Veinti Uno

294 16 1
                                    

KURT

Pinanonood ko lang ngayon ang malakas na buhos ng ulan sa labas.

Malakas na bagyo na naman kaya matindi ang baha sa lansangan. Sanayan na lang talaga dito sa Pilipinas.

"Malamig ano?" Pagsasalita ni Kinz sa gilid ko. "Tsaa." Iniabot niya sa 'kin ang isang tasa saka siya tumayo sa tabi ko at matamang pinanood ang galit at malakas na pagbuhos ng ulan at paghampas ng hangin sa mga halaman at punong halos mabuwal na.

Tahimik lang kami habang umiinom ng tsaa, pero alam niyo 'yong simpleng pagtsa-tsaa lang ang ginagawa naming dalawa pero...

kontento ako.

I feel so happy....

Ang saya lang.

Nakakabaliw pala talaga ang mainlove.

Tss...

Wala naman kaming espesyal na ginagawa pero nakakaramdam ako ng ligaya. Hahaha...weird.

"Nanggaling si Zaldy sa opisina mo kahapon?" Bigla-bigla talaga siyang nagbubukas ng usapan kung minsan.

"Yah."

"Hm." Tapos tatapusin din agad.

Nakakatawa talaga siya.

Speaking of Zaldy. Yah. Nagpunta siya sa opisina ko kahapon para daw bigyan ako ng hint tungkol sa mga likes at dislikes ni Kinz. Ang kapalit ng bawat information ay halik daw, tumanggi ako siyempre. Hahaha... uutakan pa ako ng machong 'yon eh.

Pero sabi niya libre na lang daw, nung una nagduda pa ako pero nakinig na rin ako sa mga sinabi niya at nalaman ko ang ilang bagay kay Kinz na hindi ko pa nakikita sa kanya.

Hindi siya ang tipikal na pwede mong dalhin sa sine at papanoorin ng horror movies dahil corny ang mga palabas na 'yon sa kanya. Hindi din siya mahilig sa romcom at drama pero medyo okay na sa inspirational movies.

Mahilig din daw siyang magpapak ng ketchup dati na hindi ko naman nakikitang ginawa niya pero sa palagay ko ay palihim niya lang na ginagawa 'yon. Hindi rin daw nila alam kung bakit nga ba mahilig si Kinz sa ketchup.

Sabi ni Zaldy, para mas maging maganda at mahaba ang conversation naming dalawa dapat daw ay related sa music ang topic. Kapag daw kasi tungkol na sa musika ang usapan maririnig mo talaga ang opinyon at suhestiyon ni Kinz. Kumbaga, dumadaldal siya sa usapang musika.

Ayaw niya ng compliments kaya kung may papuri kang gagawin sa kanya dapat mild lang at hindi sosobra dahil hindi niya man sabihin eh naiinis na siya kapag ganun. Lumalabas din ang pagiging mahangin ni Kinz sa usapang babae na lately ay napapansin ko nga sa kanya. Hahahaha...

Marami pang sinabi si Zaldy, tinanong ko siya kung bakit niya sinasabi ang lahat ng 'yon pero ngumiti lang siya at humingi ng halik. Pinagbigyan ko na. Biro lang. Alam ko namang pinagtitripan niya lang ako eh.

At ngayon, mukhang buong araw kaming makukulong lang dito sa loob ng bahay.

"Nood tayo ng movies." Yaya ko sa kanya.

"Hm." Tango lang siya.

Habang namimili ako ng movies na panonoorin namin ay tinitignan ko lang ang itsura niya.

Me before you ang napili kong movie na sinang ayunan naman niya kahit na alam kong napilitan lang siya. Hahaha.... gusto ko lang makita ang itsura niya habang nanonood ng ganitong genre ng movie. Kahit na nasabi sa 'kin ni Zaldy na hindi mahilig sa ganitong palabas si Kinz gusto ko pa ring makita siyang nanonood ng ganito.

Tahimik lang siya buong palabas hanggang sa matapos na ikinainis ko naman.

Ampanget ng ending.

"Tss... bakit naman ganyan ang ending?" Nakakainis! Ayoko pa naman ng mga ending na namamatay ang bida. Kakaaduwa.

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon