Treinta y Cinco

380 15 5
                                    

KURT

"Pasuyo." Nilingon ko si Kinz na nakaturo sa kutsilyong malapit sa 'kin.

Inabot ko naman sa kanya iyon at nagpatuloy ako sa paghihiwa ng sibuyas at bawang dahil mukhang dito lang naman ako may silbi.

Kaninang umaga pa siyang nandito dahil nag grocery pa kaming dalawa para sa dinner ngayon kasama ang parents namin.

Ang saya lang.

Ang saya na nakasama ko siya sa pamimili kanina kahit na medyo simangot siya at mukhang naiirita sa paligid niya.

Kakaiba talaga ang bawat ikinikilos niya ngayon.

Pansin ko na mas visible ang mga emosyon niya ngayon kesa dati. Mapili din siya sa mga pagkaing nasa harapan niya at ayaw niyang dumaan kami sa food court kanina.

Namumutla din siya na parang nanghihina na ewan. Nag aalala na ako sa kalagayan niya pero wala akong lakas ng loob na tanungin siya.

Natatakot kasi ako sa pwede kong malaman tungkol sa kalagayan niya pero mas nakakatakot na hindi niya sabihin dahil wala naman na dapat akong pakialam.

Hay...

Bakit ba kasi hindi ko kayang magalit sa kanya ng sobra?
 
Na heto pa ako. Tinutulungan siyang maghanda para sa pormal na paghahayag ng paghihiwalay naming dalawa.

Oo nga pala.

Mahal ko nga pala siya. Dun palang---talo na ako.

Huminto naman ako sa ginagawa kong paghihiwa nang tumunog ang phone niya.

Tumatawag si Ara.

"Pasuyo." Mas malapit kasi sa kinalalagyan ko ang phone niya.

Tsk.

Sarap ibato.

Pagkaabot ko sa kanya ng phone ay agad niya iyong pinatay at nakita ko pang ini-off niya iyon.

Ewan pero palihim akong napangiti sa ginawa niya.

"Bakit di mo sinagot? Magagalit 'yon." Pagbubukas ko ng pwede naming pag usapan kasi kanina pang nangangati ang dila kong magsalita eh.

Kahit kasi sa paglilinis ng bahay kanina ay hindi man lang siya nagsasalita.

"Hayaan mo na lang siya." Walang emosyong sagot nya na nagpakunot naman sa noo ko.

"Hindi ba siya darating ngayon?" Nagtataka niya akong tinignan. "Naisip ko lang kasi na dahil sasabihin na natin sa parents natin ang nangyari sa 'tin mas maganda na....na andito si Ara." Tumango naman siya para ipaalam na naintindihan niya ang ibig kong sabihin.

"Hindi siya darating." Tipid siyang ngumiti saka dinala sa lababo ang mga gulay na hiniwa niya.

Nagpatuloy na lang din ako sa ginagawa ko. Mukhang ayaw niya naman ng kausap.

"Kumusta ka naman?" Nag angat ulit ako ng tingin sa kanya na busy sa paghuhugas ng mga gulay.

"Ayos lang. Kahit papano." Mapait akong napangiti sa sagot ko. "Ikaw? Kumusta?"

"Fine." Napangiti ako ng tuluyan sa sagot niya. 'No ba yan?

Ano 'to? Meet up ng dalawang teenager na nagkakilala sa social media?

"Mukhang maayos na kayo ni Cassy ah?" Napakunot noo ako sa biglang pagsingit niya kay Cassy sa usapan.

Tss...bakit ko ba binibigyan ng malisya ang tanong niya? Tsk.

"Hm. Siya kasi 'yong....'yong nakasama nung mga panahon na..." Hindi ko na lang itinuloy. "Yah. Nakakatuwa nga na maayos na kami ni Cassy.  Malinaw na kasi sa kanya na mas okay kung magkaibigan lang kami." Hay.. bakit ba ang defensive ko yata?

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon