KURT
"Ahahahah....WHOHOOO!"
Ang lakas ng boses ni Alex na nagpapabingi ng sobra sa tenga ko kaya mas pinili ko na lamang na umupo sa pinakasulok na hindi masyadong maririnig ang pagsigaw niya.
Mukha siyang nakawala sa hawla na ngayon lang nasilayan ang mundo. Nakakahiya.
Habang tahimik ako sa sulok ay malikot naman ang mga mata ko sa paligid ng lugar.
Nakabikini lang ang lahat ng Eva na palakadlakad at naglalangoy sa pool area.
Parang hindi alintana kung kabagin man sila sa sobrang lamig.
"Bro! Ano ba naman?!" Napatirik na lamang ang mga mata ko kay Alex sabay tungga sa hawak kong bote ng alak.
Napansin pa ako.
"Andito ka para e-enjoy ang party ko tapos nag-e-emo ka diyan?" Sabay naman kaming tumingin kay Rod na mukhang katatapos lang sa isang babaeng kausap niya lang kanina.
Asan na ba ang babaeng magpapatino sa dalawang 'to?
Magpapatino?
Napakagat labi ako nang andito na naman siya----tumatambay sa isipan ko. Dumadaan at hihinto saglit para guluhin ang mundong pinipilit ko ng patahimikin.
Isang linggo na rin mula nang makabalik ako mula sa isla matapos niya akong iwan.
Nag-angat naman ako ng tingin sa dalawang kumag na nasa harapan ko ngayon habang nagbubulungan patungkol sa tinitignan nilang babae.
Napamasahe na lang ako sa sentido ko. Mas sumakit ang ulo ko sa kanilang dalawa kesa dito sa alak na iniinom ko.
"Hi!" Napahinto ako sa pagmamasahe sa sentido ko dahil sa paglapit ng isang babaeng nakabikini lang sa harapan ko.
Hindi ko naman naiwasang hindi tignan ang kabuuan niya. Lalaki po ako. If pwede 'yong maging excuse.
"I'm Ellie." Sabay lahad ng palad.
"Kurt." Sabi ko pero hindi tinanggap ang kamay niya. She's hot. Yah. And?
Umupo naman siya sa tabi ko.
"Kanina pa kitang pinagmamasdan eh. Kurt Guevarra." Hindi ko siya pinapansin. Bahala ka diyan.
Maganda siya. Wala talagang duda. Pero kasi..kahit gaano pala kaganda ang nakahain sa harapan mo hindi ka pala matatakam kung may hinahanap ka namang ibang putahe. Yong mismong hindi lang dahil masarap kundi dahil 'yon talaga ang kailangan ng sistema mo.
Hay...
Ano na naman ba 'tong pinag-iisip ko?
"Uy!!! Look who's here! Ellie! Our international model!" Singit ni Alex na wala nang kabulungan.
Grabe talaga si Rod.
Mukhang hindi na nakatiis sa paturo-turo lang kanina.
"Hey Alex." Bati nito saka silang dalawa nag beso-beso.
Minsan nagdududa na ako sa kasarian nitong si Alex.
"So, kumusta naman ang pakikipagkwentuhan mo sa kaibigan ko?" Tanong ni Alex na napakalaki ng ngisi. Kaasar nga eh.
"Tss...gwapo sana kaso mukhang suplado." Narinig kong sagot ni babae.
Sinipat ko si Rod sa dulo ng pool na nakikipagharutan na sa dalawang babae.
Ano pa nga ba?
Tsk. Hindi pa ba siya napagod dun sa isa kanina? Mukhang maraming laman ang wallet niya ngayon ah.
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...