Cuarenta y Uno

231 7 0
                                    

KURT

Tahimik lang kaming dalawa ni Ara sa sala habang nakikinig sa malakas na kulog at hangin mula sa labas.

"Anong oras ka dumating?"

"Madaling araw. Naghintay lang ako hanggang mag umaga at yon nga, nakita ako ni Kinz pagbaba niya." Sagot niya sabay suklay sa pulang buhok niya.

"Bakit ka nagpunta dito?"

"Dahil nandito siya?" Obviously.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

"May....may alam ka ba sa nangyayari sa kanya." Seryoso niya akong tinitigan gamit ang chinita niyang mga mata na may kalakihan. Ewan.

Sa paraan ng pagtitig niya sa 'kin ngayon mukhang may alam nga siya sa totoong kalagayan ni Kinz.

"Actually kaya ako nandito dahil gusto kong pilitin siyang ipalaglag ang bata." Nag init bigla ang tenga ko sa sinabi niya.

Talagang walang kagatol-gatol niyang sinabi 'yon ah? Sa harap ko pa mismo. Sinabi niyang gusto niyang ipalaglag ni Kinz ang anak ko? Ang anak namin?! HA!

"Ano?" Asar kong tanong.

Sino ba namang hindi mababanas sa sinabi niya? At dire-diretso niyang sinabi 'yon na parang humihingi lang ng adobo sa hapag.

"Nasabi sa 'kin ni Zaldy ang kalagayan ni Kinz." Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko na hindi man lang natitinag sama ng titig ko sa kanya. "Maselan ang pagbubuntis ni Kinz. Sa unang buwan niya ay kasama niya si Zaldy na nagtungo sa ospital at dun na sinabi ng doktor na humina ang katawan niya. Bigla-bigla din ang pagtaas-baba ng dugo niya na hindi niya kinakaya kung minsan dahilan para mawalan siya ng malay nung mga unang buwan ng pagbubuntis niya. Nasabi din ng doktor na maaring ikamatay niya ang pagdadalang tao." Nanginig ang buong katawan ko. "Hindi maipaliwanag ng mga doktor kung saan nagmula ang biglang komplikasyon sa katawan ni Kinz. Healthy naman siyang babae pero nang magdalang tao siya ay bigla na lamang bumaba ang resistensya ng katawan niya."

Parang bigla akong nabingi dahil sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

Nanlalamig din ang buong katawan ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"May posibilidad na isa lang sa kanila ang makasurvive Kurt." Bumuntong hininga siya sabay yuko at agad din ang pagpatak ng luha niya. "Ayoko rin namang mawala ang baby niyo. Hindi naman ako ganun kasamang tao kahit na....kahit na sobrang sakit para sa 'kin na nagawa niyang ibigay ang sarili niya sa'yo samantalang ilang taon kong hiningi sa kanya 'yon." Mariin ang pagkagat niya sa ibabang labi at kahit na papaano'y pinipilit na pahintuin ang luha niya.

Halos hindi ko naman na marinig ang sentimento niya dahil pinoproseso pa rin ng utak ko ang mga sinabi niya.

"Naibigay niya sa'yo ang bagay na ipinagkait niya sa 'kin ng maraming taon." Tahimik lang ako.

Masyado akong nabagabag sa mga sinabi niya. Lalo na ang posibilidad na mawala ang asawa ko sa 'kin pati na ang anak ko.

Anong gagawin ko?

"Kurt...." Muli akong tumingin sa kanya. "Piliin mo si Kinz oh? Piliin mo siya please? Pilitin mo siyang mas piliin ang sarili niya." Napalunok ako dahil pakiramdam ko sinusugatan ang lalamunan ko ngayon.

Labis din ang panginginit ng sikmura ko na anong oras ngayon ay pwede akong sumuka. Ora mismo.

Ang sikip ng dibdib ko.

"Excuse me." Mabilis akong lumabas ng bahay at sinalubong ang galit na patak ng ulan. Ang malakas at malamig na hangin pati na ang nakakasilaw na kidlat.

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon