KURT
WOW...
Ang ganda...
A goddess
Pinagkakatitigan ko lang ng mabuti itong Diyosang nasa harapan ko ngayon.
Ang ganda talaga....
Kung hindi ko lang alam na SARILI KO 'tong nasa salamin baka niligawan ko na 'to.
OO!
TALO AKO.
Kaya heto ako ngayon. Suot 'tong dress na 'to na dapat ay si Kinz sana ang may suot. Malay ko bang eksperto pala siya sa larong 'yon.
Walang manggas ang style ng dress na suot ko na kapag may nadapa at napakapit sa damit na ito ay mahuhubad. Ganun. Hanggang sakong ang haba at floral pa at medyo manipis.
Mukha talaga akong babae ngayon. Useless 'yong pagpapakita ko ng abs kanina kung sa ganitong kahihiyan lang din ang bagsak ko.
Parang gumuho lahat ng kagustuhan kong magmukhang macho sa harapan niya ng dahil sa itsura ko ngayon.
Bakit ba kasi ito ang gusto niyang ipagawa sa 'kin, eh? Tsk!
Nang masiguro kong maayos na ang itsura ko ay nagpasya na akong bumaba.
Nakita ko siyang nakaupo at nakapatong na naman ang mga paa sa couch habang hinihimas ng mariin ang batok niya.
Naiinip..
"Uhermm.." nilingon niya ako ng dahil sa pagtikhim ko. "Pwede ka ng tumawa." Inunahan ko na dahil alam ko namang ganun ang gagawin niya pero ang maganda kong asawa...
Natulala.
"Y---you're...beautiful." nauutal niyang sabi.
Teka nga?
Aba! Aba!
Bakit ngayong nakasuot ako ng pambabae eh saka siya napatitig sa 'kin ng ganyan at nga-nga pa!
Tsk! Tsk! Hmmmm?
Umupo ako sa tabi niya.
Tahimik lang kaming dalawa. Wala akong ganang magsalita dahil dito sa itsura ko. Naiinis pa rin kasi ako. Puro kahihiyan ang nakikita niya sa 'kin.
Kahit 'di ko siya nililingon alam kong sumusulyap-sulyap siya sa 'kin.
Bigla ko nama siyang nilingon kaya naabutan ko siyang nakatingin nga sa 'kin pero umiwas din agad nung nilingon ko siya.
Naamoy ko na talaga eh. Amoy paminta.
Asawa ko, ano ka na talaga, ha?
Tahimik pa rin kaming dalawa. Ilang sandali pa'y naririnig ko ang sunod-sunod na pagbitaw niya ng buntong-hininga.
Nilingon ko ulit siya. Madiin ang paghaplos niya sa batok niya habang kagat-kagat ang lower lip niya. Para bang may kung anong emosyon siyang pinipigilan.
"Ayos ka lang?"
"Y-Yah." sagot niya na hindi tumitingin sa 'kin. "You know what? I... I think...you need to change your clothes." Walang lingong sabi niya sabay tayo. Dali-dali siyang naglakad paakyat ng hagdan pero di pa siya nangangalahati ay bumaba ulit siya diretso patungong banyo.
Huh?
Anong problema ng isang 'yon?
Maya-maya'y lumabas siyang basang-basa saka umakyat patungo sa kwarto niya.
Bakit parang tensyonado siya? Ngayon ko pa lang siya nakitang kumilos ng wala sa huwisyo.
Si Kinz kasi ang tipo ng taong kalmado ang bawat salita at galaw. First time ko siya nakitang nagka ganun.
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...