Dieci Ocho

267 14 18
                                    

KURT

Patuloy pa rin kami ni Kinz sa kung ano mang meron kami. Gusto ko na sanang dumistansya sa kanya kaso wala eh, siya pa rin talaga ang kailangan ko sa buong araw. Habang tumatagal lalo akong nahuhulog sa kanya. Ang lalim na ng hinulugan ko kaya hirap na hirap na akong makawala at makaahon mula sa pagkakahulog.

Sigh...

"Ganyan ba talaga kapag may asawa na? Masyado ng seryoso?" Napangiti naman ako sa sinabi ni Alex.

Naisipan kong lumabas ngayon kasama ang mga kaibigan ko.

"Umamin ka nga." Papatingin naman ako kay Rod. "Inlove ka 'no?" Ngumiti lang ako at ang dalawang mokong eh sabay pang umalulong na parang mga aso. Well...

"Whoo!!! Iba ka! Iba!" Naiiling pa si Alex na akala mo naka saksi ng himala sa nalaman.

Bakit? Hindi ba ako pwedeng mainlove? Tao din naman ako ah?

"Hindi kami makapaniwala na IKAW! Ikaw na consistent awardee ng best in pambababae, inlove? Sa wakas!" Nag-cheers pa ang mga ungas! Kairita. At may award pala ako ng hindi ko nalalaman? Tsk!

"Sabagay, sa ganda ba naman ng asawa mo eh. Kaya lang, nambababae din 'yon 'di ba?"

"Anong ibig mong sabihin, ha? Alex?" Tanong naman ni Rod.

"Narinig ko lang din 'yon. Pero totoo ba Kurt? Totoo bang lesbian ang asawa mo?" Matagal akong nanahimik sa tanong na iyon ni Alex.

Sigh...

"Yah." Nagkatinginan silang dalawa.

"Tsk. Tsk. Karma nga naman." Matalas talaga dila ni Alex. Kanina niyo pa ba napapansing wala siyang preno? "Kakapambabae mo yan eh. Ayan tuloy, binigyan ka ng nambabae din."

"Alex, kung karma niya ang asawa niya....ABA! Napakabait naman ng Diyos para bigyan siya ng napakagandang karma."

"Sabagay. Nakita ko rin ang itsura ng Misis mo sa phone nung babaeng nakasama ko nung nakaraan." Parehong kumunot ang noo namin ni Rod sa sinabi niya. "Tsk. Bwiset 'yong babaeng 'yon. Sabihan ba naman ako na mas gwapo pa daw ang crush niya kesa sa 'kin at pinakita niya nga ang picture ni Kinz. Grabe lang. Nakakapanliit lang kasi, ikinumpara niya ako sa babae. Pinalayas ko nga sa harapan ko." Medyo natawa kami ni Rod sa  kwento niya. "Pero, ang pogi naman kasi talaga ng asawa mo." Nanahimik na lang ako. "Nakakabakla ba kapag crush natin ang lesbian?" Naiiling na lang kami ni Rod sa kalokohang naririnig namin ngayon.

Patuloy lang sila sa pangti-trip ulit sa 'kin pero huminto sila ng mapansin ang pagiging seryoso ko.

"Ano ba kasing problema?" Tanong ni Alex na hindi na nang-aalaska, concern na siya. Ganyan kasi siya, matalas ang dila pero nagiging totoo lang naman siya which I really like about him.

"Problema? Tss.." mapakla akong napangiti. "Ang problema ko lang naman ay mahal na mahal ko na ang asawa ko samantalang siya....siya..." Napakagat-labi muna ako. "May mahal siyang iba. Hindi kami pareho ng nararamdaman sa isa't-isa." Marahan namang tinapik ni Rod ang balikat ko.

"Tinanong mo man lang ba siya? Malay mo naman pareho din pala kayo ng nararamdaman." Natawa ako ng bahagya sa sinabing iyon ni Rod.

"Bro, she's a lesbian. Para sa kanya, hindi kami talo."

"Yah. Yah. She's a lesbian but still a woman. Hindi imposibleng magkagusto siya sa'yo." Si Alex. "Ako nga lalaki pero crush kita eh." Parehong nakaangat ang kilay namin ni Rod sa sinabi niya. "Ano?" Talagang di binawi ano? Baliw talaga.

Hay...

"Siguro nga. Posible nga 'yon. Posible pa rin namang magkagusto siya sa 'kin. Kaya lang kasi may mahal nga siyang iba." Sumandal ako sa upuan dahil pakiramdam ko---pagod na pagod ang katawan ko. "May girlfriend siya dati na minahal niya ng sobra at hanggang ngayon ay mahal na mahal niya."

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon