EITHAN'S POV
Hindi mamatay-matay ang mga kalaban at mas lalo pang dumadami,nakakailang mura naako dahil si Celestine ay nakita kong napuruhan na.
May mga kalaban nanaman na dumating,tatlo sila at kung susuriin ito ay mas malakas toh kina Vino na sabi ni ama ay siya raw ang tunay kong ama.
Kahapon lang yon ipinaliwanag saakin ni ama ngunit hindi ako nakaramdam ng galit sa kanila,mas nanaig pa ang galit sakin kay Vino!
Nakita ko ang pagsalakay ng dalawa sa mga bagong dating at sinalakay ang direksyon nila Ella,nakita ko rin ang pagtakbo ni Celestine para puntahan ang sila ella ngunit na harangan ng mabilis ng lalaking pinuno ata nila Vino.
"Shit!!" Pagmumura ko ng makitang hinawakan ng lalaki ang leeg ni Celestine. Damn! Wag na wag nilang hahawakan ng madumi nilang balat si Celestine!
Pagharap ko sa kalaban ko ay nawala na ito,mabilis pala itong pumunta sa direksyon ni Celestine at nagawang bigkasan ng ritwal at nawalan ng Malay si celestine.
I cursed my self in many times. Lalo pa akong nagalit ng mawala sila na parang bula kasama si Celestine.
"Susundan natin sila sa Neridas,kailangan nating makuha si Celestine bago pa nila mahigop ang lahat ng kapangyarihan nito at mapasakamay ang dragon nito."
Halos hindi ko na marinig ang Plano nila,parang anumang oras ngayon ay gusto ko na silang sugudin. Gusto ko na silang lahat patayin dahil sa pagkuha nila kay Celestine.
Lumayo na ako sa kanila,puro sila plano! Hindi ba nila naiisip na maaaring nasasaktan na ngayon si Celestine dahil sa mga kalaban na yon.
"Eithan huminahon ka muna. Mag intay mun-"
Inis na binalingan ko ng tingin si migo habang pinipigilan akong umalis.
"Maghintay? Paano niyo naaatim na tumunganga lang dito at magplano ng magplano habang sa mga oras na ito ay pinahihirapan na nila si celestine!"
Sigaw ko dahil parang masisiraan na ako ng bait. Tumingin saakin ang ama ni celestine.
"Wag kang magmadali eithan,kilala mo naman so Celestine,hindi naman papayag yon na madedehado siya hindi ba?" Salita ng kaniyang ama.
Mabigat ang paghingang pinakawalan ko sa hangin. Kailangan pa raw namin na mag hintay ng kalahating oras bago salakayin ang kuta ng mga kalaban.
Nananatili kaming nasa gubat. "Nasaan si meryl?" Paghahanap ni ng kaniyang ama na si Mr.Hubert.
Kapansin pansin kasing wala si Meryl kanina pa.
Samantala... Dumating na si Mr. Deleon kasama ang isang babae. "Isinama ko na si Dina at ang ilang mga healer niya,makakatulong sila kung sakaling may masugatan saatin"
"Siguro mas mabuti pang may ilan na maiwan dito sa Pelison,baka mamaya ay magpadala ng tao sila Vino at Damian para salakayin ang bayan natin"
Sabi ni ama na sinang ayunan ng lahat. Nagpaiwan ang iba samantalang kasama namin sia ella,aina,migo at jake, kasama din namin ang ama ni Celestine,at si ama. Si senior David ay sumama narin.
Hintayin mo kami celestine.....
THIRD PERSONS POV
*sa Neridas*
"Damian,ano ng binabalak mo ngayon sa anak ni Arman na iyan?" Tanong ni Vino habang ang tinutukoy niyang tao ay si Celestine.
"Hayaan mo muna silang salakayin tayo Vino,hindi magtatagal ay pati kapangyarihan nila ay mapapasaatin narin" namayani ang nakakakilabot na tawa sa buong paligid.
Plano nila Damian na pasunudin ang mga kasapi ni celestine para maishutdown nito ang mga kapangyarihang taglay ng mga kasapi ni Celestine.
"Sa ngayon,ipatawag mo sila Alva At Kael. Sabihin mo ay umpisahan na nila ang pag lilipat ng kapangyarihan ni Celestine saakin." Utos ni damian kay vino naagad din namang sinunod ni vino.
Lingid sa kaalaman ng lahat na nakasama si Meryl sa kuta nila Damian at balak na iligtas si Celestine.
Nagpanggap si Meryl na si Alva dahil pinatay na niya si Alva,nagtakip lang iyon ng tela sa mukha at dahil nakasanayan na nila vino na makita si Alva na may takip na tela sa mukha ay dinila napansin si Meryl.
Umupo si Damian sa isang upuan kung saan malapit lang iyon sa kinahihigaan ng walang Malay na celestine.
Dumating naman na ang mga nautusan ni Damian na maglilipat ng kapangyarihan ni Celestine sa kaniya.
Andun si Meryl kasama ang nasabing Pangalan na kael. Nanatili naman na nakasuot kay Celestine ang kwintas nito na ang dragon niya ay mabilis na nakasama sa pagkawala na parang bula ng nga kalaban kasama si celestine.
"Malapit na.....malapit na akong mamuno sa buong magical city!" At muli nanamang namayani ang tawa sa buong paligid,hindi ordinaryong tawa dahil nakakakilabot ito sa twing gagawin ni damian.
Malapit na si Meryl kay celestine. Ang tao lang sa loob ay si kael,celestine,at damian. Si vino ay nag babantay sa labas para sa pagdating nila Eithan.
Nagsimula ng magform ng itim na usok ang katawan ni Damian at si Celestine naman ay nagform ng mapula pulang usok.
Napangiwi si Meryl ng makitang nag uumpisa ng lumipat ang kapangyarihan ni celestine kay damian.
"Kael?Wala dito ang isa sa mga sangkap na kakailanganin natin sa mabilisang paglipat ng kapangyarihan nitong babae kay damian"
Kahit na nahihirapan si meryl na gayanin ang boses ni Alva ay pinilit niya Yong makopya. Napalunok si Meryl dahil lumapit si Kael sa kaniya.
"May sakit kaba Alva?bakit ata iba ang Boses mo ngayon?" Usisa ni kael.
Napalayo tuloy si Meryl dahil natakot siyang baka mahalata siya ng kaharap niya.
"Ang tagal naman ata niyan! Wala naba yang ibibilis pa!"
Bulyaw ni damian kaya bumalik sa ginagawa nila si Kael dahil galit na si damian.
Nakarinig si Meryl ng isang malakas na pagsabog sa labas nabuhayan siya ng loob kaya mabilis na kinuha ni Meryl ang dagger na dala dala niya at walang pakundangan na itinusok sa nakatalikod sa kaniyang si Kael.
Dahil sila ang tao don ay hindi napansin yon ni damian na busy sa pagkakahiga dahil gustong gusto ng makuha ang kapangyarihan ni celestine.
Ipinalit ni meryl si Kael sa kaninang pwesto ni Celestine. Ngayon ay nagsimula ng malipat ang pangyarihan ni Kael kay Damian.
Mabilis na inakay ni Meryl si celestine at inilabas sa silid na iyon. Samantala nagawa na ni celestine na maimulat ang kaniyang mata,kaso ngalang ay nabawasan na ang kaniyang kapangyarihan ngunit konti lang ito.
Nang mapansin ni damian na ibang init na ang kaniyang nararamdaman ay bunalikwas siya. Nagalit siya ng sobra ng makitang wala na si Celestine don at si Kael nalang ang naroroon.
Dahil sa galit ay nagawa ni Damian na maglabas ng kapangyarihan niya at ang remote control na ginawa paniya noong magkakaibigan pa sila nila Arman,ang ama ni celestine at si Senior David.
Ang remote control na yon ay kayang magpashutdown ng kapangyarihan without 1minutes at ang masama pa nito ay kaniyang kapangyarihan lang ang matitirang magagamit.
Sumilay ang ngiti niyang nakakatakot,nagsimula siyang lumabas at lumutang sa hangin hawak ang remote control na yon.
Magiging katapusan nanga ba kaya nila Eithan? O sa huli ay sila Damian ang magkakaroon ng katapusan?
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
Teen FictionThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....
