Catorce

286 15 0
                                    

KURT

Humiga ulit ako sa malambot na mga damo para hindi ko na makita ang mga ngiti niyang nagpapabaliw sa pakiramdam ko at ang mga mata niyang dinadala ako sa mga lugar ng kapayapaan.

Bakit ba lahat ng nakikita kong bago sa pagkatao niya ay binabaliw ako? At the same time---tanggap at gusto ko.

"Wala ka pang sagot sa tanong ko kung bakit may posas thing at bakit ako kasali?" Sali-sali niya ko, buti sana kung may ambag ako habang ginagawa niya 'yon. Sus!

Narinig ko ang pagbitiw niya ng hangin.

"Tsk. Nakakatawa 'tong sasabihin ko pero ito talaga ang totoo." Hinintay ko lang na magsalita ulit siya. Medyo huminto kasi siya dahil siguro sa pag aalangan pa rin. "I'm.... I'm reserving myself for you." Napalunok ako sa sinabi niya. "Sabi kasi ng Lola ko, kailangan kong ingatan ang isang bagay na kahit kelan hindi mabibili kahit saan. Na dapat 'yong..." huminto na naman siya.

"'Yong?" Tanong ko na kasi masyado siyang pabitin eh.

Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Naiinis pa naman ako kapag binibitin ako ng mga salita. Kakaasar kaya?!

"Virginity. 'Yong virginity ko daw para lang dapat sa taong magiging asawa ko. At ikaw 'yon."

Hm..

Ah...

Reserve daw..

Siya...

'Yong virginity niya daw....

Preserve...

Para sa 'kin...

Virgin pa siya...

Hm...

Hindi ko alam kung gaano katagal na nakatitig lang ako sa kanya.

"For....for me?" Umiwas naman siya ng tingin.

"Yah." Sagot niya saka pumikit ulit.

Nararamdaman kong malapit na naman siyang tamarin sa pagsasalita. Ganyan siya di ba? Kung kelan ang gulo na ng usapan at naguguluhan ka na, saka siya hindi sasagot sa tanong at magbibigay linaw sa mga sinabi niya. Lagi niyang iniiwang naka-hang ang kwento.

"Hindi kita maintindihan." Nahihirapan pa rin akong paganahin ang utak ko matapos kong marinig ang mga 'yon sa kanya.

"Kapag nakikipag sex ako sa mga babae, lagi kong sinisigurado na hindi nila ako mahahawakan. Kaya may posas sa eksena."

"What?!"

"Hinahawakan ko sila, pinapaligaya. Pero sa paraang gusto ko. My rule."

"Tss... at pumapayag sila?" Ngumiti lang siya na nakapikit pa rin. "Yah. Base nga pala sa nakita ko, hindi pumapayag pero sila mismo ang gustong gawin mo 'yon sa kanila." Grabe. "Pero anong sense ng pakikipag sex mo sa kanila? I mean, nagbibigay ka ng pleasure sa kanila pero hindi sa'yo? Anong sense nun?" Nagpapagod ka lang sa pagbibigay ligaya sa iba at wala man lang sukli? Ansama!

It's a no for me. No deal.

"Hindi ko kailangan ng pleasure, lalo na sa sex. I admit, mahirap magpigil. Babae din ako na attracted sa mga babaeng ikinakama ko at tao lang din ako na natutukso, lalo na't sobrang ganda at hot ng mga babaeng lumalapit sa 'kin." Yabang neto. "Pero hindi 'yon rason para idepende ko sa kanila ang hinahanap ng libido ko."

"So bakit ka nakikipag sex?" Hindi ko pa rin kasi makuha ang reason niya eh.

"Another story." 'yong kanina ay magaan niyang awra ay biglang naglaho at napalitan ng lungkot.

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon