CHAPTER 2 ELLA ARISCA

199 3 0
                                        

CELESTINE'S POV

Maaga pa lang ay gumising na agad ako,kailangan kong tignan kung nasa ayos na kalagayan naba ang babaeng ginamot ko kahapon.

Saglit ko lang naman siyang tiningnan ngunit hindi parin siya gising. Tatalikod na sana ako ng maramdamaman kong gumalaw ang babae.

Minabuti ko na lamang na bumalik at harapin siya at di ako nagkakamali ay nagising nanga siya."N-nasaan ako?" Tanong niya habang inililibot ang kanyang paningin sa buong bahay.

"Naririto ka sa tahanan namin. Hindi mo ba naalala ang nangyari kahapon?"

Hinawakan niya ang kaniyang ulo at pilit inaalala ang nangyari. "A-ah,ikaw yung b-babaeng tumulong s-sakin?"

Marahil ay dinga niya agad naalala kung kaya't naguguluhan siya. Nilapitan ko siya noon at umupo sa tabi niya.

"Oo. Ako nga,teka? Paano ka ba napunta sa ganong klaseng gubat nayon? Hindi mo ba alam na lubhang mapanganib iyong lugar nayon at isa pa,taga Ribeles ka hindi ba?" Pagtatanong ko sa kanya. Nakita ko kase ang tatak sa may batok niya nung binihisan ko siya.

"Tama ka,nagmula pa ako sa Ribeles,kahapon ay nasa misyon kami ng iba ko pang mga kasama. Pero nawalay ako sa kanila matapos naming makaharap ang mga lalaking iyon."

Tumango tango na lamang ako saka ko na isip na maaring hindi niya naalala yung ginawa ko kahapon pero mas mabuti narin kung ganon.

"Ang mabuti pa,saluhan mo na kami sa aming pagkain ng umagahan at tutulungan kita na makabalik sainyo."

Ngumiti naman siya saakin at nag umpisa ng tumayo.

"Oh anak,tamang tama nakahanda na ang pagkain. Hali na kayo." Sabi ni Ina .

Nagtungo kami sa mesa at pansin ko ang paglilibot ng paningin ng babaeng kasama ko. "Ate! Dito na po kayo maupo oh." Nagulat nalamang ako ng NASA tabi niya na pala si Rica ang kapatid Kong nakababata.

Tinignan lang ito ng babae at parang sinusuri. "Hi! My name is ELLA,ELLA ARISCA." Yon pala ang pangalan niya. Bagay naman sa kaniya,mukha siyang mabait at kitang kita mo sa kaniya na kutis palang niya ay halata mo na agad na taga Ribeles siya.

"Ako naman po si Rica,bunso po akong kapatid ni ate Celestine." Tinuro pa ako ni Rica. "Mga anak,halina kayo,lalamig ang pagkain."pag uulit ni Ina.

Masaya kaming pumunta ng hapag kainan. Kumain ng kumain si Ella pagkatapos ay nagkwento ng nagkwento.

Nasabi niya na kaya siya kinuha ng mga lalaking nakalaban ko kahapon ay dahil nalaman nilang ang kapangyarihan ni Ella ay kayang malaman ang mga maaaring mangyari.

Matagal na daw siyang inaabangan ng mga kalaban na yon at nasabi niyang ilan yon sa mga rebelde at tiwalag na bayan. Sa pagkakaalam niya raw ay mga taga bayan ng NERIDAS ang may pakana ng pag dakip sa kanya.

Marami pa siyang sinabi saamin at ikinuwento. Isa nanga doon ang misyon nilang lumabas ng kanilang bayan para magbantay sa kabuuang bahagi ng bayan nila.

Hindi dapat siya kasama sa misyon na yon dahil mahirap para sa kaniya na hindi niya kayang lumaban dahil tanging pagpepredict lang ng maaaring mangyari ang kaya niya.

Matapos ang kaniyang mga kwento saakin ay sinamahan ko na siya para makabalik sa kanila. Pinipilit niya akong sumama sa kaniya sa loob ng bayan nila ngunit nakiusap na lamang ako na wag na lang dahil batas ng bawat bayan ang bawal magpapasok ng mga mababang uri ang kapangyarihan. Ngunit sila lamang na matataas ang kapangyarihan ang maaaring makalabas pasok saaming bayan. Gayunpaman,protektado ang aming bayan ng may matataas na kapangyarihan.

"Sigurado ka bang hindi ka sasama saakin sa loob?"pangungulit niya saakin. Nasa tapat kami ng isang malaking gate ng bayan nila.

Umiling iling naman ako bilang tugon sa kaniyang tanong."Sumama kana kase pleasee,ipakikilala kita kina Ina at ama at pati narin sa Kuya Kong ubod ng sungit.haha"

Unti-unti naman ng bumubukas ang malakinh gate ng kanilang bayan. "Wag na,okay na ako dito. Basta mag iingat kanalang sa susunod." Sabi ko at nag umpisa ng maglakad papaalis.


"Celestine! Salamat ulit sa pagliligtas mo sa akin! Gagawa ako ng paraan para makapasok ka bayan namin. Pangako ko yan sayo."

Kahit na di pa ako nasa kalayuan ay nginitian ko padin siya at nagtuloy na muli sa paglalakad.

Masasabi kong mamimiss ko ang makwentong si Ella arisca. Masaya akong nakilala ko siya saglit.



ELLA'S POV

"Ella anak!" Walang pigil na tumakbo si Ina papunta sa kinatatayuan ko. Myghad,napag alala ko ng husto si Ina at ama.

"Oh dahan dahan lang Ina,okay lang po ako." Sabi ko sa kanila para naman makapampante silang ayos lang talaga ako.

Yakap ang siyang sumalubong saakin na nagmula pa sa pinaka mamahal Kong Ina at ama. Yung masungit Kong Kuya? Ayon,prenteng prente ang pagkakaupo na para bang dinapansin ang pagdating ko.

"Nag alala ako saiyo anak. Nung malaman ko na nadukot ka ng mga walang pakundangan nayon!" Vigil na gigil si ama na halos mayukom na ang kamay sa galit."relax ama,ayos lang ako. Tinulungan ako ng bago Kong kaibigan ina,ama."nalilitong tumingin saakin si Ina at ama pwera nalamang sa kapatid kong singkaran ng sungit.

"Tinulungan?nino? Atsaka paano?" Naguguluhan nilang tanong.
"Ina ama hindi kayo maniniwala saakin pero tinulungan ako ng isang babae na nagmula sa kabilang bayan."

Iginiya ako ni ina para maupo at naupo din siya. "Tinulungan?ng taga kabilang bayan? Ngunit paano?mahihin-"pinutol ko ang sinasabi ni ina.

"Hindi siya mahina ina!malakas siya!" Naagaw ko ata ang atensyon ng Kuya ko na mas mahal pa sa presyo ng ginto.

Naglakad siya papalabas pero tumigil siya malapit sa tapat namin. Nakasuot ang kanyang kamay sa pamulsahan ng kaniyang suot."Walang may malakas na kapangyarihan sa kabilang bayan. Nahihibang ka lang ella." Sabay talikod niya saamin kayat ang Mata namin nila ina at ama ay nakasunod lamang hanggang paglabas.

"A-anak,tunay ba ang sinasabi mo?" Nag aalinlangang tanong ni ama.

Huminga ako ng malalim,Malabo atang maniwala sila sa ikukwento ko. Totoo naman talaga,malakas si ella. Nakita ko ang kapangyarihan niya. Kayanga lang,hindi ko pa sigurado kung ano talaga ang kakayahan niya.

Heriya:The Lost Magical CityStories to obsess over. Discover now