Treinta y Cuatro

282 8 0
                                    

KURT

Ramdam ko ang mainit na kapeng dumadaloy sa lalamunan ko na nakakatulong upang kahit na papaano ay mabawasan ang lamig na nararamdaman ko.

Malakas ang ulan sa labas na ilang araw na ring bumubuhos kaya kahit paglabas ng bahay ay hindi ko magawa.

Mas nakakalungkot tuloy dahil napakalawak ng bahay na ito para sa iisang tao.

At kapag ganito....

Nakikita ko na naman ang ilusyon ng dalawang tao.

Nung mga panahong umuulan din.

Nung tinuturuan niya akong mag gitara, nung nanood kami ng favorite movie niya na hanggang ngayon inuulit-ulit ko pa ring panoorin ang video niya at kung paano kaming magtampisaw sa ulan na parang mga bata.

Hay...

Simula nang magising ako noon sa condo ni Zaldy isang linggo na ang nakakaraan ay hindi ko na ulit siya nakita. Namimis ko siya, oo. Please wag niyo naman akong sisisihin na ganito ang nadarama ko kasi kahit ako hindi ko kayang pigilin eh.

Wag niyo naman sana akong husgahan na ang hilig kong mag emo ng ganito. Alam ko na marami sa mga tao ang hindi nauunawaan kung bakit masyado nating pinapalungkot ang sarili natin dahil sa pagkawala ng isang tao.

Na masyado nating binibigyang halaga ang mga taong wala namang pagpapahalaga sa 'tin.

Oo, nakakainis 'yon. Nakakainis magcomfort ng isang tao na umiiyak ng paulit-ulit ng dahil LANG sa taong 'yon.

Ganun din naman ako noon eh. Naiinis ako sa mga taong masyadong binabaon ang mga sarili nila sa lungkot dahil lang sa sinaktan sila. Na bakit hindi na lang sila mag move on at kalimutan ang taong 'yon.

Hindi pala ganun kadali.

Walang kahit na sino ang gustong umiyak at masaktan lalo na ng pag-ibig. Walang kahit na sino ang gustong masaktan at ipakitang mahina sila.

Kaya lang kung minsan dahil sa sobrang sakit na, dahil ang bigat na.....baka naman pwede nang iiyak 'di ba? Baka naman pwede nang magwala?

Nakakamatay kaya.

Oo. Lalaki ako at hindi niyo normal na nakikita ang pagiging malambot ng isang lalaki. Pero hindi niyo lang alam. Dahil sa likod ng emosyong walang paki ay nagtatago ang sakit na pwede naming dalhin habambuhay. Na gaya niyong mga babae, hindi rin kami okay kapag sinabi naming ayos na kami. Hindi kami okay kapag iniwan niyo kami.

Ang malala, hindi kami umiiyak sa harap ng kung sino man gaya niyo dahil nga sa takot na mahusgahan ang pagiging macho namin.

Na may imahe kami na kailangan protektahan o ego na rin siguro.

Napag-usapan na rin namin ni Kinz na wag na muna naming sabihin sa parents namin ang nangyari sa 'ming dalawa.

Ayoko rin namang pangunahan siyang magsabi kasi hindi ko pa rin kayang sabihin kina Momny na tuluyan na nga kaming naghiwalay kahit na alam naman na ng mga ito na tagilid ang relasyong meron kami ni Kinz.

Siguro ang kailangan ko lang gawin ngayon ay sabayan ang agos. Damhin lahat ng pwedeng damhin hanggang sa kusang mapagod ang puso ko.

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon