Diez

337 12 0
                                    

KURT

Magkatabi kami ni Kinz ngayong matutulog. Hindi naman ito ang unang pagkakataong magtatabi kami dahil tinabihan niya ako nung may sakit ako sa isla 'di ba? Pero may sakit ako nun eh, kumbaga mahina ako. Eh ngayon? Kaya ko kayang makatabi sya?

Hindi kasi ako sanay matulog na may katabi at kung may katabi man ako----ayokong wala kaming ginagawa...

Alam niyo naman na siguro ang ibig kung sabihin 'di ba?

Pagkatapos ni Kinz magshower ay sumunod na rin ako. Pagkalabas ko ng banyo ay hindi ko alam kung saan siya nagpunta kaya nauna na akong humiga sa kama. Maya-maya'y lumabas siya mula sa dressing room niya.

Nakasuot siya ng malaking white-shirt kaya nagmukha siyang puting paniki at loose soft cotton pants.

Baduy...

Tsk. Ano bang ini-expect mo Kurt na susuotin niya? Bikini? Baliw ka din eh.

Humiga siya sa kabilang dulo ng kama at nasa kabilang dulo naman ako. Pareho kaming nakatihaya lang ngayon at nakatitig sa kisame. May inabot siya sa gilid niya na parang remote at ng pindutin niya iyon ay namatay ang ilaw at saka naman nagliwanag ang buong kisame. Glow in the dark na mga bituin ang makikita sa kabuuan ng kwarto

. Ang ganda.

Sumagi ulit sa isip ko ang usapan nila kanina. May nabanggit si Kinz tungkol sa mahal niya.

Sino nga kaya ang taong 'yon?

"Kinz." Mahinang tawag ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot kaya nilingon ko ang direksyon niya.

Nakatalikod na siya sa 'kin ngayon at mabibigat na ang paghinga niya.

Tulog na agad siya?

Pinikit ko na lang din ang mga mata ko para matulog.

First time..

First time kong matulog ng may katabi at wala kaming ginagawa. Maliban na lang kung may sakit ako.







Bigla naman akong naalimpungatan at kung bakit? Ewan. Tumingin ako sa orasang nakapatong sa bedside table.

"Alas tres?" tsk. Pipikit ulit sana ako pero napaupo ako ng mapansing wala si Kinz. "Saan naman siya nagpunta?"

Bumangon naman ako para UMIHI---ito siguro ang dahilan kung bakit ako nagising. Binuksan ko ang isang pinto pero mukhang mali ata. Madilim kasi tapos hindi ko naman kabisado 'tong kwarto ni Kinz.

Isasara ko na sana ulit ang pintong nabuksan ko nang napahinto ako dahil sa tunog ng gitara. Medyo niluwagan ko pa ang pagkakabukas at doon ko lang napagtantong music room pala ito.

Dahan-dahan akong pumasok at nakita ko si Kinz na nakaupo sa pinakasulok ng silid na ito. Medyo nakatingala siya habang nakasandal sa pader at nakapikit ang mga mata.

Patuloy lang siya sa pagkaskas ng gitara na puno ng kalungkutan ang bawat tunog.

"I'm jealous of the rain.." naramdaman ko ang pagtayo ng balahibo ko ng marinig ang pagkanta niya.

"That falls upon your skin
It's closer than my hands have been
Oh, I'm jealous of the rain." Kung hindi ako nagkakamali, Jealous ito ni Labrinth at isa ito sa masakit na kantang narinig ko.

"I'm jealous of the wind
That ripples through your clothes
It's closer than your shadow
Oh, I'm jealous of the wind"

'Yong bawat pagbigkas niya ng kanta, ang sakit pakinggan. 'Yong damdaming inilalabas niya sa kanta, tumatagos sa puso ko. Ang lungkot.

Pumikit naman ako para mas damhin ang kanta.

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon