CHAPTER 43 ARAH AND RICA

119 3 0
                                    

CELESTINE'S POV

Sarap na sarap ako sa pagtulog ko dahil nararamdaman ko ang lamig kahit na nakakumot naman ako. Pikit parin ako at tinatamad paakong bumangon.

Nakaramdam ako ng kakaiba sa unan na siyang dapat ay katabi ko. Kaya naman napamulat ako ng wala sa oras ng makita kung sino ang katabi ko.

Sisigaw sana ako sa gulat ng bigla niyang tinakpan ang bibig ko. "Shhh. Wag kang maingay babe,baka marinig ka nila...."

Sabay alis ni Eithan ng kaniyang kamay sa bibig ko. Damn! Dipako nag t-toothbrush.

Hindi parin ako makapaniwala na nasa kwarto ko na siya. Gaano na ba siya katagal dito? Saan siya dumaan?

Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hinila. Nanlaki naman ang mata kong tumingin sa kaniya.

"May atraso kapa sakin...."

Sabi niya habang ako naman iniisip kung anong atraso ba yon.

"Bakit ka pumayag na si meryl ang Festival date ko?"

Tinangka kong muli tumayo pero mabilis niya uli akong hinatak.

"Mag totoothbrush lang muna ako pwede?"

"No!mabango kaparin naman kahit na dika na magtoothbrush"

Nag init nanaman ata ang pisngi ko. Nagbibiro ba siya?

"Pumayag ako kase ayaw ko naman na magalit sayo si Mr. Hubert pag hindi mo pinarteran si Meryl.."

Huminga siya ng malalim dahilan para maamoy ko siya. "San kaba kahapon galing?" Pag iiba ko ng tanong.

Tumayo na siya at sumunod na ako. "May tiningnan lang ako." Tipid niyang sagot ngunit hindi siya nakatingin saakin.

*toktok* mabilis na napatakbo ako sa gilid ng marinig na may kumakatok sa pinto. Nagkatinginan kami ni Eithan,pamilyar saamin ang ganitong senaryo and I swear,diko yon makakalimutan.

Imbis na magtago siya ay mabilis siyang dumaan sa bintana. Bago pa man siya makaalis ay ginawaran niya muna ako ng matamis niyang halik.

Binuksan ko naman ang pinto at si migo ang bumungad sakin. Hindi ko mabasa ang kaniyang emosyon ngayon. "May bisita ka" yon lang ang nasambit niya pagkatapos ay umisod siya ng konti at bumanlandra saaking mata si Arah at rica.

"A-ate" mangiyak ngiyak na sambit sa pangalan ko ni Rica. Mabilis nila akong niyakap damn,I miss them so much.

Tumingin ako kay migo na sumenyas na lalabas muna. "Teka migo? Paanong nakapasok sila dito?" Tanong ko kay migo.

Katulad kanina ay diko parin mabasa ang ekspresyon sa mukha niya. "Iniutos ni lolo,celestine" pagkatapos nun ay umalis na siya.

Inaya ko ang dalawa kong kapatid sa kwarto ko. Marami ako sa kanilang ikukwento at marami din silang ikukwento saakin.

Si rica ay hanggang bewang ko padin,samantalang si arah ay hanggang dibdib ko na.

"Nasaan si ina?"tanong ko sa dalawa dahil hindi ko nakita na kasama nila si ina,ang kinilala kong ina na hindi naman pala talaga. Gayunman...hindi ako galit kay ina,masaya parin ako sa pagpapalaki niya saakin at sigurl ay may dahilan siya kung bakit niya yon nagawa saakin.

"W-wala na si i-ina ate" natigilan ako sa sinabi ni Arah na yon.

"P-patay na si ina..." At humagulhol na si rica sa iyak habang nakayakap saakin samantalang si Arah ay nanatiling matatag.

Tiningnan ko si arah ng nagpapahiwatig na isalaysay niya saakin ang nangyari. Hindi parin kask saakin nag sisink in ang lahat.

"S-sinugod kami ate sa bahay,kahapon lang yon nangyari,excited pa sana si ina na pumunta dito at handang handa na kami dahil miss na miss kana namin at gusto ka nanaming makita,ngunit may dumating sa bahay natin na mga tao. Tatlo sila na nakaitim na mahabang tela. Balot ang kanilang mukha,gumamit si ina ng kapangyarihan niya kaya naman kahit papaano ay naprotektahan niya kami,ngunit hindi na ni ina kinaya,malakas ang kalaban. May mga dumating na tulong galing dito sa bayan ng Pelison,ngunit huli na ng matulungan nila si ina dahil binawian nadin ng buhay si ina."

May inabot na sulat saakin si Arah,kinuha ko yon at bakas pa ang dugo sa sulat na malamang ay pinaghirapan pa talaga niyang maiabot sakin. "Sabi niya ay ibigay ko saiyo ito,andiyan lahat ng gusto niyang sabihin sayo at gusto niyang malaman mo. Ate....namiss kanamin sobra" at yumakap narin saakin si Arah.

Ang luha na kanina ko pang pinipigilan ay nanlaglag na. Nalulungkot ako at nagagalit dahil pinatay nila si ina!

Sinabihan ko ang dalawa ni arah at rica na magpakatatag atisipin na kahit na wala si ina ay mananatili parin si ina saaming mga puso.

Sumang ayon naman ang dalawa.

Iniwan ko saglit ang dalawa sa kwarto ko na tuwang tuwa sa pagtitingin ng gamit na naroron.

Hinanap ko si Senior David,at hindi naman ako nabigong makita siya sa silid niya. Nandun din si migo at ilang tauhan niya.

Sumenyas si Senior David na lumabas muna ang mga tauhan niya samantalang si migo ay naupo.

"Tuloy ka celestine" sabi ni senior David.

Gaya ng gusto niyang mangyari ay tuloy ako at umupo kung saan katalatan ko lang si migo na hindi magawang tumingin ng diretso saakin at nag uumpisa na ako sa kaniya maghinala. May hindi siya sinasabi saakin.

"Mabuti narin na naririto ka Celestine,marami ako sayong dapat na sabihin" senior David

"Alam kong nabalitaan mo na ang nangyari sa iyong kinilalang ina tama ba?" Tumango naman ako sa tanong niya at hinayaan siyang magsalita

"May nakapag sabi saamin na sinalakay na ang bahay niyo at ang pamilya na kinilala mo,sinalakay ng mga rebeldeng taga neridas... Sinubukan naming buhayin ang iyong ina ngunit hindi na talaga kaya... Pagkatapos noon ay isinama nanamin ang iyong mga kapatid dahil hindi na ligtas kung sila ay maiiwan roon"

Tama naman si Senior David. Hindi titigilan ng mga kalaban ang pamilya ko.

"At kung nandito sila sa bayan na ito,ay mapoproteksyunan sila kagaya ng pagprotekta namin saiyo" dagdag ni senior David.

Alam konaman na protektado sila rito. Dumapo ang tingin ko kay migo na nahuli kong nakatingin saakin.

Tumayo naman na ako para balilan ang kapatid ko sa kwarto ko. Ngunit nagsalita muli si Senior David.

"Celestine,malapit ng maganap ang labanan. Alam kong alam mo yon,gusto kong maging handa ka at maging bukas ang iyong isipan."

Lumabas na ako ng silid na iyon ni Senior David. Patuloy sa pag eecho ang sinabi niya kanina bago ako lumabas.

Nadatnan ko naman na tulog si rica at arah. Napagod sila siguro...

Tinitigan ko silang dalawa at bakas sa kanilang mukha ang lungkot lalo na kay rica.

Sa dikalayuan naman ay nahagip ng mata ko ang isang tao na nakatayo malapit sa labas,nasa may puno siya at nakasuot ng Black hood na jacket.

Unti-unti akong lumapit sa bintana,tiningnan siyang mabuti,kapansin pansin ang balbas niya kahit malayo,ngumiti siya saakin pagkatapos ay naglakad na papalayo.

Tila ba parang isang bula siyang nawala. Naiwan nalang ang itim na usok sa kawalan.

Hinanap ko naman ang sulat na inabot kanina saakin ni arah. Naupo ako sa higaan ko at binuksan ang sulat.

Heriya:The Lost Magical CityWhere stories live. Discover now