Dieci Seis

271 14 0
                                    

KURT

"Haaa..." Pabagsak akong napaupo sa sofa dahil sa labis na pagkapagod.

Katatapos lang kasi namin mag-ayos ni Kinz dito sa bagong bahay namin na pinagawa ko dati pa nung binata pa ako. Tsss...may matino naman akong ginawa noon 'no?

Pumayag naman siyang lumipat kami para malapit sa trabaho ko at para na rin malayo siya sa mga magulang niya. Hindi kasi siya sanay sa poder ng mga ito. Mukhang hindi rin maganda ang relasyon niya sa mga ito.

Nilingon ko siya na ngayon ay abalang-abala sa ginagawa niya kaya malaya ko siyang napagmamasdan ng hindi niya napapansin.

Nakasuot siya ng white round-neck shirt at simpleng tukong na khaki. Meron ding nakapulupot na panyo sa ulo niya na parang si Mang Kepweng para siguro hindi dumikit sa balat niya ang mga buhok niyang hindi kayang itali.

Basa na ang buhok at leeg niya dahil sa pawis. Pero imbis na magmukhang dugyot parang mas lalo pa siyang naging kaakit-akit sa paningin ko.

Kahibangan na talaga 'tong nararamdaman ko. Dahil sa araw-araw na nakakasama ko siya parang lalo siyang gumaganda sa paningin ko. Lalo na kapag wet look siya.

"Problem?" Tanong niya ng makita niya akong nakatitig sa kanya.

That signature blank stare of hers. Hindi ko na ulit mabasa si Kinz. I'm clueless about what she's thinkin' again. Again.

"Wala naman." Sagot ko na hindi tinatanggal ang titig sa kanya.

Tumayo naman siya at nagpagpag ng mga alikabok na dumikit sa pangibaba niya.

"Ipagluluto muna kita." Napangiti naman ako.

Lagi niya talaga akong napapasaya sa maliliit na bagay na ginagawa niya para sa 'kin. Lagi niya kasi akong inaalala at inaalagaan na parang tunay talaga kaming mag-asawa.

She's a perfect wife...

Pero...

Hindi niya ako mahal.

After ng calculations, ng paghahanap ng solutions sa mga tanong ko---- I've finally found the answer.

I'm inlove...

I'm inlove with my handsome wife...

Hindi ako certain sa lahat ng bagay pero iba ang nararamdaman ko para kay Kinz. Alam kong gusto ko na siya. Matagal na. Natatakot lang akong aminin sa sarili ko dahil alam kong hindi ako ang taong gusto niya. Na iba ang nilalaman ng puso niya.

Nasa part ako ng buhay ko ngayon na natatakot at nagdadalawang isip----lito na rin. Nahihirapan akong gumawa ng desisyon lalo na kung emosyon ko na o nararamdaman para sa kanya ang titimbangin.

Hindi ko mapilit ang sarili ko na mag stay sa safest zone eh. Hindi ko ito mapigilang hindi magustuhan ang babaeng alam kong pwedeng manakit sa 'kin....ngayon o bukas.

Hay...

Ibinaling ko na lang ang buong atensiyon ko sa kinukulikot kong bookshelves ngayon kesa malunod sa kakaisip sa sakit na parating na----malapit na.






Pagkatapos niyang magluto ay tinawag niya na rin ako para sabay na kaming kumain.

"Kelan tayo dadalaw kay Mommy?" Tanong niya na ang tinutukoy ay ang nanay ko.

"Okay lang ba?" Ngumiti siya pero hindi 'yon abot hanggang mata. Parang ngumiti lang siya dahil kailangan.

Hindi para ipakitang okay lang naman dumalaw kami kay Mommy kundi para ipakita na okay lang siya ngayon. Na walang bumabagabag sa kanya kahit meron naman talaga.

"Oo naman. Gusto ko na rin silang makita at siyempre para makita mo rin sila. Alam ko namang mis na mis mo na ang Mommy mo eh." Pagkasabi niya nun ay nagpatuloy na ulit siya sa pagkain.

Mas lalong naging tahimik si Kinz magmula nung mabanggit ng mga kaibigan niya ang pagbabalik ng mahal niya. Alam kong iniisip niya ang balitang 'yon at pilit kinukubli sa blankong mga titig niya at paminsan-minsang buntong hininga.

Pero sa kabila ng lahat hindi niya pa rin nakakaligtaang maging asawa ko.

Hindi niya kinakalimutang iparamdan ang pag-aalaga niya sa 'kin. Kulang lang siya sa pagsasalita, pero okay lang. Nakasanayan ko na rin sa haba ng pinagsamahan na naming dalawa.

Ang dami kong gustong itanong kay Kinz ngayon. Ang dami-dami pero wala akong lakas ng loob na itanong lahat ng 'yon sa kanya.

Hindi dahil natatakot akong tanungin siya kundi dahil natatakot ako sa pwedeng maging sagot niya. Na baka kapag tinanong ko siya baka biglang magbago ang lahat---sa pagitan namin at sa relasyong meron kami.

Alam kong may isang salita si Kinz. Kapag sinabi niya, gagawin niya. Kapag ipinangako niya, tutuparin niya. Ganun siyang klase ng tao.

"Hindi kita iiwan." 'Yon ang pangakong binitawan niya at kahit alam kong napakababaw man ng pinanghahawakan ko, na tanging ang mga katagang 'yon lang ang meron ako. Alam kung hindi siya mawawala sa 'kin.

Nakakatawang isipin na dati-rati pilit kong iniiwasang maikasal sa kanya pero sa sandaling nakasama ko na siya----pilit ko namang hinihiling na sana manatili siya....

dito...

dito sa tabi ko....

Nakayuko lang siya habang kumakain kaya heto na naman ako na pinapanood lang siya.

Kahit hindi siya palasalita, kahit tahimik lang siya ng halos buong araw---oks lang. Nag-eenjoy pa rin ako sa piling niya.

Bigla naman siyang nag angat ng tingin at huli na para umiwas pa ako ng tingin sa kanya dahil nakatitig na rin siya sa 'kin ngayon----nagtataka.

"Hindi mo ba gusto ang pagkain?" Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya. "Gusto mo bang ipagluto kita ng ibang pagkain? Ano bang gusto mo?" Hindi ko naman napigilan ang pagngiti ko.

"Hindi na. Ang sarap na nga nito eh. Sinabi ko na bang the best kang magluto? Pakiramdam ko nga ang laki ng itinaba ko simula nung kumain ako ng mga luto mo. Hindi ko kasi mapigilang lumamon." Talagang sinubukan kong sabihin ang compliment na iyon na hindi magmumukhang pambobola dahil baka kasi ikainis niya.

"Ayos lang. Gwapo ka pa rin naman kahit tumaba ka pa eh." Ako ngayon ang natigilan sa sinabi niya.

Seryoso niyang sinabi ang mga katagang 'yon kaya hindi ko alam kung seryoso ba siya o nambobola lang.

Tsk. Oo nga pala. Nakalimutan kong matinik nga pala sa chix 'tong Misis ko. Hay naku...

"Hindi kita binobola." Nabasa niya na naman ang nasa isip ko. "Gwapo ka talaga. Honest lang." At sinabayan niya pa ng kindat.

Oh shit!

This girl...


Urghh...

Makakain na nga lang.


Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon