CHAPTER 23 BLACK DRAGON

151 4 0
                                        

CELESTINE'S POV

"What?! Sinigawan ka ng Tito mo?" Dimakapaniwalang tanong ni Ella saakin matapos nilang makarating kanina ay dumiretso sila sa harapan nila kung saan naroon din si migo.

"Wag mong mamasamain celestine,pero mag iingat ka sa kanila. Lalo na Kay Mr. Greg. Mukhang may iba pa siyang pakay sayo." Boses ni migo.

"Sa kaso mo ngayon ay marami talagang magtatangkang kunin ka. Lalo na't kilala ka sa buong magical city." Dagdag pa niya.

Nasa harapan lang kami ng malapalasyong bahay nila Ella. Masarap ditong mamalagi dahil sariwa ang hangin at may ilang halamang magaganda.

"May nasabi ba sayo sila ina at ama na ibibigay ka nila kung sakaling may kumuha sayo?" Nilingon ko si ella. Wala naman kasi silang nababanggit.

"Wala naman." Tipid kong sagot.

"Pero alam niyong hindi papayag ang magic council na sainyo mapunta si celestine" migo

"But why? Kami naman ang unang kumupkop Kay celestine ah!"

Ella is right. Bakit naman kailangan pa nila akong ibigay sa iba e ayos nako dito sa kanila.

"Ms. Arisca ipinatatawag po kayo ng inyong ama." Napalingon kaming tatlo sa isa siguro sa mga tao ng kaniyang ama.

Nagpaalam muna saglit si ella. Naiwan kami ni Migo. Siguro ay naiinip si migo kaya naisipan nitong mag aya.

"Magical forest?" Tanong niya na para bang nagtatanong saakin kung gusto ko doon. Tumango nalang ako kasi wala naman pagpipilian.

Habang naglalakad kami ay kapansin pansin parin ang mga tao na yumuyuko sa twing makikita ako.

"Ang bilis ng panahon ano? Parang kahapon lang inawat ko kayo ni Eithan na naglalaban tapos ngayon we were getting closer na."

Sumang ayon naman ako. Ang bilis naman talaga ng panahon. Isang bwan na ako rito.

Huminto siya at napahinto narin ako.

"Celestine..."

"Hmmm?"

"Ah wala wala."

Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad. Weird

Nakarating kami ng magical forest. Dito lang kami sa kalahating bahagi kung saan naririto ang mabubulaklak na parte ng bayan nila.

Hindi ko alam kong bakit ba napili Kong sumama rito. Siguro ay may gusto akong balikan at gustong malaman.

Muli Kong binalikan ang parte ng magical forest kung saan ko nakita ang isang nakaitim na tao.

Nakasunod lang saakin si Migo.

Tumingin akong muli sa bulaklak na na dati Kong tiningnan narin. Umaasa akong makikita ko siya.

Inilapit ko pa ang Mata ko. Bakit ba wala na yung nakita ko. "Celestine!" Shit! Napaatras ako sa sobrang kaba at gulat.

Si Eithan lang pala. "Are you crazy?! Ano ba ang pumasok sa kokote mo at napili mong pumunta rito!" Nakikita ko ang galit sa kaniyang pananalita. Mas nakakatakot pala toh kesa sa nakita ko.

"Wag mo siyang sigawan Eithan ako nag aya sa kany-"

Naambangan agad ni Eithan ng suntok si migo kaya mabilis ko silang inawat. "Tama na! Itigil niyo yan!" Pag aawat ko pero parang wala si Eithan na naririnig.

Susuntok sanang muli si Eithan ng maharangan ko na siya. Ang Mata niya ay sumagi sa Mata ko.

Inayos niya na ang damit niya at si migo ay nakatayo na rin. Hindi siya lumaban Kay Eithan kahit na may Laban naman siya. "Ibalik mo na si Celestine sa bahay migo." Malamig na boses mula sa kaniya pero ramdam ko parin ang galit dahil sa tingin niya saakin. Ano bang problema niya?

Aalis na sana kami ng biglang may dumating. Shit! Kalaban!

Inisod ako ni migo at inihuli ako. Maging si Eithan ay nasa unahan ko na wariy pinoprotektahan ako.

Naramdaman ko ang biglaang paghahanda nila Migo at Eithan.

Nakita ko naman muli ang isang taong nakita ko noong nasagutan ako dito.

"Long time no see celestine." Nanindig ang balahibo ko dahil sa boses niya. Nakatakip parin siya ng mukha habang ang suot niya ay mahaba parin na kulay itim.

Nakaramdam ako ng pamamanhid ng katawan ko. Damn! What's wrong with me.

"L-lumayo kayo sakin." Nangangatal Kong salita na ikinalingon saakin ng dalawa.

Mukhang balak akong gamitin ng taong yon! Kailangan makalayo ng dalawa kung hindi maaari Kong masaktan ang isa sa kanila or worst parehas sila.

"Hahahaha" dinig Kong tawa na alam ng lahat na nakakainsulto yon.

Nalilito silang tumingin saakin. Pinipilit akong controlin ng taong kaharap namin.

Hindi ko na mapigilan. Unti unting pinipilit ng kamay kong abutin ang kwintas ko. "No!" Agad akong tinakbo ni Eithan samantalang si migo ay naglabas na ng kapangyarihan niya.

Makulimlim na dahil sa kapangyarihan ni Migo. "W-wag kang l-lumapit Eithan" sabi ko pero wala lang sa kaniya.

Pilit na nilalabanan ni migo ang taong iyon. At pilit ko ring nilalabanan ang katawan ko na inaabot ang kwintas ko.

Lumapit saakin si Eithan at nang tatangkain niya akong hawakan ay nagkaroon siya ng sugat kaya napaatras siya.

Unti unti akong nawawalan ng pag asa alam Kong gagamitin nila ang kwintas ko para lumabas ang dragon dito.

Heriya:The Lost Magical CityStories to obsess over. Discover now