala man lang reaksyon ng makita niya ang kahubdan ko.
Baka naliitan siya? Takte! Malaki kaya si JUN-JUN ko. Baka na-shock sa laki nito? 'Di eh.
Ah...
Baka sanay na siyang makakita ng COBRA kaya balewala na lang sa kanya. Tsk! Nakakatanga naman kasi ang reaksyon niya.
'Oy.' Tss... akala mo nakakita lang ng butiki eh. Nakakaasar.
"Kakain na tayo kaya pwede bang itigil mo na 'yang iniisip mo." As if naman na alam niya ang iniisip ko. "Nagtataka ka ba sa naging reaksyon ko kanina?" Mukhang alam niya nga ang iniisip ko at saka reaksyon ba 'yong ginawa niya kanina? Tss...
"Ikaw lang ang babaeng nakilala ko na wala man lang reaksyon matapos makakita ng ano." Patuloy naman siya sa paghahain sa mesa. "Sanay....I mean.." paano ko ba itatanong sa kanya na hindi siya ma-o-offend? "Ahmm....marami ka na bang..." hayss..
"Yah." Sagot niya kahit 'di ko pa naman natatapos ang tanong ko. "Tumutulong ako dati sa kaibigan ko, doktor siya ng mga lalaki. Bilang assistant niya ako ang taga hawak ng mga ano nila habang chine-check ni Zaldy." Paliwanag niya saka umupo.
"H--Hinahawakan mo?"
"Let's drop the topic, please? Besides, parusa ko 'yon sa isang dare. Natalo kasi ako kaya napilitan akong maging assistant ni Zaldy ng isang linggo. Tss.. matagal na 'yon, 'wag na nating pag-usapan pa." Sabi niya saka sumubo ng pagkain.
Ano naman kayang klaseng laro 'yon? Ang bigat naman ng parusa niya.
Tss... sumubo na lang din ako ng pagkain.
Sabay naman kaming napahinto ni Kinz ng makarinig kami ng katok mula sa labas.
Sino namang kakatok? Kami lang naman ni Kinz ang narito sa isla.
Nakatitig lang kami ni Kinz sa isa't-isa habang hinihintay kong kakatok ba ulit.
Tok. Tok.
Sabay kaming napatayo.
Dahan-dahan akong lumapit sa tapat ng pinto habang siya ay tumayo mismo sa tapat ng pintuan.
"Shhh...sandali lang." Bulong ko kay Kinz. Hindi namin alam kung sinong nasa labas. Malay ba namin kung mga tulisan o rebelde ang nasa labas di ba?
Macho ako pero hindi ako nakikipagbuno.
?_? 'yan lang naman ang itsura ni Kinz habang tinitignan ang mga pagsenyas-senyas ko sa kanya. 'Di niya ako gets kasi binuksan niya agad ang pinto. Mapapatay kami dahil sa pagka-slow minsan nitong Misis ko eh.
"Hm?" nakaharap siya ngayon sa kung sino mang nasa labas.
"Miss Kinz, pinapabigay po ng mga magulang niyo." Boses lalaki ang nasa labas kaya lumapit ako kay Kinz para tignan kung sinong kausap niya.
"Salamat, Jhon." Kilala niya pala. "Siya nga pala, gusto mo bang pumasok muna? Kumain ka muna. Malayo pa ang byahe mo pabalik." Tumingin muna ang lalaki sa direksyon ko saka muling bumaling kay Kinz.
"Hindi na po, Miss. Pero salamat po." Ngumiti ito kay Kinz at ganun din sa 'kin. "Sige po. Mauna na po ako."
"Ingat." Sabi lang ng asawa ko bago isinara muli ang pinto.
"What?" Tanong ko kasi nakatitig siya sa 'kin ngayon na parang may ginawa akong kalokohan.
"Ano 'yong ginagawa mo kanina?" Tinatanong niya siguro 'yong mga pagsenyas-senyas ko sa kanya na hindi niya naman na-gets.
"Wala." Huli na para i-explain ko pa. "Siya nga pala, bakit bigla mo na lang binuksan ang pinto ha?"
"Kumakatok. Manners. Kumakatok kaya pagbubuksan."
"Ah....manners...hm.hm. Eh paano na lang kung masamang tao ang mga 'yon? Paano kung tulisan o rebelde?"
"Hm. Sabagay." Buntong hininga niya. "Kaso nakita ko naman siyang bumaba ng bangka eh." Oo nga pala. Kita nga pala mula dito ang nangyayari sa labas dahil nga salamin ang halos nakapaligid dito sa ibaba. Tsk. "At kung tulisan man..." Muli ko siyang tinignan. "Infairness naman kung marunong silang kumatok ng maayos." Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya? Pakiramdam ko kasi pasimple siyang namimilosopo. Tss..
"Kumain na tayo." sabi ko na lang. Mahirap kausap minsan ang weirdo eh.
Kumain ulit kami at tahimik na naman siya habang sumusulyap-sulyap sa sulat na ipinatong niya sa ibabaw ng ref.
"Sino 'yong nagdala ng sulat?"
"Si John. Tauhan nila Mama." Sagot niya na hindi tumitingin sa 'kin dahil nakatuon pa rin ang tingin niya sa sulat.
Mukhang nababahala siya sa kung ano ang nilalaman ng sulat na 'yon.
Ano nga kayang laman ng sulat at ganyang ang epekto sa kanya?
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...