Tres

790 19 0
                                    

KURT

Mabigat ang ulo at katawan kong nagising ngayong umaga.

Ewan ko ba? Pakiramdam ko ta-trangkasuhin ako.

Nung isang araw pa masakit ang ulo ko pero 'di ko masyadong binigyang pansin.

Halos mag-iisang linggo na rin simula nung pag-uusap namin ni Kinz sa balkonahe at sa mga sumunod na araw ay 'hi' at 'hello' lang ang malimit niyang bigkasin. Pakiramdam ko nga pinagsisisihan niyang sinabi niya ang lahat ng 'yon sa 'kin eh. Feeling ko lang naman.

Wala pa ring nagbabago sa pagitan naming dalawa. Awkward pa rin kung minsan.

At sa oras na pinagsamahan namin ni Kinz, may kung anong bagay talaga akong nahahalata sa kanya.

Siguro nga ay may ibig sabihin ang converse na suot niya nung araw ng kasal naming dalawa. Malakas talaga ang kutob ko na may itinatago siya sa 'kin.

"Uho! Uho!" Pinilit kong bumangon at dahan-dahang bumaba patungong kusina.

Nadatnan ko naman ang ASAWA KONG busy sa pagluluto.

"Anong niluluto mo?" Usisa ko sabay singhot.

"Champorado. Malamig eh." Ganyan talaga siya sumagot. Napakalinaw. Hindi niya ako tinitignan dahil nga busy siya. Para lingon lang sana eh.

Humalukipkip na lang ako sa isang upuan at pinagkiskis ang mga palad ko para makalikha ng init saka ko inihaplos sa mukha ko.

"Ayos ka lang?" Nakatingin na siya sa 'kin ngayon.

Napangiti naman ako nang makita ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Hm. Hm." Sagot ko sabay tango.

Saglit niya pa akong tinignan saka bumalik ulit sa ginagawa niya. Weird.

Isinalin niya ang mainit na champorado sa mangkok saka iniabot sa 'kin.

"Eat." sabi niya lang saka naupo na rin sa upuang katapat ko at nagsimulang magdasal at kumain.

As expected, masarap na naman ang luto niya.

Nakaramdam naman ako ng biglang pag-ikot ng sikmura and then....

"BWAHHH!!"

Napasuka ako. Nakakahiya sa kanya.

"I'm so....I'm sorry." 'Yon na lang ang nasabi ko matapos kung magkalat ng lagim.

Tumayo siya at lumapit sa 'kin. Inaasahan kong maiinis siya pero nagulat ako ng hawakan niya ako sa noo at magkabilang pisngi ko.

"May lagnat ka." Wow! May lagnat agad? 'Di ba pwedeng mainit lang talaga? "Hindi normal ang temperatura ng katawan mo kaya ko nasabing may lagnat ka." Nabasa niya ba ang iniisip ko? "Ayos ka lang ba?"

"Okay lang ako. Akyat na lang muna ako sa taas." Tumango lang siya at nagsimulang linisin ang kalat ko.

Nakakahiya...

Pagkahiga ko sa kama ay agad na akong namaluktot sa ilalim ng kumot.

Nakakapanginig ang lamig.

Nilingon ko ang direksyon ng pinto na bumukas at bumungad si Kinz na may dalang basin.

"Take off your clothes."

"Bakit? Re-rapen mo ako? Kaw ha? Nananamantala ka pala ng mahina." Winisikan niya naman ako ng tubig sa mukha.

"Wake up, young man! You're hallucinating." 'Di ko alam kung joke 'yong sinabi niya dahil serious face naman siya? "Hubad."

Hayss...

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon