EITHAN'S POV
Gusto kong parusahan at saktan ang sarili ko. Pta! Nang dahil saakin nadistract siya! Nang dahil saakin muntik ko na siyang mapatay.
Matapos niyang lumabas mula sa malapalasyong bahay ni senior david ay umalis narin ako. Iniwan ko na sila ina doon dahil nakita ko naman ng ayos si Celestine.
Mga ilang lakad na ang nagawa ko ng mapansin si Meryl na nasa harapan ko at seryosong nakatingin.
"Do you like her?"
Diretsa niyang tanong na ikinalaglag ng panga ko. Masyado bang obvious ang mga pinagagawa ko para mahalata nila?
Nilagpasan ko na lamang siya ngunit hinawakan niya ang kamay ko. "Please Eithan,answer me"
Hindi niya parin binibitawan ang kamay ko. "Bitawan moko" Malamig na boses ang ginamit ko at lumayo ng konti sa kaniya.
Nakakainis lang dahil parang hindi si Meryl Hubert ang aking kaharap. Anong nangyari sa kaniya.....
Mabilis niya akong nayakap kaya nanlaki ang Mata ko sa ginawa niya.
"Eithan,pleaseee. Comeback to me"
"E-eithan...." Ang boses nayun,naitulak ko si meryl ng marinig ko ang boses ni Celestine.
Sinundan niya pala ako at ang tanga ko para hindi siya agad napansin na sumunod saakin.
"Sandali Celestine"
Hindi siya humihinto sa mabilis niyang paglalakad. Pero bakit ba siya sumunod sakin?
Nilakad-takbo ko lang ang ginawa ko at mabilis Kong naabutan si celestine. Hinawakan ko siya sa kaniyang braso para tuluyan siyang huminto.
CELESTINE'S POV
Ang lakas ng kabog saaking dibdib. Nararamdaman ko ang biglaang pagkirot nito habang nakikitang magkayap sila meryl at eithan.
"E-eithan..."
Hindi ko napansin na kusa na palang bumuka ang bibig ko at nasambit ang pangalan niya.
Dahil sa hiya nararamdaman ko ay lumayo na lang ako at habang naglalakad ako ay kumikirot ang puso ko.
Dinig ko pang tinawag niya rin ang pangalan ko. I'm so stupid para sundan siya kanina. Dapat hindi ko na siya sinundan para hindi na ako nasasaktan.....
Nasasaktan?nasasaktan nga ba ako?
Halos mapamura na ako sa sarili ko ng maabutan niya ako at hawakan niya ang braso ko. Bakit ba ako nasasaktan? At bakit ko ba si Eithan tinalikuran? Anong nangyayari saakin.....
Dumapo ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Magaling kana ba?"
Tanong niya saakin na sa tingin ko ay nakatingin saakin. Mabilis na binawi ko ang aking kamay at dumistansya ng kaunti sa kaniya. Hindi ako nasasaktan at hindi ko dapat yon nararamdaman.
"Magaling na."
Tipid Kong sagot. Nakita ko naman ang pagkadismaya sa sagot niya. Mukhang may iba pa siyang itatanong at diniya lang naitanong kanina.
"Bakit moko sinundan?"
Nanatili parin ang tingin niya saakin. Sinundan ko lang naman siya para magthank you sa kaniya dahil marami akong natutuhan sa Laban namin kanina at hindi ko naman inaasahang makikita ko sila ni meryl na magkayakap.
I sighed heavily,parang ambigat ng pakiramdam ko ngayon. Baka epekto lang ito ng pagod ng labanan namin kanina.
"Magtethank you lang sana ak-"
Sa bilis ng kilos niya ay diko na napansin ang mabilis na paglapit niya saakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Hoy! Bitawan moko baka may makakita saatin at kung ano pa isipin"
Ipinagtutulakan ko na siya pero nakangisi pa ang loko.
Samantalang ang nararamdaman ko kaninang kirot sa puso ay napalitan ng kung anong sigla. Mabilis ang pintig nito at bakas na masaya ang puso ko.
"nararamdaman ko ang bilis ng pagtibok ng puso mo...."
Hindi ko siya magawang tingnan dahil sa nakayakap pa siya saakin. Makawala lang ako rito babatukan ko siya ng sobra!
"Para namang hindi ko nararamdaman na ganun din yung sayo."
"Its because of you celestine...."
Natigilan ata ako at parang nabingi sa narinig ko kahit na anlapit niya saakin. Nagawa Kong umatras para makawala sa yakap niya.
"Ano bang mga pinagsasasabi mo?"
Naguguluhan na kasi ako sa mga kinikilos at pinapakita niya saakin. May nagawa ba ako kaya siya ganan saakin.
"When meryl asked me if I like you I didn't answer...."
Pagsasalita niya at nakikinig lang ako sa kaniya. Ang tingin niya saakin ay diretso parin,titig na alam mong makakatunaw ng puso mo.
"Hindi naman talaga kita gusto...."
Biglang kumirot nanamang muli ang puso ko. Baka ang mga susunod niyang sasabihin ay diko na kayanin. Hindi niya ako gusto...pero ano bang I big sabihin ng halik niya noong Gabi saakin at mga ipinakikita at ipinararamdam niya.
Marahan akong napatawa. Nag assume lang siguro ako and too bad kase kay Eithan pa. The cold one
Tumalikod na lamang ako sa kanya. Ayoko na marinig pa ang sasabihin niya. Mukha namang walang pakialam siya saakin dahil hinayaan niya akong makalakad ng malayo sa kaniya. Pero ganun pa man ay hindi ko malilimutan ang huli niyang sinabi....
"Mahal na kita celestine....."
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
TeenfikceThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....
