KURT
Agad akong napangiti nang sa unang pagmulat palang ng mga mata ko ay mukha niya agad ang bungad sa panibagong biyaya ng buhay ko.
Ang himbing pa ng tulog niya.
Dahan-dahan kong hinawi ang ilang buhok na humaharang sa maliit niyang mukha upang mas matitigan ko ang bawat parte ng mukha niya na pambuo sa araw ko.
Nagmulat naman siya. Tulog manok talaga ang isang 'to. Kunting kibot agad gising. Bigla-bigla pa namang nagmumulat ng mata.
"Good morning." Nakangiti kong bati habang nakatitig sa mga mata niyang nakatitig na rin sa 'kin at medyo namamaga pa dahil sa pagtulog.
Ang ganda ng asawa ko.
Seryoso lang siya. Walang emosyon.
"Kumusta naman ang tulog ng Misis ko, hm?" Inangat ko ng kunti ang kilay ko na nagpapacute ba.
Malay niyo epektib.
"Hindi porket mahal kita eh pwede ka nang magpacute sa 'kin ng ganyan." Supladang sabi niya na hinawi pa ang mukha ko pagilid.
Ang lakas naman ng tawa ko----kinikilig. Tss!
Siya naman ay salubong ang mga kilay habang dahan-dahang bumabangon na medyo nahilo pa kaya agad ko siyang hinawakan sa braso.
"Ayos ka lang?" Nag aalala kong tanong.
Tumango naman siya at sinubukan muling maglakad.
Nakasunod lang ako sa likuran niya habang pababa kami kasi panigurado ayaw niyang alalayan ko siya kaya susunod na lang ako para kung sakali 'di ba?
Dumiretso siya sa banyo at ako naman ay sa kusina para maghanda ng almusal ko.
Di naman siya nag aalmusal eh. Panay prutas at gatas lang siya sa umaga kaya ako na ang dapat na maghanda ng pagkain ko para bawas na rin sa pagod niya.
Nang matapos siya sa banyo ay dumiretso na rin siya rito sa 'kin sa kusina.
Kumuha lang siya ng isang mansanas at ilang ubas saka hinugasan ang mga 'yon.
"Ako na." Agaw niya sa mangkok na hawak ko na may lamang binateng itlog na siyang aalmusalin ko naman.
"Ako na. Madali lang naman 'to eh." Inis niya akong tinignan.
"Ako ang babae dito kaya dapat ako ang magsisilbi sa asawa ko." Ayp. Tsk. Oo na. Ang bakla ko. Kinikilig ako eh! "Tigil mo nga 'yang ngiti mo." Sabi niya sabay kuha sa hawak ko.
Ako na lang ang nagbalat at naghiwa ng prutas niya. Nag-init na rin ako ng tubig para sa kape ko at gatas niya.
Ilang saglit pa ay natapos na kami sa paghahanda ng almusal. Sabay na nagdasal upang magpasalamat at sabay na kumain.
Ngumingiwi naman siya habang kinakain ang almusal niya.
"Ayos ka lang?" Hindi naman maipinta ang mukha niya ng tumingin sa 'kin.
"Hm. Mapait lang ang panlasa ko." Naaawa talaga ako sa kanya pero humahanga din dahil kahit hindi tinatanggap ng sikmura niya ang mga kinakain niya ay pinipilit niya pa rin para lang may laman ang tiyan niya.
Dalawa na daw kasi silang nangangailangan ng pagkain kaya hindi siya dapat na mag inarte dahil may buhay sa loob niya na kailangan siya upang mabuhay.
"Maganda na ang sikat ng araw ngayon, ano? Gusto mong maglakad-lakad?" Tanong ko.
Bahagya siyang ngumiti na medyo napangiwi din ulit dahil nagcrack ang nanunuyo niyang labi.
Tubig naman siya ng tubig pero nanunuyo pa rin ang labi niya.
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...