CHAPTER 24 MANIPULATION

149 4 1
                                    

CELESTINE'S POV

Paulit-ulit na lumalapit si Eithan saakin pero paulit-ulit din siyang nasusugutan dahil sakin.

Pilit ko ring nilalabanan ang katawan kong kusang gumagalaw. He manipulates me. And too strong para mapigilan ko ang sarili ko.

Patuloy lang sila sa pakikipaglaban at parang walang darating na tutulong saamin.

Napapikit na lamang ako sa mga nangyayari. Ang kanina na iisang tao lamang na nakasuot ng itim ay nadagdagan pa ng dalawa.

Napilitan si Eithan na iwan ako at kalabanin ang dalawang bagong dating.

"Urgh" daing ko dahil parang hindi ko na kakayanin pa.

Katulad ng gusto nilang mangyari ay naabot ko ang kwintas. Pero binitawan ko yon sa lupa kaya nagliwanag ang paligid na para bang nag aapoy.

Naramdaman kong nawala na ang pagmamanipula ng taong yon saakin dahil mabilis na natumba ako.

Mabilis akong nilapitan ni migo at Eithan at inalalayan ako. Nakita ko ang pag atras ng mga nakaitim na tao.

Lumabas na mula sa kwintas ko ang sinasabi ng lahat na nakakatakot. Isang malaking nag aapoy na dragon ang lumabas. Natataranta ako,hindi ko alam kung paano ko yon pababalikin sa kwintas ko.

"Totoo nga na napalabas mo na ang maalamat na dragon na ito." Imbis na matakot sila ay mukha pa silang namamangha.

Tinitingnan ko lamang ang dragon na nag aapoy. Pumwesto ang mga taong naka itim na suot at may inilabas na kwintas din ang isa na nasa unahan. Inihagis niyo iyon paitaas at itinuro ang daliri at kinumpas. Pagkatapos ay may lumabas mula roon na maitim na usok.

"Shit!" Dinig Kong mura ni Eithan. This can't be!

Natutop kami sa kinatatayuan namin ng lumabas mula sa kwintas ng mga nakaitim na tao ang isa ring dragon ngunit sa pagkakataon na ito ay kulay itim din ito.

Magkasing laki iyon at ang dragon ko. Nakaramdam ako ng takot ngunit ang dragon ko ay nanatili lamang sa taas.

"Eithan!Celestine!Migo!" Dinig Kong tawag ng boses nila Tito Rico. Andito na sila. Thanks God.

Hindi lang sila Tito Rico ang narito. Marami ring nakatataas sa magic council ang naririto. Nakatingin silang lahat sa dragon na nasa itaas.

"Kumilos na tayo." Salita ni Tito Rico at mabilis na sumunod sa kaniya ang iba pang tao.

Inilabas nila lahat ng kanilang kapangyarihan. Halos pare-parehas sila. Nakita ko ang unang beses na natakot ang mga nakaitim na taong iyon.

Tatlong titan na malalakas ang lumabas. Kagaya ni Mr. Deleon ay ganun din ang kapangyarihan ng iba nilang kasama maliban nalamang sa ama ni Rico na nagbibigay ng protection sa mga titan. Ikinukumpas ni Tito Rico ang kaniyang kamay.

Nagkagulo na ang lahat ng magsimulang bumuga ng nag aalab na apoy ang Dragon ko. Agad na nilingkisan iyon ng itim na dragon.

"Celestine,iuuwi na kita" Sabi ni migo habang dinadala ako sa may tagong lugar.

"No. Hindi siya pwedeng lumayo sa dragon niya. Maaari siyang mamatay kung mapapalayo sa kaniya ang dragon niya." Eithan

Pagod na sila parehas. At ako ay naghahabol nalang din ng hininga dahil sa pagmamanipula ng taong nakaitim na yon sakin.

"Celestine!" Kahit na magkakalapit lang kami ay dinig ko ang pagtawag ni Eithan sa pangalan ko. Bakit? Ano bang nangyayari?

Sa di inaasahang pangyayari ay niyakap niya ako. Hindi ko alam kung bakit.

Nanlaki ang Mata ko hindi dahil sa ginawa niya kundi sa nakikita ko at nararamdaman.

Nanlalamig ang pawis ko,nag uumpisa akong mamutla at worst ay ang mga ugat ko ay nagiging kulay violet.

anong nangyayari saakin?....

EITHAN'S POV

Mabilis Kong niyakap si celestine ng makita ang pagbabagong nagaganap sa kaniyang katawan.

Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa kaniya. Ang katawan niya ay namumutla na unti-unting nagliliwanag at kahit maging mga ugat niya ay nagiging kulay violet na bumabakat sa kaniyang maninipis na balat,pati na ang pamamawis niya ng malalamig.

Nakita yon ni migo kaya mabilis siyang sumulyap sa langit kung san nag lalaban ang dragon niya at dragon ng mga kalaban.

"Eithan! Jan ka muna,kailangan Kong tulungan ang dragon ni Celestine. Baka kaya siya nagkakaganyan dahil napurahan yon ng dragon ng kalaban"

Umalis na siya pagkatapos non. Naiwan akong nakayakap kay Celestine.

"Fight Celestine!" Sabi ko habang yakap yakap ko siya. Ito ang ayaw ko sa lahat,ang makitang nahihirapan si celestine!

Nanlalambot na ang katawan niya kaya inihiga ko siya sa sa hita ko. Gulong gulo na ang kaniyang buhok na nabasa na ng pawis na malalamig. Hindi narin niya magawang magsalita pa dahil iniinda niya ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"S-sugatan m-mo a-ako" napatingin ako sa kaniya. Ano ba siya timang? Nakita niya nangang nahihirapan na siya tapos gusto niya sugatan ko siya.

"P-please"

"Eithan! Paduguin mo ang kanang braso niya ngayon na!" Naguguluhan ako Kay ama na dumating na sa kinalalagyan namin ni celestine.

Hindi ko rin napansin ang pagdating din ng iba pa. Mabilis na tumakbo si migo sa harapan namin at sinugatan ang braso ni Celestine.

"What the fuck!" Gigil Kong sinugod si Migo. Hindi ba niya nakikita na nahihirapan at nagdudusa na si celestine tapos susugatan pa niya!

"Ano ba eithan!,ginawa niya lang yon dahil kung hindi natin paduduguin ang anumang parte ng katawan niya ay maaari niya iyon ikamatay dahil sa lason na iniwan sa katawan ng mga kalaban" halos makatatlo o apat akong mura noon. Tangna!

Nakita Kong isinuot na ni ama ang kwintas Kay Celestine."iuwi nanatin siya. Baka pag hindi nagtagal ay may bumalik pa ritong mas marami pa"

Hindi na kami nagtagal roon at iniuwi nanamin si Celestine.

Heriya:The Lost Magical CityWhere stories live. Discover now