CHAPTER 49 THE LAST BATTLE

139 4 0
                                        

AN : Epilogue na po ang sunod! Gusto ko lang po sana magthank you sainyong mga nagbasa at sa bumuboto,nakakataba po ng puso kahit na hindi po yon kagaya ng sa iba na sobrang dami. Masaya na po ako na nakatapos ako ng dalawang story at nakakapag isip pa ng bagong story. Kaya guysss salamattt. Nakakainspired kayo. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon na marami ang nakabasa at bumoto nito,gagawan ko toh ng Book 2. "Completely Demonic" ang ilalagay kong title. Ge guys! Thankie so much! Sana basahin niyo yung iba ko pang story na nagawa,FALL FOR YOU,saka yung on going ko pang story na 60 DAYS TO TRAVEL. Lovelots guys! Mwahhh!

@shanamistrong

CELESTINE'S POV

Nagawa konang maimulat ang aking mata,at ang bumungad saakin ay si Meryl.

Nanghihina parin ako sa ngayon dahil sa hindi ko alam na ginawa sakin ng mga kalaban na yon.

Sa ngayon ay hinahanap namin ni Meryl ang lagusan palabas ng bahay na malaki ng mga kalaban.

Sunod sunod na ang naririnig kong pagsabog sa labas,at nag uumpisa naring gumuho itong malaking bahay nila Vino.

Habang naglalakad kami ay inaalalayan ako ni Meryl. Marahil ay narito narin ang iba dahil sa ingay sa labas na siguro'y dahil kina Eithan.

"Kailangan na nating makalabas dito. Delikado na ang lagay natin kung guguho ito" sabi ni meryl habang naglalakad.

Napahinto ako sa paglalakad at nagtatakang huminto rin si Meryl. "Salamat meryl" sabi ko at sinuklian niya ako ng ngiti.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. At sa dikalayuan ay nakita ko na si Eithan at ama. Nakita nila din kami ni meryl kaya mabilis na tinakbo nila ako.

"I'm glad that you're okay babe..." Hirit ni Eithan na ikinangisi ko. Nasa gitna ng laban pero nagawa niya pang tawagin akong babe.

Inilipat na ni meryl ang pagkakaalalay niya saakin kay Eithan. Gusto niya akong buhatin ngunit hindi ako pumayag.

Sa nakikita ko ngayon ay puros pagod na sila. Nang makalabas kami ng gusali na yon ay mabilis kong hinawakan ang aking Kwintas.

Nagpaalam ako kay eithan na lalaban nadin ako dahil pagod na sila,nung Una ay ayaw niya pang pumayag dahil  marami naraw akong nawalang lakas kaya mahihirapan daw ako,ngunit pinilit ko sila at pinilit ko ang katawan ko.

Ngumiti silang lahat saakin ng makita nila ako kasama sila eithan. Nandito sila,Jake,migo,aina,ella,Tito Rico,senior David,ama ni Migo,at si Mr.Hubert kasama si Mr.deleon at isa pang babae na may mga kasamang malilit na dwende na nanggagamot ng iba pang sugatan naming kasama.

"Wag muna kayong magsaya mga kaibigan. Hindi pa tapos ang Laban. Hahahaha"

Sabay sabay kaming nag angat ng tingin sa itaas kung saan nanggaling boses nayon.

Siya na lang ang natitirang buhay sa mga kasama niya kaya hindi malabong matalo na namin siya.

Napatingin ako sa iwinagayway niyang bagay. Mabilis na iniangat kaming lahat ni Senior David. Kaunti lang yon at sinugurado niya lang na dikami nakalapat sa lupa.

Namayani nanaman sa paligid ang tawa ng lalaking nasa itaas,si Damian.

"Naaalala mo pa siguro ito Aldavid. Look! Natapos ko na siyang gawin!"

Hindi koman maintindihan kung ano ba at para saan yung remote control na hawak niya pero isa lang ang nasisigurado ko,hindi yon isang simpleng remote control lang.

Nakita ko ang pasimpleng pagyukom ng kamao ni ama,siguro ay alam niya kung ano mismo ang kayang gawin ng remote control nayon.

Aatake na sana ako ng bigla akong pinigilan ni ama gamit ang kamay niya.

Heriya:The Lost Magical CityStories to obsess over. Discover now