KURT
Nang maayos namin ni Kinz ang lahat sa paglipat namin ay bumalik na rin ako sa trabaho ko. Wala man sa itsura pero tumutulong ako sa pamamahala ng kompanya. Marami pa akong dapat matutunan kaya tinanggihan ko ang offer ni Dad na i-manage ang buong company. Kailangan ko pa kasi ng sapat na karunungan at lakas ng loob dahil ayokong maging dahilan ng pagbagsak ng kompanyang pinaghirapan ng ama ko.
Mas mataas ang energy ko ngayong magtrabaho kesa noon. At mas excited akong tapusin ang lahat ng ginagawa ko ng mas maaga dahil excited akong umuwi sa bahay dahil alam kong andun ang asawa ko at naghihintay sa pag-uwi ko.
Mas lalo akong natatakot ngayon dahil mas lalo akong nasasanay sa company ni Kinz. Lalo akong nasasanay na nasa tabi ko lang siya. Na andiyan lang siya.
"Hi!" Dumako ang tingin ko sa may pinto at nakita ko roon ang babaeng ngiting-ngiti katabi ang secretary ko na nasa mata ang paghingi ng sorry, marahil dahil sa hindi niya napigilan ang babae na pumasok sa opisina ko.
"It's okay, Hazel." Sabi ko sa secretary ko.
"Excuse me po." Umalis na rin ito kaya naiwan kami ng babaeng ngayon ay mapangakit na ang ngiti habang malagkit na nakatitig sa 'kin.
Hay...
Humakbang siya palapit sa 'kin at akmang hahalikan ako sa labi pero umatras ako para iwasan ang halik niya.
Saglit naman siyang nagtaka pero agad ding napawi iyon at napalitan ng mataray na ngiti.
"Totoo ba 'to? Ikaw ba talaga si Kurt o clone ka lang niya?" Tanong niya saka ipinulupot ang mga braso sa leeg ko.
Tinanggal ko naman agad ang braso niya sa leeg ko na halatang ikinainis niya.
"Kasal na ako, Cassy." Tumawa lang siya sa sinabi ko.
"So?" Taas kilay pang sabi niya. "Kasal ka lang at maliban dun walang nagbago. Ikaw pa rin si Kurt na minahal ko, mahal na mahal at mamahal---"
"Cass."
"Tss... kilala ko ang pinakasalan mo, Kurt. Hindi siya ang tipo mong babae at hindi din ikaw ang tipo niya kasi lalaki ka." Sinabayan niya pa iyon ng matalas na ngiti habang nakatitig sa mga mata ko. "Hindi naman siguro siya magagalit kung may mamamagitan sa atin, 'di ba?"
Marahas akong napa buntong-hininga.
Sa lahat ng naging babae ko, itong si Cassy ang mahirap idispatsa. Masyadong matindi kung kumapit.
"Cass, please....maghanap ka na lang ng iba. Maraming iba diyan na paniguradong mahal ka."
"Oww..thank you for your concern pero mas magpapasalamat ako kung 'yong iba na tinutukoy mo ay ikaw mismo." Ginamit niya ang ngiting ginagamit niya sa 'kin dati para mahulog ako sa bitag niya at lalaki lang ako...siyempre 'di ba?
Pero iba na ngayon..
"I'm sorry, Cass." Nakita ko ang galit sa mga mata niya at sa isang iglap ay nakalapit na siya sa 'kin at siniil ako ng halik.
Mabilis ko naman siyang itinulak palayo.
"Cass, ano ba?!" Tumawa lang siya at mabilis niyang tinanggal ang pang itaas na suot niya kaya nakalantad sa 'kin ngayon ang upper body niya.
Napayuko na lang ako.
"Touch me Kurt." Napakuyom ako. "Gustong-gusto mo 'to dati 'di ba? 'Di ba?! Now touch me!" Hinawakan niya ang kamay ko para dalhin sa katawan niya. "Alam kong hindi kayang ibigay ng asawa mo ang pangangailangan mo bilang lalaki. Pero ako, Kurt. Kaya kong ibigay sa'yo ng paulit-ulit." Tinignan ko naman ang mga mata niyang nagliliyab ngayon sa galit.....at sakit.
Napabuntong hininga na lang ako sabay bawi sa kamay kong nakahawak ngayon sa kanang dibdib niya.
Isa-isa kong pinulot ang mga damit niya at itinakip sa kanya.
"Ayusin mo ang sarili mo." Sabi ko saka tumalikod sa kanya. "Hindi na kita maihahatid palabas. Marami pa akong trabahong kailangang tapusin. Bye."
"Tss... you can't do this to me, Kurt! No one dares to scratch me and no one will! Akin ka lang." Narinig ko ang garalgal sa boses niya. "You know me very well, Kurt. I always get what I want and....I want you." Nilingon ko naman siya at nakita ko ang mga ngiti niyang may malalim na ibig sabihin.
Pagkatapos niyang ayusin ang sarili ay lumabas na rin agad siya ng opisina ko.
Sigh..
Cassy Miranda
Isa siyang sikat na modelo and a goddess. Matagal din kami but never na naging kami. Laro lang. Pero minahal niya ako at ngayon nga ay nahihirapan na akong takasan siya. Mabait naman siya kung tutuusin----nagmahal lang talaga siya ng maling tao.
Bumalik na lang ulit ako sa ginagawa ko at itinutok ang utak ko sa mga paper works kong tumambak dahil sa tagal ng bakasyon ko.
Huminto naman ako sa ginagawa ko nang marinig ang mahihinang katok mula sa pinto at bumungad ang sekretarya ko.
"Yes, Hazel?" ngumiti naman siya bago tuluyang pumasok sa loob.
"A-Andito po ang asawa niyo." Binuksan niya ng mas maluwang ang pinto at bumungad roon si Kinz.
Nakasuot siya ng white hoody jacket, grey sweat pants at tsinelas.
Nice...
"Kinz." Napangiti ako bigla."Thank you, Hazel."
"Sige po, Sir." Sabay harap kay Kinz na nakatingin din sa babae. "A-ah, s-s-sige po." Tss... she's stuttering lalo na ng ngumiti si Kinz.
Gracious goodness!
"She's hot." Pilyang sabi ni Kinz ng makaalis ang secretary ko. Napailing na lang ako.
Hot talaga si Hazel. Alam ko dati siyang nagmomodelo pero may nangyari ata kaya nawala siya sa path ng modelling. Ewan.
Pero kung ibang lalaki ang may 'hot secretary' naku po! World war III na panigurado pero dahil kakaiba ang asawa ko--natuwa pa.
"Upo ka." Umupo naman siya sa couch at may kung ano siyang inilapag sa center table.
Umupo rin ako sa katapat na couch.
"What's that?" Tukoy ko sa dala niya at ginaya ang upo niya na magkahiwalay ang mga hita habang nakapatong ang siko sa tuhod.
"Ah." gumalaw siya para buksan ang dala niya. "Tumawag ako sa secretary mo kanina kasi hindi kita makontak eh. Nasabi niya nga na hindi ka lumalabas dahil sa dami ng ginagawa mo at hindi ka pa rin kumakain kaya naisipan kong ipagluto ka." Gusto kong pigilan ang ngiti ko pero wag na lang. Di ko kaya eh.
"Hindi ka na sana nag-abala pa."
"Ayaw mo?"
"No." Nakakatakot talaga siya kung minsan. "What I mean is...." Napabuntong-hininga na lang ako. "Salamat. Thank you for this and for everything." Halatang hindi niya na gets ang sinabi ko. "You're cute." Ginulo ko na lang ang maikling buhok niya na nagpangiti sa kanya.
"Ayos na. Kain na." As usual. Hindi siya kakain kapag alam niyang makakasabay niya ako sa pagkain.
"Bakit ka nga pala nagpahatid pa kay Hazel? Alam mo naman 'tong office ko 'di ba?" Sumilay naman ang pilya niyang ngiti kaya natawa na lang ako. Hay naku! "So bukod sa pagtatanong mo sa secretary ko, ano pang mga pinag usapan niyo?" Lalo pa siyang nangiti. "You silly girl." Naiiling na lang ako habang natatawa sa kanya.
Kahit simpleng mga bagay lang ang pinagsasaluhan namin ni Kinz ay nakakabuo na ng araw. Na kahit hindi siya magsalita buong araw o gumalaw, nag-eenjoy pa rin ako.
Now, I fully understand kung bakit 'yong ibang tao, kahit paulit-ulit na silang nasaktan ay paulit-ulit pa rin silang nagmamahal. Hindi pa rin sila napapagod. Ito pala 'yon. Na worth the risk ang piliing magmahal kahit walang kasiguraduhan kung ang pagmamahal na 'yon ay masusuklian. Ang lagi mo lang iniisip ay mahal mo siya at wala ka ng pakialam sa mga susunod pa.
Ang sarap pala talagang mainlove....
sa asawa.
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...