CHAPTER 5 NIGHTMARE

322 9 0
                                        

CELESTINE'S POV

Napapaso ako,pakiramdam ko ang init ng katawan ko. Nagbabaga,lumalaglab.

"Urgh! L-layuan mo ako! Sino ka ba!?" Pagtatanong ko sa kaharap Kong hindi pang karinawang.

"Hindi mo pa ako nakikilala sa ngayon. Pero malapit na! Malapit na Celestine Primo!" Halos manlaglag ang pawis ko sa takot dahil isang malaking dragon na lumalagblab ang nasa harapan ko at nagsasalita.

"P-please. Let me go." Pakiusap ko ngunit parang hindi niya iyon pinapansin. "Malapit na,malapit mo na akong makilala."

"Please!!!let me go!!"

"Cece!gising! Binabangungot ka anak!" Tila ba niyugyog ako ng kung ano kaya't mabilis akong napabalikwas.

Nang makita ko si ina ay niyakap ko ito dahil sa takot."Shh. Kalma lang anak,okay na,nagising kana. Kanina kapa naming niyuyogyog ng mga kapatid mo." Sabi ni ina saakin.

Hindi ko magawang magsalita. Pakiramdam ko ay nakapaligid lamang saakin ang nakita kong iyon sa bangungot ko.

"Anak,ano ba nakita mo sa bangungot mo at hanggang ngayon ay tahimik kaparin jan." Tanong ni ina saakin. "I-ina,p-parang nakita ko na s-siya." Naguguluhang tiningnan ako ni ina."siya?sino?"

Hindi parin ako nakatingin Kay ina at sa palaso ko ako nakatingin."A-ang tunay kon-" hindi,hindi ako sigurado. Imposibleng maging kapangyarihan ko siya. Hindi e. "Ang alin ba cece?dikita maintindihan."

"Ah wala ina,sige na po mauna na kayo sa mesa at susunod na lamang po ako." Kahit ayaw pa ni inang umalis sa tabi ko ay napilitan padin siya dahil maaga pa siyang aalis patungong skewelahan ni arah.

Samantala.. Inahanda ko ang aking sarili para sa araw na ito. Babalik ako ng burol upang magsanay muli. Pero sa pagkakataon na ito ay hindi na ako nag iisa,napagpasiyahan kong isama si arah at si rica.

"Oh siya cece ikaw na bahala sa mga kapatid mo ha. Kailangan ko lang tanungin kung bakit ipinatatawag ako ng teacher ni arah." Ina

"Opo ina. Ako na bahala sa kanila." At nagpaalam na si ina pagkatapos ay umalis narin kami ng mga kapatid ko.

Lakad kami ng lakad ng mga kapatid ko at di alintana ang araw na nagsisimulang sumisikat na.

"Arah,kamusta nanga pala pag aaral mo?" Naitanong ko sa kaniya bigla. Nacurious din ako nang malamang ipinatatawag ng teacher niya si ina. Hindi naman si arah palaaway at matalino naman ito. Kaya nagtataka lang ako kung bakit pinatawag pa si ina.

"Ayos lang naman ate,alam mo ba mas matataas ang gradong nakukuha ko ngayon kesa nung dati." Hindi na bago ang marinig ko iyon sa kapatid ko. Matalino siya gaya ni ama kaya marahil Kay ama niya yon namana.

"Ate arah ate cece,andito na tayo." Masiglang tawag saamin ni Rica. Sa sobrang excited niya ay tumakbo na agad siya at umuna.

Gaya ng ginagawa ko ay tiningnan ko muna ang buong paligid. Sagrado ang lugar na ito,hindi toh maaaring puntahan ngunit kailangang dito ako mag ensayo.

"Arah,rica,diyan lang kayo sa tabi. Wag kayong lalapit saakin kapag oras na lumabas na ang apoy sa kamay ko." Pag papaalala ko sa kanila. Sinunod naman nila ako at tumabi na agad sila.

Nagsimula na ako sa pag eensayo ko. Manghang mangha ang mga kapatid ko sa mga nakikita nila.

Hanggang sa natapos ko na ang pag eensayo ko at tuwang tuwa parin sila.

Halos diko nanaman makilala ang hitsura ko dahil sa basang basa nako ng pawis at maging buhok ko ay basa rin at magulo.

"Alam mo ate kahit ang dungis mo ngayong tignan,ang ganda mo parin." Pamumuri ni Arah saakin habang inaabutan ako ng tuwalya.

Ginulo ko naman ang buhok niya."Sus,nambola kapa. Tara nanga."
Natawa naman siya sa ginawa ko. Maging si rica ay nakikisali narin."Ate paglaki ko turuan mo ako niyan ha." Rica

Binuhat ko naman si rica. "Oonaman.ikaw PABA!" I said at tuwang tuwa naman siya.

Naglakad na kami pabalik sa bahay at mukhang naroroon narin si ina. "Sana may kapangyarihan din ako kagaya mo ate cece."Arah said habang naglalakad kasama ko.

Pansamantala akong tumigil at ganoon din sila. Hinarap ko si arah at tiningnan ng seryoso."hindi madali ang hinihiling mo arah,at hindi rin madaling magkaroon ng kapangrihan kagaya ng akin." Naalala ko ang bangungot ko,iniisip ko hanggang ngayon na paano kung yon nga ang tunay na kapangyarihan ko. Ngunit Malabo parin,masyado siyang malakas para saakin.hindi ako karapatdapat.

"Mag aral kanalang ate at may maiuuwi kapang medalya.haha." pang aasar ni rica Kay arah,toh talagang dalawang toh.

"Magbalat kanalang ng papaya para masaya.haha." bwelta ni arah Kay rica. Hinayaan ko nalang sila mag asaran ng mag asaran hanggang sa makauwi kami sa bahay namin.

Laking gulat ko ng makitang maraming tao ang nakapaligid sa bahay namin. Tumakbo ako ng mabilis at hinanap agad si ina.

Nagulat ako ng makita ang mga tao sa loob namin,sa kasuotan palang nila ay malalaman mo na agad kung sino sila. Isa ko pang nakita sa loob ng bahay namin ay si Ella.

Heriya:The Lost Magical CityStories to obsess over. Discover now