CHAPTER 45 TRANSFORMATION

122 4 0
                                        

MIGO'S POV

Isang pagsabog ang siyang gumulat saaming lahat. Nasira non ang barrier na siyang hiniling ni Eithan sakin.

Akala ko ay nagawa na ni eithan na apulahin ang nag aalab na si celestine kaya sumabog ang barrier ngunit nagkakamali pala ako....

Nandito na sila......

THIRD PERSONS POV

Nagulantang ang lahat ng makita kung sino ang nasa likod ng pagsabog.

Hindi handa ang grupo nila Eithan para dito dahil inaasahan nila na sa darating na Festival pa sasalakay ang mga kalaban. Ngunit napaaga ang dating ng mga kalaban dahil sa nalaman na nilang tuluyan ng nagtransform into a demonic si Celestine.

Nakarating sa buong magic council ang nangyari. Hindi sila nagulat at tila handa sila sa kanilang nalaman dahil nagtitipon tipon naagad ang mga ito.

Kasalukuyan silang papunta sa gubat kung saan naroon sila Celestine....

Samantala... Sa gubat naman ay nag umpisa na ang laban. Marami ang mga kalaban kumpara sa mga kasapi nila eithan na naroon sa Gubat dahil paparating palang ang buong taga magical city.

Sila Celestine at Eithan naman ay nawala. Kaya lalong nagalit ang mga kalaban dahil ang akala nila ay itinakas ni eithan si Celestine,lingid sa kanilang kaalaman ay ginamit ni ella ang kapangyarihan niyang kaya niya na iteleport ang isa o dalawang tao.

Napadpad sila eithan sa isang batis ng gubat kung saan nag kakagulo na dahil sa labanan. Masyadong malawak ang kagubatan kung saan naglalaban silang lahat.

Inihiga ni Eithan si Celestine sa isang damuhan. Nawalan ng Malay si Celestine ngunit hindi parin nagbabago ang itsura niya Simula pa kanina. Pero hindi na kagaya ng itsura ni celestine dati.... Kusa nayong nagliliwanag ng parang apoy at ang buhok niya ay mapulapula na,maging ang kasuotan niya ay nagbago rin.

Hanggang pusod lang ang damit niya na hapit na hapit sa kaniya na kulay pula habang maiksing short na kulay itim.

Dumating ang ama ni Celestine sa kinalalagyan nila ni Eithan. Napatayo agad si Eithan at nag aalalang lumuhod ang ama ni celestine.

Hinaplos noon ang mukha ni celestine na nagsisimula ng magkaroon ng kulay pula na parang ugat sa kaniyang kalahating mukha.

Pagkatapos ay biglaang nagbukas ang nag aalab na mata ni celestine. Napaatras ang ama ni Celestine gayundin si Eithan.

Kumpleto na ang transformation ni Celestine. Isa na siyang ganap na Demonic.

Ang labi niya ay kulay pula rin,hanggang tuhod na kulay itim na parang boots,nakatali niyang buhok na ang ilang hibla ay pula,at kalahati niyang mukha na nagmistulang may paint ngunit para Yong ugat.

Kusa ng lumapas ang palaso ni Celestine at nakalagay sa likod nito. Halos hindi na siya makilala,ngunit ng ngumiti ito ay unti-unti nilang nilapitan si celestine at niyakap ng kaniyang ama.

Heriya:The Lost Magical CityStories to obsess over. Discover now