Vienti Nueve

476 18 1
                                    

KURT

Pagkatapos ng nangyari kanina ay hindi ko na nakita si Kinz.

Mukhang nagkulong ata siya sa kwarto at hindi ko alam kung kelan siya lalabas.

Hapon na at hindi pa siya kumakain ng tanghalian. Gusto kong kumatok at kamustahin siya pero may kung anong pumipigil sa 'kin na hayaan na lamang muna siyang mapag-isa.

Kung galit man siya sa 'kin dahil sa nangyari, hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko. Dahil kung kasalanan man 'yon?

Uulitin ko pa din. Uulit-ulitin.

Sinubukan ko na lang na maghanda ng hapunan namin. Pritong isda lang naman na medyo malutong dahil overcooked at sinaing na....kulang sa tubig.

Kulang sa tubig para maging lugaw.

Hindi talaga ako maasahan sa mga ganitong bagay. Gwapo lang kasi ako at maliban doon mukhang wala na ata akong silbi sa lipunan.

Pagkatapos kong ihanda ang mga pagkain na hindi ko alam kung pwede bang kainin ay naglakas loob na akong kumatok sa pinto ng kwarto.

"Kinz? Kinz?" Tawag ko sa kanya habang kumakatok. "Kinz, kain ka muna oh? Hindi ka pa kasi kumakain eh."

Bumukas naman ang pinto at bumungad siya roon na mukhang kagigising lang.

Agad na napababa ang tingin ko sa kabuuan niya.

Isang sleeveless na peach ang kulay ang pang itaas niya at parang panty shorts na sa sobrang ikli ang suot niyang pang ibaba.

Agad ko namang ibinaling ang mga mata ko sa ibang direksyon ng marinig ko ang marahas niyang paghinga at makita ang pagkuyom ng mga kamao niya.

Tsk! Sorry naman 'di ba? Eh sa nakakaakit siya masyado eh. Ano bang magagawa ko? Kasalanan niya 'yan dahil maganda siya! Bakit ba ako palagi ang lumalabas na may kasalanan kapag napapatingin ako sa kanya? Minsan dapat niya ring pagalitan ang sarili niya na.... na..

Hays!

Oo na. Ako na ang mali. Pasensya na kung napakaganda niya sa paningin ko.

"Kain na tayo." Sabi ko na lang saka siya tinalikuran at mabilis akong humakbang pababa ng hagdan.

Umupo agad ako sa pwesto ko at nagpaka busy sa pagsandok ng pagkain sa plato ko.

Umupo naman siya sa pwesto niya at nagsimulang magdasal saka kumuha ng pagkain niya rin.

Huminto naman ako sa akmang pagsubo sana ng pagkain nang makita ko siyang nakatitig lang sa pagkaing nasa plato niya.

"May problema ba?" Tinanong ko pa talaga?

Obvious naman na ang pagkaing niluto ko ang problema.

Hindi siya sumagot.

Kumuha na lamang siya ng pritong isda at inilagay sa plato niya saka nagsimulang kumain.

Panay lang ang subo niya pero parang hindi niya naman nilulunok at naka stock lang lahat sa bibig niya kaya halos mapunit na ang pisngi niya.

Sumubo na rin ako pero agad ko ring iniluwa.

"Nakalimutan kong lagyan ng asin." Ansama ng lasa!

Sunog na nga wala pang asin!

Iniluwa niya rin ang mga pagkaing nasa bibig niya.

Sabi na nga ba. Wala siyang nilunok kahit kunti.

"Sa tingin ko nga. Ansama mong magluto." Ansakit ng sinabi niya pero hindi naman ako makapag react pa dahil totoo naman kasi. Tsk! "Sayang 'to."

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon