Trece

256 13 0
                                    

KURT

Maagang umalis ang mga magulang ni Kinz kanina. May out of town meeting daw ang mag-asawa kaya kaming dalawa lang ni Kinz ang naiwan dito sa mansyon na hindi ko mahagilap kung saan na naman nagsuot.

Napakalawak pa naman ng hacienda nila.

Nagtungo na ako sa puntod ni Alexander pero wala siya roon, wala din siya sa loob ng bahay. Huli kong tinungo ang hardinan ni Nanay na hindi naman kalayuan.

"Nandito lang pala siya." Nasabi ko na lang nang makita ko siyang nakahiga sa malambot na bermuda grass na napapaligiran ng iba't-ibang klaseng bulaklak.

Sarap ng buhay ni Babae tapos ako itong hiningal sa paghahanap sa kanya.

"Kanina pa kitang hinahanap." Sabi ko saka humiga sa tabi niya.

Ang lambot ng bermuda grass.

"Uhmpp..." Stretch ko sabay unan sa mga braso ko at titig sa kalangitan.

Ang liwanang ng bughaw na kalangitan ngayon. Walang masyadong ulap at hindi din mainit ang sikat ng araw. Kaya siguro naisipan niyang tumambay dito ngayon.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah? Ano ba 'yan?" Sobrang seryoso kasi ng mukha niya. "Hm. Baka naman hindi ano, kundi sino?" Panigurado kung hindi si Alexander ang iniisip niya ay malamang 'yong taong mahal niya. 'Yong babaeng mahal niya.

Tss... gay nga daw siya 'di ba? Kaya babae talaga ang sinasabi niyang taong isinakripisyo niya. Siguro iniisip niya----

"Ikaw." Ako. Huh?

Napatitig ako sa mukha niya. Nilingon niya rin ako at sinalubong ang mga titig ko.

"Iniisip kita."

Ako? Ako pala..

Ah....

Ahm....

"B-Bakit ako ang iniisip mo?" Gusto kong malaman ang rason para hindi ako mag-assume ng kung anu-ano.

"Ewan." Nice answer. "Bakit nga ba?" Anlabo na nga ng sagot, binalik pa ang tanong. Ayos ah. "Basta bigla na lang ikaw ang naiisip ko eh. Weird nga eh." Parang nakakainis 'yong sinabi niya?

Na kung may choice lang siya aya ayaw niya sana akong sumasagi sa isipan niya.

"Tss..." Nasabi ko na lang. Wala din naman akong mahihitang matinong sagot kahit tanungin ko pa siya ng tanungin.

Ibinaling ko na lang muli ang mga mata ko sa kalangitan at hindi ko alam kung bakit biglang sumagi sa isip ko ang posas na palaging nababanggit ng mga babae niya nun sa bar na pinuntahan namin.

"Ah...may itatanong lang sana ako pero medyo personal?" Ayaw kasi akong tantanan ng curiousity ko tungkol sa posas na yan.

"Go ahead." Nanatili lang siyang nakatitig sa kalangitan.

"Kasi...ano eh. Medyo curious lang ako sa bagay na 'to." Binasa ko muna ang labi ko kasi nga nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba ang itatanong ko. "Kasi...kasi ano." Napakamot ako sa sentido ko. Matiyaga naman siyang naghihintay ng tanong ko. "Kasi lahat ng babae na lumapit sa'yo sa bar nung gabi...ano... lahat sila binanggit ang posas. Ahm... gusto ko lang malaman kung ano....ahm....k-kung para saan 'yon?"

"Tss..." First time kong nakita ang pilyang ngiti niya. Na para bang nakakatawang bagay ang itinanong ko. Kagat-labi pa siya habang bahagyang natatawa.

Ano bang nakakatawa sa tanong ko?

Saka....bakit ang ganda niya lalo kapag ganyan kapilya ang ngiti niya? Tsk. Baliw ka na, Kurt. Malala ka na.

"Gusto mo ba talagang malaman?" Tanong niya saka tumingin sa 'kin kaya nakita ko ang nakakalokong ngiti niya.

I like her smile....

'Yong pilyang ngiti niya...

"Ahm, I guess?" Kunot-noong sabi ko na lang.

Hindi ko gets ang kapilyahang nakikita ko sa kanya ngayon.

Malalim at marahas na buntong-hininga naman ang pinakawalan niya bago muling ibinaling ang mga mata sa kalangitan.

"Okay..." Medyo nag aalangan siya at iniisip pa ata kung sasagutin niya ba talaga. Hindi ko naman siya pinipilit eh...pero....hehe. "Ginagamit ko 'yon sa.....you know?" Lalong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

Anong you know?

Ginagamit niya sa ano ng mga babae? Malala!

"Hay....ginagamit ko 'yon sa kama." Napahinto ako sa paghinga. "Sex baby." At napabuga. Grabe!

Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga dahil sa sinabi niya para makita kung seryoso ba siya. Nanatili lamang siya sa pagkakahiga habang nakapikit at nakaunan sa mga braso niya. Para siyang bidang lalaki ngayon sa mga fairytales na pacool ang drama sa buhay. Ptshh!

"S-Sa sex? Sadista ka ba?!" Ano 'to? Female version ni Christian Grey?

Grabe...ka-excite---UY!

Kung anu-anong naiisip ko.

"Not really." Nakapikit pa rin siya kaya malaya kong napagmamasdan ang mukha niya ng hindi iniisip ang mga titig niya.

"Talaga lang huh? Eh bakit ka gumagamit ng posas? Ha? Ano namang rason mo? Gusto mo lang na hindi makatakas sa'yo ganun?" Nagmulat siya bigla ng mata at tumitig sa mukha ko.

Her eyes....

Kakulay 'yon ng mga lantang dahon. Ng mga wooden bench sa park na nababalutan ng fog sa umaga. Kakulay ng....buhangin.....buhangin kung nasaan ang tahanan naming dalawa.

Ang ganda ng mga kulay ng mata niya.

Napakuyom ako dahil sa pagwawala ng puso ko. Bakit 'yon ang mga bagay na nakita ko sa mga mata niya?

"You." Ako na naman?

Parang kanina pa akong napagbibintangan ah?

"Bakit ako na naman?" Anong kinalaman ko sa paggamit niya ng posas?

Nakatitig pa rin siya sa mukha ko hanggang maya-maya'y sumilay ang ngiti niya.

Hindi 'yon pilya...

Hindi din plastik lang....

Isang ngiti...

A genuine smile...

Her genuine smile...

Ang ganda ng mga ngiting 'yon...







(A/N: Kung may nakakabasa man po ng kwentong ito. Thank you po at sana pagpasensyahan niyo na ang magulo at mali-maling takbo ng storya minsan pati na rin ang mga typos at maling grammar at spelling. Hehehe... bobita lang po si aketch. Chalamat!)

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon