Nueve

306 15 0
                                    

KURT

Pagkatapos kong samahan si Kinz kanina sa puntod ni Alexander ay naglibot naman kami ni Tatay sa buong hacienda.

Malawak ang hacienda Laurente. Malawak ang taniman ng mangga, tubo, pinya at iba't-ibang gulay na imposibleng malibot namin ni Tatay ngayon.

Hapon na nang makauwi kaming dalawa ni Tatay sa mansiyon. Nauna siyang pumasok sa 'kin sa loob dahil tinanggal ko muna ang mga putik na dumikit sa paa ko.

Narinig ko naman mula dito sa labas ang boses ni Kinz na nagmumula naman sa sala.

Pagkatapos kong linisin ang paa ko ay pumasok na rin ako sa loob.

"NANGAKO KAYO!" Narinig kong sigaw ni Kinz na nagpahinto sa 'kin.

"Kinz! Ginawa namin ang lahat alam mo 'yan." Boses ni Tatay.

"I agreed to this marriage because of Alexander. Nay....Tay! Nangako kayo eh!!!" Parang batang sigaw niya na nanggigigil. "Pero...ergh! Ehuhuhu!" Umiiyak na naman siya.

"Kinz. Wala na tayong magagawa pa. Hindi na kinaya ni Alexander ang sakit niya." Mahinahon pa rin ang boses ni Tatay.

"Ang dami kong isinakripisyo sa marriage na 'to pero si Alexander lang... si Alexander lang?" Sumisigaw pa rin siya na unang beses kong narinig sa kanya. "Pati ang taong mahal ko----binitawan ko!" Naguluhan ako sa sinabi niya.

"Stop it, Kinz!" Galit na sigaw ni Nanay. "Hindi mo siya dapat mahalin! Itigil mo na 'yang kahibangan mo dahil may asawa ka na!"

"Oo. May asawa ako. Asawa na pinili niyo. At pumayag ako kasi nangako kayo na pagagalingin si Alexander. Ginawa ko ang gusto niyong magpakasal ako sa taong hindi ko naman gusto para kay Alex!"  Napaatras ako sa huling mga sinabi niya.

Bakit nakaramdam ako ng sakit sa mga sinabi niya? Malinaw naman sa 'kin na walang kami 'di ba? Na sa papel lang ang pagiging mag-asawa namin.

Pero bakit tintraydor ako ng sarili ko ngayon? Bakit nakakaramdam ako ng ganitong sakit?

Hindi na ako tumuloy sa loob at mas pinili ko na lang na dumito muna sa labas.

Kailangan ko munang huminga.

Sino kaya siya? Maliban pala kay Alexander, may mahal pa siya----na tao. Mahirap naman kung hayop na naman ang tinutukoy niya. Nakakabahala na 'yon pag nagkataon. Iginave-up niya ang taong 'yon para pakasalan ako. Parang nakaka konsenya naman.

Humiga na lang ako sa isang malapad na duyang gawa sa abaka na nakatali sa malaking sanga ng punong mangga.

Nakakapagod ang araw na ito.







"Kurt. Kurt." Naramdaman kong may umaalog sa balikat ko kaya nagmulat ako ng mata. Nakatulog pala ako.

"Kinz..." Medyo paos ko pang sabi habang nakatitig sa mukha niya.

Sumagi naman sa isip ko ang mga sinabi niya kanina. Nangako siyang hindi ako iiwan na tinutupad niya naman. Pero wala sa pangakong 'yon na mamahalin niya ako. Tsk.

"Kakain na." Tumango lang ako saka tumayo.

Tahimik lang kaming lahat habang kumakain at hanggang matapos kumain.

Ngayon naman ay nakasunod lang ako kay Kinz patungo sa room niya. Sa iisang kwarto lang kami matutulog ni Kinz na natural lang naman sa mag-asawa. Saka baka magalit ang mga magulang niya kapag naghiwalay kami ng room.

"My room." Sabi niya pagkapasok namin sa pintong binuksan niya.

Napaikot naman ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto niya.

Malawak ang buong lugar. Sa isang gilid ay may maluwang na pinto patungong dressing room siguro dahil nakikita ko mula dito ang iba't-ibang klase ng damit, sapatos, caps at marami pang iba. May dalawang itim na sofa na katamtaman lamang ang laki at isang mini table na gawa sa matibay na kahoy ang nakapagitna dito. Black carpet din ang nakalatag sa sahig. May flatscreen t.v na sa hula ko ay forty eight inches ang laki at dalawang computer na mukhang magkaiba ang pinanggagamitan. May dalawang steps hagdan paakyat kung saan naroon ang king sized bed. White and black ang kombinasyon ng kulay nun at ng buong kwarto. Sa ibabaw ng headboard ng kama makikita ang malaking larawan ni Kinz na halos sumakop sa buong parte ng wall na 'yon.

Napatitig naman ako sa larawan.

Nak nang!

Ang macho niya!

Black 'n white ang filter ng litrato. Nakaharap siya at medyo nakatingala kaya kitang-kita ang ganda ng jawline at tangos ng ilong niya. Wet look pa siya dahil medyo basa ang maikli at magulo niyang buhok na lalong nagpalakas ng dating niya. Nakatingin siya sa harapan habang kagat ang dulo ng isang shades. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa shades at ang isa naman ay nakasuklay sa buhok niya. Nakasuot siya ng manipis na shirt na mukhang ginupit ang parehong manggas at nagsuot lamang siya ng pangilalim upang matakpan ang dibdib niya na maaring makita sa luwang ng gilid ng shirt niya. Black skinny ripped jeans ang pambaba niya at nakapaa po siya. Limang earrings ang nasa kaliwang tenga niya at tatlo naman sa kanan. May hati din ang kilay niya na akala mo inahit ng blade. Sa kabuuan ng larawang nakikita ko ngayon, isa lang ang perfect adjective para dito.

HOT

She's fuckin', freakin' hot!

"Eherm." Nagising naman ako sa alapaap dahil sa pagtikhim ni Kinz.

"Ah, so...ito pala 'yong room mo. Medyo....hindi..ano 'no?"

"Pambabae?" Ngumiti lang ako.

"Para saan naman 'yang mga pintong 'yan?" Tukoy ko sa dalawang pinto malapit sa computers niya.

"Study room." Tinuro niya 'yong mismong malapit sa computer. "Music room." Turo niya sa isa pang pinto habang humahakbang paakyat sa dalawang step ng hagdan.

"Tumutugtog ka?" Tango lang ang sagot niya habang inaamoy ang unan at kama niya. Kakatawa siya. "Ang lawak ng room mo."

"Halos kalahati ng bahay ay kwarto ko. Nasa kabilang bahay naman ang sa magulang ko." tinutukoy niya ang kadikit na bahay nito.

Dalawang mansyon na konektado sa isa't-isa kumbaga.

"Sa ganda ng room mo panigurado hindi ka na umaalis dito."

"Hindi ako dito naglalagi." Pagkasabi niya nun ay bumaba ulit siya sa two steps na hagdanan at nagtungo sa isang gilid kung saan may isa pang pinto. "Shower lang ako." Sabi niya saka tuluyang pumasok sa loob.

Hayss... parang ibang tao na naman siya ngayon. Parang nagbalik ulit 'yong kilala kong Kinz noon. Cold.

Sinilip ko naman ang sinabi niyang study room niya. Walang ibang laman kundi libro. Isang study table at upuan. Wala na. Walang computers o kahit na ano. Oo nga pala, nasa labas ang computers niya. Parang di naman nagagamit ang room na 'to?

Paglabas ko sa study room niya ay sa kabilang pinto naman ako pumasok.

"Whow!" Naging reaksyon ko agad pagkapasok ko sa music room niya. Hindi ko naman akalaing musician pala talaga ang asawa ko.

Sapat lang ang laki ng kwartong 'to pero hindi masikip kahit na maraming gamit gaya ng mini piano na nasa isang gilid, may set din ng drums, tatlong electric guitar na nakasandal sa mga drums. Sa kabilang side naman ay may dalawa pang acoustic guitar, isang cello at violin. Nakasabit naman sa wall ang iba't-ibang sticks for drums, picks for guitar, bow para sa violin at cello, at ukulele.

Makikita din ang iba't-ibang posters na nakadikit sa dingding. Naroon ang poster ni Bob Marley, Lucky Dube, Kolohekai at iba't-iba pang music artists. Napansin ko na reggae ang genre ng halos musician na nasa mga posters niya. May mga gamit din siya na red, yellow at green ang combination. May mga 'rasta' pang mga words na ewan.

Naagaw naman ang pansin ko sa isa sa mga posters na nakadikit sa wall.

"Get High?" 'yon ang nabasa ko sa ilalim ng poster.

Tatlong lalaki, isang babaeng kulay pula ang buhok at si Kinz ang nilalaman ng poster na 'yon.

Mukhang marami pa akong dapat na malaman sa Misis ko ah at hindi ko sigurado kung magugustuhan kong lahat 'yon.

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon