KURT
Nakahiga na ako sa kama habang pinapanood si Kinz na kasalukuyang namimili ng susuotin niya sa pagtulog.
Hindi kasi siya komportable sa suot niya na ilang beses niya ng pinalitan.
Ako nga ang napapagod sa ginagawa niya eh.
"Pwede ko bang hiramin 'to?" Tukoy niya sa isang shirt ko.
Yah. Mga damit ko na ang pinagpipilian niya ngayon nang wala na siyang damit na mahagilap sa closet niya.
Tumango lang ako bilang sagot. Ngumiti naman siya at agad na naghubad ng pang itaas.
Kanina kasi ay pinapatalikod niya ako sa tuwing maghuhubad siya.
Napagod na rin siguro magsabi.
Nakatitig naman ako kaputian ng likuran niya. Nagtanggal rin siya ng suot na bra bago nagdamit.
"Wheew!" Ewan. Basta mainit. Hehe....
Matapos niyang maisuot ang damit at mailagay sa malibag ang pinagbihisan niya ay agad na siyang nahiga sa kama.
Oo. Inilagay niya sa malibag kahit nagsusukat lang naman siya. Wala na lang akong sinabi kasi baka magalit.
Dala na rin siguro ng pagbubuntis kaya kailangan ko na lang intindihin.
Umusog naman ako palapit sa kinahihigaan niya sabay yakap at hila sa kanya palapit sa katawan ko.
Ramdam ko ang pagsinghap niya nang magkalapit ang katawan naming dalawa.
Nakakaramdam rin ako ng kakaibang init at alam ko kung anong klaseng init 'to. Kahit naman buntis ang asawa ko ay naroon pa rin ang natural na kamandag niya.
She's still my gorgeous wife and everytime na naalala ko ang pag iisa naming dalawa noon ay bumibilis talaga ang tibok ng puso ko.
'Yong sayang dulot nun. 'Yong satisfaction. 'Yong lahat. Bawat nangyari nang gabing 'yon ay kabisadong-kabisado ko pa.
Bawat sabunot niya, bawat pagliyad, bawat pagbigat ng hininga, bawat pagbuka ng bibig niya, bawat pagpatak ng pawis, bawat ungol at bawat tawag sa pangalan ko....lahat ng 'yon....hindi ako pinapahinga ng maluwag.
At ngayon nga....heto... para akong sinisilaban habang kayakap siya.
Na may gustong gawin ang katawan ko na baka hindi pwede.
"Goodnight, Kurt." Paos niyang sabi na mukhang antok na antok na. Buti pa siya.
Buti pa siya.
Napabuntong hininga na lamang ako.
"Goodnight, Asawa ko." At hinalikan ko siya ng banayad sa ulo niya saka sumuksok sa likuran niya.
Nakakaginhawa ang init na nagmumula sa kanya.
Napangiti na lamang ako habang nagpapasalamat sa Diyos sa bawat araw at pagkakataong meron kaming dalawa ni Kinz at humihiling nang marami pang oras.
Mas marami pang pagkakataon at oras para sa aming dalawa.
Alas tres ng madaling araw nang maramdaman kong wala na akong katabi.
Dahan-dahan akong bumangon at bumaba.
"Kinz?" Pinupunasan ko pa ang mga mata ko na medyo nanlalabo pa. "Asawa ko?" Medyo nakakaramdam na ako ng kaba ng wala akong marinig na tugon mula sa kanya.
Dumiretso ako sa banyo ngunit wala siya.
"Kinz!" Nagsimula na akong mataranta at ang lahat ng antok na meron pa ako ay nawala na nang tuluyan.
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...