CELESTINE'S POV
Ilang araw na bumagabag saaking isipan ang sinabing iyon ni Eithan,at pagkatapos ding iyon ay hindi ko na siya muling nakita.
"Hey good morning"
Bati ni Migo saakin habang ako ay mag isa lang sa labas ng malapalastong bahay nila Senior David.
Sometimes being here is so bored. Dahil nga walang ibang makapasok dito dahil sa batas ay wala ako masyadong makausap maliban kay Migo na malayang nakakalabas pasok dahil apo ni Senior David.
"Good morning too."
Umupo siya malapit sa harapan ko at nakita niya siguro ang pagkabagot sa mukha ko.
"Wanna go out?"
Itinaas taas pa niya ang kaniyang kilay. "Don't worry I'll make sure na hindi ka ulit mapapahamak." He assures me.
Sumama ako kay Migo,hindi naging madali ang mapayagan ni senior david ngunit pinilit namin ito,nagmistula tuloy kaming may curfew dahil sinabi ng matanda na bumalik din agad kami exactly 6pm.
"Where do you wanted to go out?"
Migo asked while we are walking.
"Dunno" tipid Kong sagot wala kase akong ideya kung San kami pupunta.
Bigla naman niyang ipinitik ang kamay niya na wariy nakaisip na ng pupuntahan namin.
"Alam ko na! Ipapasyal kita sa school ng Pelison."
I looked at him and agreed to his suggestion. It was the old school of Pelison. Madami ang nag aaral don at kabilang na si Migo,ella at migo. Siguro ay don din nag aaral sila meryl at aina.
Huminto kami sa isang mataas na gusali and I bet this is the Pelison High.
I was amazed when I saw this kind of building. Napakataas niya kung titingnan mo.
"Let's go?" Inabot ni migo ang kaniyang kamay na siyang inabot ko at pagkatapos ay pumasok na kami sa loob.
Pagkarating namin ay inilibot ko ang aking Mata. Nasabi ni migo saakin na nag umpisa na ang unang semester ng pagpasok sa Pelison high,nagtaka naman ako dahil hindi siya pumasok gayong unang araw ng pasukan.
"Bakit hindi ako dito ienroll nila Senior David?"
Natanong ko bigla kay Migo. Mahina naman siyang tumawa kaya napairap ako sa kaniya. Nagawa niya pang tawanan ang tanong ko gayong seryoso akong nagtanong sa kaniya.
"You already enrolled here celestine! Kaso hindi ka lang agad nainform nila lolo,hindi ko lang kung bakit."
Enrolled naman na pala ako dito e. Ang tanong...bat nga ba hindi ako nainform ni Senior David.
Madaming studyante ang naririto na malamang ay may mga taglay na kapangyarihan.
Habang dumadaan kami ay yumuyuko ang mga kaming edad ko saakin.
"Hi migo"
Hindi lang isa ang bumati kay migo,nasundan pa yon ng isa,dalawa,tatlo at marami pang iba. Well,hindi naman siguro maitatangi na malakas ang charisma nitong lalaking katabi ko na prenteng prente lang ang kamay na nakasuot sa bulsahan ng pantalon niya.
"Buti nalang binati nila ako"
Pagbibiro ko kay migo,paano ba naman kase puro si migo lang ang binati samantalang ako yumuyuko lang sila pag nakikita ako.
Meron din namang mga lalaking ngumingiti saakin pero may isang ngiti ng lalaki akong namimiss....
Mabilis Kong ipinilig ang aking ulo ng maaalala ang lalaking yon. Damn! Miss ko na ba siya? No!
Huminto kami ni Migo sa paglalakad sa isang kainan. Siguro ito na ang canteen ng school na toh. Pero iginala ko naman ang tingin ko at hibdi naman toh malawak na sobra at Hindi naman siguro kasya dito ang mga studyante ng buong Pelison.
"Haha.siguro ay nagtataka ka kung bakit konti lang ang naririto at maliit ang espasyo eh madami ang nag aaral dito."
Tiningnan ko si migo na nakapatong ang isang hita sa kabilang hita habang naka extend ang kaniyang kamay sa isang sofa,parang nabasa niya lang ang iniisip ko.
"Para lang toh sa may matataas na kapangyarihan celestine. Naka separate ito at kokonti lang naman kaming may matataas at bihasa na sa kapangyarihan."
Kaya pala..."oh andiyan na pala sila"
Tinapunan ko ng tingin ang grupo ng mga taong papasok sa isang pintuan kung saan kami dumaan ni migo kanila lang.
Halos bumilis nanaman ang tibok ng puso ko ng makita ang isang lalaking nakikipagtawanan sa kasama niyang lalaki na pamilyar saakin dahil nakita ko na siya sa may field kahapon lang.
"Celestineeeee!!!"
Boses ni Ella ng makita ako. Tumayo naman ako para salubungin siya at yakapin. Kita ko ang pagdaan ng Mata ni Eithan saakin ng magyakapan kami ni Ella.
"Ghad! I miss you already!"
Sabi niya at niyakap niya akong muli. Umupo naman na kami pagkatapos naming magyakapan ni Ella,honestly I miss her so much...
Huli na ako ng mapansing nakaupo narin sa tabi ni migo sila Eithan at ang isa nilang lalaking kasama.
"I miss you too. How's Tita and tito?" Pagtatanong ko.
Huminga siya ng malalim kaya napansin ko na may problema sa kanila. "Hindi okay celestine....si ina ay nag uumpisa ng magkasakit."
Naramdaman ko ang lungkot niya,maging ako ay nalungkot din ng malaman iyon. "Bakit?anong nangyari?"
Nagbabadya ng lumuha ang kaniyang Mata. "Nung isang Gabi ay sinugod kami ng mga taga rebeldeng bayan at hinahanap ka nila saamin... Nilabanan nila ina at ama pati ni Kuya ang mga yon ngunit napuruhan si ina. And too bad kasi may halong lason ang tumama kay ina."
Nagsipaglalaglagan na ang luha na kanila pang pinipigil ni Ella. Its because of me kaya sila napahamak. It's because of fucking me!
Niyakap kong muli si ella at pinunas ang kaniyang luha. Ngumiti naman siya saakin na parang hindi siya umiyak.
Nahuli ko ang titig ni Eithan saakin,masyado yong matalim,puno ng galit na hindi ko maipaliwanag. Is he mad at me?
Dumating din sa kinalalagyan namin sila Aina at Meryl. Saamin ni ella silang dalawa lumapit at tumabi. And as usual pinandilatan nanaman ako ng Mata nila. Hayss.
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
Teen FictionThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....
