Treinta y Ciete

254 8 0
                                    

KURT

Nakapag handa na ako ng almusal pero hindi pa rin nagigising si Kinz kaya minabuti ko ng umakyat upang silipin siya.

Nakabukas ang pinto ng room niya kaya pumasok na ako at naabutan ko siyang mahimbing na natutulog.

Mahigpit ang yakap niya sa unan niya at nakaharang ang maikli at magulong buhok sa maliit niyang mukha.

Lumapit pa ako sa kanya na ikinakunot ng noo niya sabay mulat ng mga mata.

"Ang baho mo." Parang inis niyang sabi.

Grabe naman.

Napaamoy tuloy ako sa sarili ko.

"Pwedeng magpalit ka ng damit? Wag kang magpapabango." Dahil ba 'to sa pagbubuntis niya? Ang taray niya eh.

Tumayo siya mula sa kama.

Nakasuot siya ng oversize hoody at pajamas.

As usual.

Tumayo siya sa harap ng salamin at sinuklay ang magulo niyang buhok gamit ang mga daliri niya.

Naglakad siya palapit sa 'kin at inipit niya ang ilong niya para hindi ako maamoy.

Ang sama niya talaga.

"Good morning." At bahagya siyang tumingkayad para halikan ako sa noo. "Magbihis ka." At nilagpasan na niya ako.

Napasunod na lang ako ng tingin sa kanya--nakangiti. Tss....

Dumiretso na ako sa room ko para magpalit ng damit na alam kong walang masyadong amoy. Ang sensitive ng ilong niya ngayon.

Matapos kong magbihis ay naabutan ko siyang nakaupo sa mesa at nakatitig sa niluto ko.

Hay...

Mukhang hindi niya gusto.

"Ipaghihiwa kita ng prutas?" Tanong ko na.

Alam ko naman na ang sagot kung sakaling tatanungin ko siya kung gusto niya ba ang luto ko eh.

"Ako na." At agad siyang tumayo.

"Ako na." Tinakbo ko ang tray kung saan nakalagay ang iba't-ibang klase ng prutas.

Ansama naman ng tingin niya sa 'kin.

Nakakapanibago talaga siya.

"Kaya ko." Umatras na lang ako. Natakot ako bigla eh.

Walang imik niyang dinampot ang dalawang mansanas at hinugasan iyon.

Naghintay na lamang ako sa mesa habang pinapanood siya sa paghihiwa niya ng prutas, pagtitimpla ng gatas at....at kape.

Ibinaba niya ang kape sa harapan ko saka siya naupo, pumikit at nagsimulang magdasal.

"Ayaw mo talagang tikman ang luto ko?" Wala lang. Parang nakakatampo lang kahit na hindi ko naman dapat 'tong maramdaman. Pasensya naman di ba? Nag effort kaya ako.

Hay...ang lakas makabakla ng pag-ibig. Nyemas!

Tinitigan niya ang sinangag na niluto ko.

Marunong na kaya ako.

"Nasusuka lang ako sa sibuyas at bawang ngayon. Pasensya na." Ah...ngumiti ako.

"Ayos lang. Naiintindihan ko." Tipid lang siyang ngumiti at nagsimula nang kainin ang prutas sa plato niya.

Halatang nasusuka pa rin siya sa gatas.

Kawawa naman.

"Anong balak mong gawin ngayon?" Tanong ko nang may mapag usapan naman kaming dalawa.

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon