Treinta

336 10 1
                                    

KURT

Ilang patak pa ba ng luha ang kailangan kong ilabas mula sa mga mata ko para lang mabawasan ang sakit?

Ilang alak pa ba ang kailangan kong ubusin para lang maging manhid 'tong puso ko at hindi na makaramdam pa?

Kasi ang sakit eh.

Ang sakit talaga...

"Kinz..."

Sa mga taong paulit-ulit na nagmamahal kahit nasasaktan na? I salute you guys! Sana kasing tapang niyo ako. Sana kasing tatag ng puso niyo ang puso ko. Sana kayanin ko.

"Kurt, tama na 'yan." Nakasalampak ako sa malamig na buhangin ng gabi habang hinahayaang basain ng malamig na tubig ng dagat ang katawan ko. "Kurt." Tuloy-tuloy kong nilagok ang lamang alak ng boteng hawak ko ngayon. "Kurt."

Wala na siya sa 'kin.

Sana ba hindi ko na lang ginawa ang bagay na 'yon? Dapat ba naging kontento na lang ako sa mga bagay na kaya niyang ibigay sa 'kin? Na ang mahalaga lang naman ay nakakasama ko siya? Ang sakit eh.

"I'm sorry. Sorry." Naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko at nagpakabasa na rin sa galit na hampas ng alon.

"For what?"

"For the pain." Nilingon ko siya na ngayon ay matamang nakatitig sa mukha ko. "Sa lahat ng sakit dahil sa pagmamahal mo sa 'kin. Ngayon ko lang naiintindihan ang lahat. Ngayon lang dahil nasa sitwasyon ako kung saan nararamdaman ko lahat ng emosyon na bago sa pandama ko. Mga emosyon na nakilala ko lang simula ng magmahal ako." Mariin akong lumunok. "I'm sorry....Cass."





CASSY

Matutuwa ba ako ngayon na alam kung nararamdaman ni Kurt ang mga ipinaramdam niya sa 'kin noon?

Masisiyahan ba ako na nakikita siyang nagdurusa? I guess not.

Kasi nasasaktan din ako eh. Doble.

"You don't have to apologize dahil hindi mo naman ako inutusan na mahalin ka eh. Hindi mo naman sinabi na mahulog ako sa'yo. Ako naman ang kusang nagpadala sa emosyong ito." Napakagat labi naman siya saka muling ibinaling ang tingin sa galit na karagatan ng gabi.

"Cass..." Napakagatlabi ako sa pagtawag niya sa pangalan ko. "Cass, mahal ko siya. Mahal na mahal ko...si..siya.." sunod-sunod na ang pagpatak ng luha niya kaya pinili ko na lamang ang yumuko para hindi ko na makita pa ang sakit na nadarama niya.

Hindi ko siya pwedeng pahintuin sa pag iyak dahil hindi niya naman din ito mapipigilan. At hindi niya rin matatakasan ang sakit.

Kitang-kita ko nga sa mga mata niya na nasasaktan nga siya. Na nangungulila siya sa isang taong mukhang hindi naman siya inaalala.

"Bakit kasi hindi na lang ako?" Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko.

"Iyan din ang tanong ko sa kanya. Bakit hindi na lang ako? Bakit hindi na lang maging kami?"

"Ang swerte niya. 'Yong pagmamahal na nililimos ko lang, ibinibigay mo ng sobra sa kanya. 'Yong kahit kunti lang sana para sa 'kin, umaapaw para sa kanya. Sana ako na lang. Kung ako na lang sana....hindi ka na muling luluha pa." Sabay kaming natawa sa huling linyang sinabi ko na mula sa lyrics ng isang opm song.

"Kung sana ba eh. Na sana pwede kang pumili ng taong mamahalin. Di sana hindi na tayo nasasaktan." Yumuko siya habang panay ang punas sa mga luhang nasa mata niya. "Ang sakit...ang sakit...kaso.... hindi ko alam kung nasaan ang masakit. Cass, tang'na ang sakit eh! Tang'na talaga ang sakit eh!" Pagmamaktol niya na parang bata.

Parang batang gustong kumawala sa nararamdamang sakit.

"Pwede naman kasing minamahal niya si Ara habang nananatili ako sa piling niya eh. Ayos lang naman sa 'kin kesa ganito. Wala na talaga siya sa 'kin! Tang'na! Ang sakit ergh! Tang'nargh!" Ang macho niya pero....humahagulhol siya.

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon