EITHAN'S POV
Sumilay ang ngiti saaking labi ng hindi niya tanggihan ang laban na gusto ko. This battle is between me and her. This would be a perfect battle for us.
"Ano? Hinihingal kana ba? Wag mong sabihing magpapatalo kanalang ng basta-basta?" Pang iinsulto ko sa kaniya. Ewan ko ba kung bakit hindi niya inilalabas ang apoy sa katawan niya at palaso lamang ang gamit niya.
"I'm sorry to say this pero hindi ako papayag na manalo ka!ugong!" Amba't! Sinabihan niya ako ng ugong? Humanda ka saakin.
Gumawa ako ng malaking ice bomb at walang alinlangang ibinato yon sa kaniya. Tingnan ko lang kung pagkatapos nito sabihan mo pa ako ng ugong!
"B-boss Eithan! Hindi mo pwedeng gawin yan!" Dinig Kong pagpipigil ng kawal saakin.
Wala akong magagawa pasasabugin ko toh sa kaniya anumang oras.
Walang pag aalinlangan at ibinato ko na ang ice bomb na aking ginawa. Ngunit saakin na sana ang huling halakhak ngunit mabilis iyong hinarangan ng barrier at kilala ko kung kanino iyon-kay Migo.
Epal na lalaking toh! Bwesit! Fuck him!
CELESTINE'S POV
Namamagod na ako dahil sa walang sawang pag atake ng kumag na yon! And the worst is his ice bomb. Mukhang seneryoso niya ang Laban namin.
Inihagis niya ang ice bomb sa tapat ko dahilan para matrap ako,ngunit laking gulat ko ng may kulay orange na transparent ang sumuporta saakin.
Sumabog ang ice bomb ngunit hindi ako naapektuhan,dahilan narin siguro ito ng kulay orange na transparent na toh.
Unti-unting nawawala ang bagay na nasa harap ko at unti unti ko ring nakikita ang kararating pa lamang na isang lalaki.
"Eithan masyado mo naman atang pinapagod ang bisita natin,siyanga pala kanina pa kayong iniintay ng iyong ama at ina." Mula sa isang lalaki na kung ilalarawan mo ay,matangkad,makinis ang balat at may itsura.
Lumapit siya saakin para icheck kung ayos lang ba ako."Miss? Sa palagay ko ay hindi ka maayos. Mabuti pa ay sumama kana saamin papunta ng Pelison. Kanina ka pang hininhtay roon" nakatingin lang ako sa kaniya. Naguguluhan kung sino siya."Ah,by the way I'm migo,migo emmanuel." At inabot niya ang kanang kamay niya saakin.
"I-im celestine primo" pagpapakilala ko. Nginitian niya naman ako. Sa kaniya ay nakaramdam ako ng kaunting pagkapanatag,ngunit hindi pa tapos ang laban namin ng lalaking iyon. Baka hindi nanaman niya igalang ang mga kawal.
Saglit Kong dinungaw ang kinatatayuan ng lalaking si eithan. Masama parin ang tingin niya saakin.
Hindi ko na namalayang nasa gate na pala kami ng bayan ng Pelison. May halong kaba at pagka excite ang nararamdaman ko ngayon pero ang kailangan ko lang gawin ay mag ingat.
"Nandito na tayo miss.celestine" masayang sabi ni Migo.
Sa dikalayuan ay nakita ko namang nakaabang sila Ella at ang kaniyang ama at ina. Masayang kumakaway saakin.
Nakakatawang isipin pero ito na talaga,nasa lupa na ako ng mga taga Pelison.
"Sabi ko nanga ba at hindi mo kami bibiguin." Paunang salita ng ina ni ella.
Samantala ang ama naman ni ella ay nakaabang sa daraanan ni Eithan."Mag uusap tayo mamaya Eithan." Maikli ngunit ramdam mong ma-awtoridad ang pagkakasabi ng ama ni ella.
"Oh siya,sumama kana saamin ija,kailangan pa naming ipakita ang silid mo at pagkatapos ay mamahinga kana at sasamahan ka ni ella at ni migo bukas upang mamasyal dito sa bayan ng Pelison." Tila ba hindi sila naabusan ng sigla.
Sumama ako sa kanila at inilibot nila ako sa buong mala kaharian nila. Madaming malalaki at makukulay na chandelier sa kanila,at ang loob ay nagmistulang may pa red carpet,naglalakihan rin ang bintana at kurtina,ang hagdan nila ay ubod ng taas.
Tumigil kami sa isang pintuan. "Ija,ito ang magiging kwarto mo Simula ngayon." Sabi ng ina ni ella.
"Ina,magpakilala kana kaya sa kaniya. Kanina mo pa siyang kasama pero dika panya kilala kasi dimo naman sinasabi sa kaniya ang pangalan mo." Ella.
"Ah oonga! Siyanga pala ako si Estella,at ang asawa ko naman ay si Liro." Pagpapakilala ng ina ni ella.
"So pano ba yan,its your duty anak,sige na pagpahingahin mo na siya anak." Madam Estella.
Binuksan naman ni ella ang pinto at doon tumambad saakin ang malaki at malawak na kwarto nito."amazed?"ella asked.
Unbelievable! Sobrang lawak naman ata nito."from now on dito kana sa kwartong ito."
Inilibot ko sa loob ng kwartong ito ang aking paningin. Sumilip ako sa bintana na kasing laki ko siguro. At kung titingnan mo ito mula sa baba ay medyo mataas ito.
Nang makuntento ako sa pagsilip sa buong kwarto ay ang higaan naman ang nakita ko. Sobrang lambot niya,at malaki din. Tiningnan ko si ella na para bang nanghihinge ako ng permisong humiga sa kamang nasa tapat ko."go ahead celestine,its yours"sabi niya.
Nahiga naman ako agad. At alam Kong masaya akong pinagmamasdan ni Ella. Hindi ko alam na sa ganung pagtulong ay ganito pala ang magiging kapalit saakin.
Bumalikwas ako sa pagkakahiga at tinignan si Ella."salamat ella."
She smiled at me. "Sige na,magpahinga kana,bukas ay ililibot kanamin ni migo sa kabuuang bayan ng Pelison"
Hindi naman na si ella nagtagal sa kwarto at lumabas na siya. Padadalhan nalang raw niya ako ng pagkain pagkagising ko. Inaya niya akong kumain muna ngunit napagod ata ako dilang sa paglalakad kundi narin sa pakikipaglaban sa lalaking yon.
Inuunat ko na ang aking paa at nagsimula ng matulog. Tomorrow will be a long day for me.
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
Teen FictionThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....