KURT
Tatlong araw din akong may sakit at naging pasanin kay Kinz na walang tigil sa pag alalay at pag-aalaga sa 'kin.
Sa totoo lang...
Hindi na rin masama ang maging asawa si Kinz kasi nga mabait at maalaga. Bonus na nga lang ang pagiging maganda niya eh. Kahit mas madalas siyang tahimik ay ayos lang. Sanayan lang.
Pwede ko na nga rin sabihin ang linyang..
"Ang swerte ko sa MISIS KO."
Pagkatapos kong ayusin ang pinaghigan ko ay bumaba na rin ako sa sala. Naabutan ko naman siyang nakaupo sa couch habang nakapatong ang mga paa at hinahaplos ang lower lip niya gamit ang thumb niya.
Mannerism..
Wala siyang magawa.
Naglakad ako palapit sa kanya pero parang masyadong malalim ang iniisip niya kaya 'di niya ako napansin.
"Kinz..." huminto siya sa paghaplos sa labi niya pero hindi siya tumingin sa 'kin. "Tara, swimming tayo. 'Di masyadong mainit oh? Saka sayang naman ang ganda ng dagat kung hindi natin mae-experience." Magmula kasi nung dumating kami dito ay hindi pa kami nakakaligo ni Kinz sa dagat. 'Di ko rin alam kung bakit.
"Sige. Mauna ka na. Susunod ako." Para siyang robot minsan. Putol-putol kung magsalita. Tumango na lang ako at nauna na ngang lumabas.
Umupo muna ako sa malambot at pinong buhangin ng dalampasigan habang hinihintay ang asawa ko.
Haaa....
Napakasariwa ng hangin sa buong paligid at napaka aliwalas din dahil tahimik lang ang malawak at bughaw na karagatan. Napaka payapa.
Ngayon ko lang naranasan ang ganito. Walang cellphone, tv, o kahit na anong gadgets. Walang mga bars na madalas kong tambayan sa Manila. Lalong walang hot babes na nang aaliw sa mga mata ko. Akala ko dati hindi ko kayang mabuhay ng wala ang mga 'yon. Ni hindi ko nga maimagine eh.
Pero....
Pero ngayong nangyayari naman na. Na andito ako sa sitwasyong kinatatakutan kong mangyari, na narito ako sa islang ito na walang kahit na anong meron sa Manila, kontento pa rin ako.
Mas kontento...
Hindi ako nakakaramdam ng pagkabagot. Siguro dahil nag-eenjoy ako sa company ni Kinz. Na kahit hindi siya makuwento, makulit, masalita----nag-eenjoy pa rin ako.
Alam niyo 'yong feeling na, pagkagising ko pa lang sa umaga ay naeexcite agad akong makita siya, na natutuwa ako knowing na makakasama ko na naman siya buong araw. Na siya ang kasama ko sa isang araw na biyaya ng Diyos sa buhay ko. Kahit hindi ko siya ma-gets, na sa halos isang buwan naming magkasama ni hindi man lang siya naging madaldal, heto pa rin ako. Masaya sa piling niya.
Na makita ko lang siya, sapat na. Na SIYA lang, OKAY na. BUO na araw ko.
Gustong-gusto kong inaalagaan niya ako. Inaasikaso.
Maliban kasi kay Mommy, siya lang ang babaeng nag-aruga sa 'kin ng ganito. Lalo na nung panahong may sakit ako.
Hay...
Am I fallin' inlove with my wife?
O baka masaya lang talaga akong kasama siya dahil nga gaya ng nasabi ko, siya palang ang babaeng nag alaga sa 'kin ng ganun. Baka kasi natutuwa lang ako sa kanya dahil wala namang ibang tao dito sa isla.
Never pa akong nainlove, so I'm not sure kung ano 'tong nararamdaman ko. Saka, halos isang buwan ko pa lang siyang nakakasama. Well, crush ko siya noon pa pero sigurado talaga akong hanggang ganung level lang ang attraction ko sa kanya. Besides, she's not my type. Hindi siya chicks kumbaga. She's not my.....urrghh...
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...